Natikman ko na yung Rodic's dito sa Makati and honestly, I didn't like it one bit... umorder ako ng tapsilog for takeout... tapos pagdating ko sa bahay, pagbukas ko nung styro, nagulat ako, akala ko mali ang binigay sakin kasi akala ko corned beef yung naibigay sakin, yun pala ganun talaga tapa nila? Shredded? Tapos medyo manamis-namis? Ugh, sorry pero sa lasa nya, hindi mo masasabing tapa yung kinain mo eh, pwede siguro corned beef na matamis! HahahaPeace tayo mga Rodic's lovers, opinion ko lang po yun.
... Kung kakain ako ng TapSiLog dito sa Makati, numero uno pa rin ang Rufo's para sakin, kasunod ang Tapa King!
And last Sunday, napadaan ako sa Tapsi sa Palatiw dyan sa may Manggahan, Pasig... Aba! Ang sarap nya ha, malasang malasa yung Tapa nila, tsaka yung sinangag, ayos na ayos.... yun nga lang, kokonti lang yung Tapa.... pero kahit na, dahil sa presyo nya na 22 pesos kada order, pwede ka umorder ng 2 o 3 at siguradong di ka na mabibitin, kung 3 inorder mo, para ka na rin nag eat all you can ng TapSiLog for 66 pesos, siguradong busog ka nun!
Next stop, sa Maty's naman ang dadayuhin ko!![]()








Peace tayo mga Rodic's lovers, opinion ko lang po yun.
... Kung kakain ako ng TapSiLog dito sa Makati, numero uno pa rin ang Rufo's para sakin, kasunod ang Tapa King!
Reply With Quote















