hay naku sis........basta ako.....pahinga....andun pa rin ako sa parang isang bata....pero...basta....pahinga muna....kahit in love ako...pahinga pa rin muna!!!
sinabi ng pahinga eh!!!

Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.
read more
The ADMU Lady Eagles overpowered UST in 4 sets, ousting the Golden Tigresses and advancing to the V-League finals
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike.
read morehay naku sis........basta ako.....pahinga....andun pa rin ako sa parang isang bata....pero...basta....pahinga muna....kahit in love ako...pahinga pa rin muna!!!
sinabi ng pahinga eh!!!
baliktad tayo GirlNextDoor
ako baka hirap adjust partnered (if ever) from singel ...
Ms GirlNextDoor ... okhay lang yan ... i mean parting can also mean growing ryt?
kaya ako mejo overgrown na lol
gud mawnin all !!!
hi nga pala to Deli
nakupow ... lol lolOriginally posted by DELISYUS:
hay naku sis........basta ako.....pahinga....andun pa rin ako sa parang isang bata....pero...basta....pahinga muna....kahit in love ako...pahinga pa rin muna!!!
sinabi ng pahinga eh!!!
hay nako delay ... sa loob loob mo siguro e talagang may gustong kumawala ... sige ka, pag di mo linabas yan baka sa ilong yan tumagas ... oy deli jok ha, ganda ganda kasi morning eh, kaya dapat ganda ganda ka ren
aysus, aga naman nun
hehehe... la lang!![]()
SA ARAW NG MGA PUSO
Rico Abelardo
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal
Nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
Sa mga malabo ang paningin.
Mangyari lamang na tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan
Habang ipinagbubunyi ang walang katulad
Na kagitingan ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
Nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
Ng pusong lumaki sa mga engkanto’t diwata.
Mangyari lamang na tumayo ang nagmahal, minahal at iniwan
Ngunit handa pa ring magmahal
Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan ang paghagulgol sa dilim.
At sa mga nananatiling nakaupo
Mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis
Palabas sa nakangangang pinto
Umuwi na kayo!
At sumbatan ang mga magulang
Na nagpalaki ng isang halimaw.
At sa lahat ng mga naiwang nakatayo
Mangyari lamang na hagkan ang isa’t isa
At yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat
Na nagsisikap makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya at higit sa lahat
Magpatuloy sa pagmamahal.
yan po.......lapit na Valentines......miss ko na si marlbabe na nagbi-breastfeed na ngayon......
shefffff......sis winter......ano, GIRLS NYT OUT na lang sa Valentines???? ala naman tayo date ehhhhhhh
or.....nood tayo concert ng THE CORRS
ayyy...teka......
SA LAHAT NG MAPAPADPAD DITO, PAKIBASA NG AYOS YUNG TULA....AT PAKISABI KUNG ASAN KAYO DUN!!!
MARAMING SALAMASSSSSSSSSS!!!!!!
Ako... nangangambang magmahal... nagmahal at nasawi... at patuloy na nagtataya.
Originally posted by DELISYUS
Mangyari lamang na tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan
Habang ipinagbubunyi ang walang katulad
Na kagitingan ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
Nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
Ng pusong lumaki sa mga engkanto’t diwata.
5 weeks na lang, Valentine's Day na! S**t! My ex is living in the province and i want to call him on that day. but you know, my pride...
Originally posted by DELISYUS
[i]
Mangyari lamang na tumayo ang nagmahal, minahal at iniwan
Ngunit handa pa ring magmahal
Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan ang paghagulgol sa dilim.
[i]
napakaganda ng tula. naisip kong bigla na lahat tayo ay pinagbubuklod-buklod ng ating mga sariling karanasan ng pag-ibig. masaya.masakit.
mapait.
![]()
subalit kahit na takot tayong lahat masaktan, bawat isa sa atin ay mayroon paring pag-asa na makatagpo muli ng isang magandang pag-ibig![]()
Originally posted by ulicqeldroma
wow...bigat ng tula ng yon a! medyo advanced nga lang...
this thread reminds me of a song...."you had the right love at the wrong time..."
*sniff* ..WAHHHHHHHHHHH!!!!!
lungkot naman nitohhhh!!! *singhot*...maskit kuya eddie....cuts like a knife!...*sniff*..the wound is ocean deep...
![]()
oo nga very ocean deep ang sakit...!!!!!!!!!!!!!
nakakalungkot men!!!!!!!
hinde ba
mayroon pa rin namang sayang makukuha
sa pagtaya....ng puso....ng damdamin.......
sa bawat luhang pumatak noon......
o pumapatak ngayon.......
kahit paano, alam mo......
totoo kang nabubuhay........
hindi ka parang multo...
sa araw ng mga puso, puso ko ay malungkot wala kaseng isang puso eh!![]()
para ba tumibok ng puso mo
kailangang may katabi ito???
Ang lungkot nga noong "wehad the right love at the wrong time. Since I always knew inside. I'll never have you for a long time."
Sa araw ng puso sana lahat ay mayroon minamahal.![]()
Ayan dyan ako nababagay though nasaktan handa pa rin magmahalOriginally posted by DELISYUS
SA ARAW NG MGA PUSO
Rico Abelardo
Mangyari lamang na tumayo ang nagmahal, minahal at iniwan
Ngunit handa pa ring magmahal
Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan ang paghagulgol sa dilim.
At sa lahat ng mga naiwang nakatayo
Mangyari lamang na hagkan ang isa’t isa
At yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat
Na nagsisikap makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya at higit sa lahat
Magpatuloy sa pagmamahal.![]()
bat ganun......feeling ko....para akong bata...laging takot.....pero...lagi rin namang nagmamahal....hindi ko rin naman maiwasan yun eh...kaya lang, ang malungkot nito, nde ako tulad ng isang bata na nagbibigay ng kendi....buong puso, tamis ngiti at lahat-lahat.....minsan, nde pa ako nagmamahal ng lubusan..takbo na ako.....ala lang .....![]()
sa araw ng mga puso... m sure, mag-isa na naman ako.. as usual, uwi ng maaga ksi ala na kong kasama dahil lahat ng barkada at mga ibang tropa ay nagkukumahog para sa mga date nila.. as usual.. date na naman kami ng 1 bag na Reese's ko... haay.... 21 years na kong ganito.. whew! oh well.. dat's life....![]()
*sighs*
....sabi nila musmos lang daw ako, walang alam, minsan nga maririnig ko sa kanila "kuuu..bata ka pa naman, madami ka pang pagdadaanan"..pero minsan nasasabi ko na lang sa sarili ko, bakit ganon? kayong matatanda, ang dami nyo na ngang pinagdaanan, ganyan pa rin kayo, marami pa rin sa inyong hindi marunong magmahal, marami pa rin sa inyo ang nasasaktan, marami pa rin ang natatakot. di ba minsan sabi nyo, "pagmatanda ka na, malalaman mo kung anong ibig sabihin ng buhay, *** totoong kahulugan ng pag-ibig..". maraming beses kong inisip ang ibig sabihn ng tinuran nyo, pero kahit anong pag iisip ko hindi ko makuha ang dahilan...bakit nyo nasabing sa pagtanda ko lang malalaman ang tunay na kahulugan ng sinasabi nyong pag-ibig, kung kayo mismo, hindi ko makitang alam nyo na kung ano talaga ang ibig sabihin nito. kung sa huli ay matatakot din ako na katulad nyo, mabuti pa sigurong ngayon pa lang ay masaktan na ako, ngayon pa lang ay tatanggapin ko na ang lahat ng pagdurusang dala ng pag-ibig na sinasabi nyo, para sa huli, hindi na ko matatakot...musmos nga lang ako, pero bakit parang mas alam ko ang dapat kong maramdaman...kayong mga nagsabi sa kin na maghintay ng aking oras eto lang ang masasabi ko, "ano ang pag-ibig?" sana sagutin nyo ng matapat, hihintayin ko ang inyong kasagutan, SA ARAW NG MGA PUSO
---
![]()
Ikaw Lamang
Ikaw ang pangakong
Taglay ng isang bituin
Tanging pangarap sa Diyos ay hiling
Makapiling sa bawat sandali
Ikaw ang pag-ibig
Sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang
Tanglaw sa dilim
Napapawing hirap at pighati
Langit ang buhay
Sa tuwing ika'y hahagkan
Anong ligaya
Sa tuwing ika'y mamasdan
Sa piling mo, ang gabi'y tila araw
Ikaw ang pangarap, ikaw lamang
Ikaw ang pag-ibig
Sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang
Tanglaw sa dilim
Napapawing hirap at pighati
Langit ang buhay
Sa tuwing ika'y hahagkan
Anong ligaya
Sa tuwing ika'y mamasdan
Sa piling mo, ang gabi'y tila araw
Ikaw ang pangarap, ikaw lamang
Langit ang buhay
Sa tuwing ika'y hahagkan
Anong ligaya
Sa tuwing ika'y mamasdan
Sa piling mo, ang gabi'y tila araw
Ikaw ang pangarap, ikaw lamang
i love this song !!!
sis delisyus. sarap mag-emote. mag-emote na lang tayo sa Baguiohmmmmm....
sa araw ng mga puso
hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin
mula sa kaibuturan ng puso ko,
alam ko mayroong maghihintay sa akin
sa araw ng mga puso![]()
i think i'm high or something...hehehe...
gasoline
sis....ganun naman talaga eh.....minsan, kala namin, mas marami kaming alam dahil nauna kami senyo.....minsan naman nga, totoo, kung kami yung tipo ng taong marunong matuto......minsan, nagkakamali lang..minsan, may hinahanap na hindi makita......
kung tatanungin natin siguro kung sinong may pinakanalalaman tungkol sa pagmamahal, yun yung mga bata at yung mga lolo/lola natin...kasi sila, malamang, payapa na ang puso...tayo kasi, nagmamarunong pa....galit pa.....mas napapansin yung pasakit......
sa araw ng mga puso......sana parang nung pasko....kasama ko yung nagmamahal sa akin.....
dati, birthday wish ko..isang gabing kayakap yung taong nagmamahal sa akin...yung tipong handang mamatay para sa akin....may yumakap na sa akin ng ganun eh....hinahanap ko lang ulit......malabong makuha ko ngayong Araw ng Mga Puso..pero.....isang yakap lang....isang ngiti.....isang himas o hagod sa likod habang umiiyak....la lang![]()
ate mec
siguro nga, natural na ganon, kahit gano kagasgas ang line na "dadating din ang tamang lalake balang araw" eh dadating at dadating din sila...marahil wala nga ako gaanong nalalaman, pero nakikita kong masaktan ang maraming tao, pero sa kabila non, masaya pa rin akong naghihintay ng nakalaan para sken, sana malapit ng dumating ang para sayo at pag nangyari yun, manatili ka sanang masaya, kasama kita sa aking mga dasal
---
![]()