PEx Highlights

PROMO: Gone Girl

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

read more

UP StatSoc Goes Infinite!

Come and join UP StatSoc in celebrating their 33rd Anniversary on September 22 to 27!

read more

REVIEW: Rurouni Kenshin: The Legend Ends

The Legend Ends is a totally epic conclusion to a heroic tale.

read more

Top TV Shows!

Find out the top 5 TV shows in the Showbiz forums here!

read more

PHOTOS: La Salle Extends Series vs FEU

Jeron Teng and the DLSU Green Archers had no problems defeating the FEU Tamaraws on Saturday, 94-73.

read more

An FEU-NU Matchup in the UAAP Finals?

Well, you guys were calling for an FEU-NU matchup and we wrote about it! Check out our article about a potential Tamaraws-Bulldogs matchup in the UAAP Finals.

read more

Page 11 of 116 FirstFirst ... 10 11 12 21 61 111 ... LastLast
Results 201 to 220 of 2303
  1. #201
    ano kayang sakit ang pwede kong makuha ko dito ano ang dapat gawin? thanks.
    http://www.pinoyexchange.com/forums/...d.php?t=322280
    Last edited by smilewarrior; Nov 12, 2007 at 08:54 AM.

  2. #202
    ang TOXIC ng Buhay! :)
    Join Date
    Oct 2007
    Location
    Nurse's Station
    you seem anxious, kuya. actually the ihi is sterile, kaya lang siya nagkakabacteria, pagkalabas na nito sa ating mga urethral meatus at kung may impeksyon ka talaga. wala pa naman ako nababalitaan na nagkasaket dahil sa kakasinghot ng weewee.


    gumamit ka nalang ng lysol spray sa kwarto mo. para yung bacteria sa hangen mamatay. yun lang maadvice ko sa iyo.
    Last edited by smilewarrior; Nov 12, 2007 at 08:55 AM.

  3. #203
    Hi doctors of PeX!

    I'm 27 years old. Last March 2005, nagkaroon ako ng matinding back pain sa lower back ko to the point na nahihirapan akong makalakad. Nung nagpunta ako sa doctor sa UST, sinabi sa akin na may sacralization daw ang L4 at L5 ko pero inborn daw yun. nagrehab ako dun for 2 months at gumaling. Pinayuhan ako to do stretching and proper exercise. Pinainom ako ng prednisone, raxide at cataflam.Uminom ako nung 3 yon kapag sumasakit ang likod ko or inaanticipate ko nasasakit ang likod ko dahil sa trabaho ko. Nature kasi ng work ko is mountain climbing.
    Pero continuous pa rin ang back pain ko lalo na pag bumabangon ako. Kailangan ko rin na mag-iba-iba ng sleeping position para di gaanong masakit ang lower right back ko. last year, around november or december, namaga ang lower right back ko. bumukol talaga. Akala ko naipitan lang ako ng ugat. Nagpunta pa ko sa hilot pero syemre walang nangyari. Nung umuwi ako sa province, nagpa-urinalysis ako. baka kasi may UTI ako. ok naman yung result ng urinalysis. pero nagself medication ako, uminom ako ng bactrin forte. ayun, umigi yung pakiramdam ko. nawala yung bukol. akala ko ok na.

    Nung june this year, nagpunta ako ulit sa OB. medyo sumasakit kasi puson ko. nagpatransvaginal ultrasound ako para malaman kung may cyst ako. nung ine-examine nya ko, napansin nya na yellowish ang discharge ko. tinest din yung discharge ko pero ok naman daw ang resulta. binigyan nya rin ako ng antibiotics para sa vaginal infection daw. pero yellowish pa rin ang discharge ko up to now.

    naging busy na ko sa work, di na ko nakabalik sa doctor. you know, I'm a hard working person. kaya kong magpuyat at di kumain para sa trabaho. Kaya siguro humina ang immune system ko.

    This august ****, bumukol na naman ang lower back ko at nagkaron n **** ako ng back pain n matindi. pagbalik ko from fieldwork, nagpunta ako sa rheumatologist sa UST. di nila madecipher kung anong sakit ko kasi ok **** daw ang spine ko. sinabi ng surgeon **** na "lipoma' daw. kailangan ng surgery. at nasa akin daw ang decision kung gusto ko ng ipatanggal. wala **** silang ginawang tests sa akin other than x-ray.
    So akala ko, ok lang. sabi ko by december na lang ako pa-opera para tamang-tama sa christmas vacation. Nung november 29, i went to East ave. para sa second opinion sa "cyst" ko. ayoko kasing magpa-opera hangga't maari.sabi nung gen. surgeon, lipoma rin daw. kailangan ko rin daw ng surgery. sinabi ko sa kanya yung ibang nararamdaman ko. sabi ko, occasional chill at lagnat sa gabi, back pain at numbness nung right leg ko. dun sya nagrecommend ng MRI.
    Nagpaconfine na ko yesterday para sa operation. Nung lilipat na ko ng hospital for operation, pinatawag ako nung gen. surgeon, kasama nya na yung orthopedic surgeon.
    I was diagnosed yesterday to have tuberculosis of the spine (Pott's disease). 2 discs ko na daw ang unti-unting nasisira. Sinabihan ako na kailangan ko daw ng surgery kung saan ireremove yung 2 infected discs sa likod ko at papalitan nila ng buto na nasa may tadyang or sa may leg ko. I'm scared. May abscess yung lower right back ko kung saan nakabukol yung infected part. Based sa MRI sa 2 discs nga daw galing yung abscess. Kahit daw idrain yung abscess babalik din yun. They told me to prepare P220k for the operation. Right now, I'm under medication, yung Myrin-p forte. Ang sinabi lang sa king side effect is pupula ihi ko.

    Di ko akalain na ganun kalala ang sakit ko. Talaga po bang ganun ang hatol nun? Sabi nila paralysis, spine deformation or death ang mangyayari kung lumala ang condition ko. Masyado pong malaki yung hinihingi nila para aking operation. di ko po kaya, since ako ang bread winner sa amin. ang parents ko po ay parehong may stroke, ganun din po ang dalawa ko pang kapatid. Government employee lang po ako. Hope somebody could help me find a doctor na magaling and at least di ganung kamahal ang gastos nmin. Di ko po naitanong kung anong stage na yung sakit ko. I feel hopeless po. Sana po ma-advice-an nyo po ako. Balak ko rin po na magpunta sa iba-ibang hospital para mag-ask pa ng opinions. Salamat po.

  4. #204
    Follow-up question po, paano po ako nagkaroon ng ganitong sakit? saka nakakahawa po ba ito? baka po kasi mahawahan ko ang asawa ko.Thanks again.

  5. #205
    Unfortunately, yes, TB of the spine is a very debilitating disease. Without surgery, you're risking paralysis or even death. If you want a second opinion, you can go to Philippine Orthopedic Center (POC) or PGH outpatient clinic.

    You can apply for medical aid from PCSO. Ask your attending physician about it so they can give you a medical abstract and estimation of costs that you will submit at PCSO.

    Did you undergo a sputum exam? If the results of your sputum exam are negative and your chest xray results are normal, then you're not infectious.

  6. #206
    Doc Marbles, di po ako nag-undergo ng sputum exam. Kukunin ko pa lang po yung chest xray ko sa monday. nagkapulmonya rin po ako last august 2005 pero nagnegative po ako sa TB. dun ko po kaya nakuha yung sakit ko ngayon? pero nagsimula po yung back pain ko nung march 2005 pa. nagpositive din po sa skin test yung husband ko nung 2005 pero negative po sa tb based sa chest xray. thanks for answering my questions

  7. #207
    hi confused *** ako if tb ba sakit ko kasi yr 2004 sa pre-employment ko pinainum ako ng dr ng myrin p forte for 6 months , xray lang at ppd test ginawa ko, hindi ako nag undergo sputum test : eto po yung result ng xray : granuloma, right midlung field considered. pleurodiphragmatic reaction. ppd.11mmi nduration, this august *** 2007 eto po xray ko small calcified nodule right , pleurodiphragmatic reaction left. ppd = 14 mm induration. sabi ng doctor ko ngayon scar na raw yan .
    ask ko lang po tb po ba yung sakit ko b4? incase pag may interview ako at tinanung kung may history ako ng tb ,? yes po ba isasagot ko , confused *** . kasi every yr ako pa xray , palagi ganyan result pero yung dr. *** ng pre-employment nagsabi sa kin na tb daw yun , yung ibang doctor na natanungan ko sinabi sa kin na di ko daw need mag take ng treatment dahil scar daw yun nasa xray ..confused ako kung tb ba naging sakit ko ? and d ko lam isasagot ko sa medical kung ask nila nag ka tb ako ? pls.help..thanks po

  8. #208
    apparently you are being treated for TB. Yes you do have circumstantial evidence of TB: xray findings and PPD reaction.

    But sadly both are not definitive for TB. The only way to document TRUE TB infection is when the sputum exam turns out positive, or a culture of the sputum was requested and turned out positive. A lung biopsy or a lymph node biopsy would likewise be definitive for Tb.

    If you will be interviewed by a physician for physical examination and asked for a history of TB, it would be safer for you to state the manner that you were diagnosed...that you have been treated for TB for 6 months, with Xray findings of...and PPD of 14mm, but with NO sputum exam/culture.

  9. #209
    thanks po. actually problem ko mag memedical and interview na ko sa u.s embassy. if ask nila sa medical ko kung may tb ako before ? so pwede ko sabihin na hindi ko alam, pero nag treatment ako before?and dagdag ko *** nung sinabi sa kin ng doctor na need ko mag treatment , nagpunta ako sa ibang dr. xray and sputum niya ko , turned out negative ako 'no acid fast bacillli seen for 3 consecutive days'.but then sa xray same pa din , may calcified granuloma ako, yun lang problem ko baka bumagsak ako sa medical for u.s and ok lang ba na nagtreatment ako ?kahit xray and ppd lang base ng dr?thanks po ;-)
    Last edited by smilewarrior; Dec 12, 2007 at 02:05 PM. Reason: spelling correction

  10. #210
    Yung friend ko halos same case mo, papunta din siya sa u.s, may nakita sa medical niya (pero before pa siya pumunta dun nag undergo na siya ng treatment for six months) kaya nerecommend siya sa hospital sa q.c.

    hindi ko alam kung bakit pro naggamot ulit siya at natapos niya yung medication niya, kahit nakatapos na siya naghintay pa rin siya ng matagal dahil may mga tests pa na ginawa, tagal din lumabas ng results. matapos ang matagal niyang paghihintay, nakaalis na siya.

    kung makita naman iyan sa medical mo hindi ka naman siguro nila ibabagsak... kaya lang baka mag-intay ka lang din ng matagal

    sana makalusot ka sa medical mo...
    Last edited by smilewarrior; Dec 13, 2007 at 08:17 PM. Reason: spelling correction

  11. #211
    hi po doc..
    doc ask ko lang po may brother po ako nagcolapse na po yung left lung niya kso sabi ng surgeon wala na daw po sila magagawa dahil parang nanuyot na po ata,

    and sabi ng doc sa kanya mag patest daw sya ng plema.and yung result po is negative naman.meron po siyang mark sa right lung sabi ng doc po eh peklat daw po yun dahilan ng tb.tapos po magiging normal na daw po yung pagubo niya dahil sa peklat sa baga.sabi din po ng doc ok na daw po siya.

    ngayon po binigyan siya ng gamot para sa ubo pansamantala and nag pa vaccine na din po sya para sa pnuemonia and influenza.now po meron siyang ubo sabi niya sa akin meron siyang plema then nag pa Followup check po kami sabi naman ng doctor mawawala din daw po yun.

    ask ko lang po doc ano po ba sanhi bakit siya nagcocolapse yung lung?my kinalaman po ba ang plema dun o sa TB po yun?

    and ano po ba effect ng fresh milk if my plema ka? sabi po nila naidudumi mo daw po yung plema pag nainom po ng milk? good din po ba yung uminom ng maraming tubig daily? Thank you po..
    Last edited by marbles; Mar 9, 2008 at 03:09 PM.

  12. #212

    Smile about tuberculosis

    my boyfriend was diagnosed to have moderate pulmonary tuberculosis...madali ba ko mahahawa sa kanya kahit minsan lang kami magkita...is it true that after continous proper medication of having his medicines everday eh hindi na po nakakahawa yung sakit niya after 2 weeks...as in ok na po ba na magshare in same glass and food ganon na po ba yun ka safe?....madali ba yunh makahawa as in in a month pwede na ba ko mahawa agad sa kanya.... i need your advices..thanks a lot
    Last edited by smilewarrior; Mar 5, 2008 at 02:12 PM. Reason: spelling correction :(

  13. #213
    hi! ang alam ko hindi naman nakakahawa kung magshare man kayo sa glass or food, kasi mas hi-tech and tb sa hangin po un!

    hindi na yata siya nakakahawa pag nag-negative na ang sputum test niya.. ( hindi ko lang din po sure)

  14. #214
    Quote Originally Posted by CriZ View Post
    hi po doc..
    doc ask ko lang po may brother po ako nagcolapse na po yung left lung niya kso sabi ng surgeon wala na daw po sila magagawa dahil parang nanuyot na po ata,

    and sabi ng doc sa kanya mag patest daw sya ng plema.and yung result po is negative naman.meron po siyang mark sa right lung sabi ng doc po eh peklat daw po yun dahilan ng tb.tapos po magiging normal na daw po yung pagubo niya dahil sa peklat sa baga.sabi din po ng doc ok na daw po siya.

    ngayon po binigyan siya ng gamot para sa ubo pansamantala and nag pa vaccine na din po sya para sa pnuemonia and influenza.now po meron siyang ubo sabi niya sa akin meron siyang plema then nag pa Followup check po kami sabi naman ng doctor mawawala din daw po yun.

    ask ko lang po doc ano po ba sanhi bakit siya nagcocolapse yung lung?my kinalaman po ba ang plema dun o sa TB po yun?

    and ano po ba effect ng fresh milk if my plema ka? sabi po nila naidudumi mo daw po yung plema pag nainom po ng milk? good din po ba yung uminom ng maraming tubig daily? Thank you po..
    PTB and other lung diseases can damage the lung tissues and cause scarring (fibrosis). These fibrotic areas later on fuse together and can cause a lung to collapse since there isn't sufficient surfactant and surface area to keep the lungs expanded and because the forces in the pleural cavity exceed those forces that keep the lungs open.

    Scarred lung tissue cannot perform its normal functions and therefore causes a reduction in its functional capacity.

    Fresh milk has no effect on expelling phlegm. Fluid intake is good for the body but is restricted in certain diseases.

  15. #215
    Quote Originally Posted by notie View Post
    my boyfriend was diagnosed to have moderate pulmonary tuberculosis...madali ba ko mahahawa sa kanya kahit minsan lang kami magkita...is it true that after continous proper medication of having his medicines everday eh hindi na po nakakahawa yung sakit niya after 2 weeks...as in ok na po ba na magshare in same glass and food ganon na po ba yun ka safe?....madali ba yunh makahawa as in in a month pwede na ba ko mahawa agad sa kanya.... i need your advices..thanks a lot

    Close contacts of a patient with PTB are definitely at risk. This includes those who live in the same household or living quarters.
    Even if you meet once a week, for less than 4 hours, you may still be at risk, especially if you have a weak immune system.

    Make sure that you both observe good personal hygiene by covering your nose and mouth when sneezing or coughing and washing your hands.

    It's perfectly safe to share food and utensils. TB is transmitted through inhalation of the bacteria in the air when a patient sneezes or coughs.

    Only a negative sputum exam will tell if he is still infectious or not, and this is done after he has completed the first two months of treatment. Even if he is no longer infectious, he still needs to complete the 6 months of anti-TB medications to ensure that it will not recur or become drug-resistant.

  16. #216
    hello, may marking iyung xray ko...sabi daw doon eh minimal PTB on the upper right lung, tanung ko lang po kung ano po ibig sabihin noon? active na po ba iyon or inactive? please help.

  17. #217
    nakilala ko xa sa Libis
    Join Date
    Mar 2008
    Location
    sa puso nya
    hi po, ask ko lang, may hindi ako matanggal na ubo since college pa...
    until now, ubo talaga ako ng ubo. may tb na ba ako? naconfined na din ako dati ng acute bronchitis. any comments po? thanks!
    Last edited by smilewarrior; Apr 26, 2008 at 08:15 PM.

  18. #218
    DOC IRA, may question po ako (sorry po at medyo mahaba lang ng kaunti ang kwento ko).

    last year 2007, around july or august, napapansin ko na medyo napapadalas ang ubo ko lalo na kung nauulanan ako. hindi siya productive cough, medyo dry lang sya. nagte-take ako ng kung anu-anong cough syrups, o kaya carboceistine capsules n over-the-counter. mawawala din siya, pero after a few weeks, babalik na naman. napansin ko din na inuubo lang ako sa office (kung saan may aircon). pina-check ko sya sa doctor, sabi niya, baka allergic ako sa aircon kaya ganun. nagreseta siya ng gamot sa allergy tapos nagpa-xray din ako. ininom ko yung gamot, pero hindi na ko nakabalik sa kanya para ifollow-up yung xray result ko (na hindi ko na din nakuha). this was around august 2007.

    this february 2008, inubo na naman ako for three weeks (ganun ako ka-frequent ubuhin, minsan monthly, or every two months). pina-xray niya ulit ako and this time, finallow-up ko na sa kanya. sabi sa resulta sa xray, 'there are hazed densities seen in the upper left lung. IMPRESSION: PTB.'

    down na down ako. niresetahan nya ako ng myrin-p forte, i-take ko daw ng 4 tablets daily for 2 months tapos bumalik ako sa kanya. tinanong ko siya kung malala ba, hindi naman daw, pero kailangan ko mag-undergo ng medication. gumanda ang pakiramdam ko after ko magtake ng myrin, feel na feel ko talaga na gumagaling ako. for the longest time, talagang nafeel ko kung gaano kasarap sa feeling ang hindi ubuhin for more than a month. less than two weeks before ako bumalik sa doctor, hindi ako uminom kasi feel ko nga na magaling na ako (in the first place hindi niya naman ako sinabihan na wag ako mag-skip maski im feeling better na).

    nung nag-follow-up ako sa kanya at may new xray ako, sabi, hindi daw nagbago yung resulta ng xray. bibigyan niya na lang daw ako ng maintenance. instead of myrin-p forte, myrin na lang ang binigay nya sa akin ngayon. tinanong nya pa nga ako kung inuubo pa daw ako, sabi ko hindi na.

    timing naman, during that day na nagpa-check-up ako sa kanya, biglang umulan at naulanan ako. since then, bumalik yung ubo ko. dry na dry sya, pero bugso-bugso lang. one hour meron, the next hour wala na naman. gusto ko ngang bumalik sa kanya on monday april 28 to ask if it has something to do with the 'ulan,' or baka nagkaroon na ako ng, ano ba yung pinag-uusapan niyo dito (God wag naman po sana), drug-resistant TB, because nag-skip ako ng almost 2 weeks.

    one thing more, tinanong ko na din sa doctor ko kung pwede niya bang ituro sa akin sa xray kung nasaan yung mark ng hazed densities pero ewan, hindi ko na-gets maski ulit-ulitin kong titigan ang film.

    is it time kaya na magpa-second opinion ako? pero hindi kaya too late na kasi nakatapos na ako ng first two months? if so, di dapat ba na sige, tapusin ko na dito sa doctor ko ang buong 6 months of treatment ko?

    hay ang dami kong tanong no... babalik talaga ko sa kanya sa monday promise. kasi medyo natatakot na ako sa sitwasyon ko e.

    MGA DEAR DOCS, HELP NAMAN PO. Thanks a lot.
    Last edited by smilewarrior; Apr 28, 2008 at 02:09 PM.

  19. #219

    doc advice ****

    good day!!!
    Question lang po.. I work before sa taiwan for 2 years after i finished may contract balik me sa pinas. Rehired uli sana me kaso lang nag ka problema ako sa akin medical it turn out na may PTB ako. Before ang findings nila is pneumonitis they gave me a antibiotics for 1 week mahal yung gamot 100+ after ko matapos yung antibiotics another x-ray naman wala rin pagbabago so sabi nila may PTB daw ako. tanong nila kung asan daw ang last x-ray ko sabi ko nasa taiwan 6 months ago pa. sabi ni doc mag second opinion daw ako. Punta me sa private na doc binasa niya ang x-ray tanong niya me kung may ubo daw ako or sipon sabi ko naman wala. so ang ginawa niya nag skin testing kami it turn out na positive binigyan niya me gamot for 2 months after 2months nag x-ray ako ok na daw sabi niya mga calcific na lang daw yun. binigyan naman niya ako another set nag gamot good for 4 months myrin. After ko matapos ang gamot x-ray **** ok naman daw walang pag babago sa last x-ray ko sabi niya mga peklat na lang daw yun... Sa ngayun minsan parang sumasakit ang akin likuran minsan para namamanhid siya. ang right lungs ko lang ang may tama pero minsan sumasakit ang akin left parang tinutusok. Hindi ko nag alam kung sa paghinga ko or sa lamig minsan... Hindi kaya bumalik ang tB ko... Ok! naman ang lifestyle ko hindi **** ako umiinom or naninigarilyo nag tatake naman ako ng vitamins ok naman ako kumain... Need your Advise Thanks...
    Last edited by smilewarrior; May 3, 2008 at 02:40 PM. Reason: spelling correction :(

  20. #220
    My kid was recently diagnosed with primary complex. He's now taking zcure (for 2 mos), natricin and curazid (for 6 mos)--all from one kit. He has complained of stomach ache a few times. Possible ba na due to his meds ang stomach ache?

    So far hindi pa namin alam kung kanino siya nahawa dito sa bahay. We have yet to schedule our x-rays.

    Also, another question: are the x-ray results suffice to determine kung positive ka o negative sa TB? Generally speaking, accurate naman ito hindi ba? O kailangan pa ba ng skin test? I'm thinking kung kailangan pa ba namin magpaskin test pagkatapos magpakuha ng x-ray.

    Hanggang kailan pala valid ang x-ray results? My kid's caretaker had her x-ray last December 2007. Pwede pa ba ito o kailangan niya magpakuha ulit?

    By the way, my kid was diagnosed with PC just last month.

    Please recommend a pulmonologist. Three of our household helpers' xray results show that they might have TB. We have to consult a pulmonologist. Sana sa East Ave lang kung may alam kayo para cheaper than consultation fee sa private hospitals since tatlo sila. Kailangan sila gamutin dahil 2 kids dito sa bahay diagnosed na with primary complex.
    Last edited by marbles; Jul 7, 2008 at 01:26 AM.

Page 11 of 116 FirstFirst ... 10 11 12 21 61 111 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

RPG:

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry.

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry.

read more
PROMO:

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

read more
SHOWBIZ:

The Amazing Race Philippines reveals participating teams for upcoming season

The Amazing Race Philippines reveals participating teams for upcoming season

read more
ASIAN GAMES:

Join the 2014 Asian Games discussion thread!

Join the 2014 Asian Games discussion thread!

read more
UAAP:

La Salle extends series, blows out FEU, 94-73

La Salle extends series, blows out FEU, 94-73

read more
NMFtv:

#TBT: Alfonso, Nigel and Enrique talk about their first gaming memories. What about yours?

#TBT: Alfonso, Nigel and Enrique talk about their first gaming memories. What about yours?

read more