Gusto ko kasi magswitch to organic products such as shampoos, conditioners, etc. And kahapon nakita ko yung Human Heart Nature. Mukhang ok naman products nila pero syempre di rin maiiwasan ang negative reviews. Nakita ko rin na pwede kang maging dealer ng HHN. So, naisip ko, since personally gagamit din naman ako, na isabay na rin ang pagbebenta ng products nila.

Target market ko is dito lang sa condominium namin. Kumbaga parang dry run lang muna. Balak ko is personal kong idedeliver ang items sa bahay ng customer.

Pero sa tingin niyo ba ngayong panahon interested na ang mga tao sa mga organic products. Feel ko oo kasi nagiging health conscious na mga tao. Pero gusto ko lang din malaman ang insights niyo.


TIA!