PEx Highlights

Show Me Your Winning Teeths!

Merly and Chelsey are back for a new season of SMYT and they are 'happy to serve' you a new episode about the Miss World pageant and the UAAP Finals.

read more

REVIEW: The Judge

Robert Downey Jr. takes off his iron suit and stars in this legal drama. Read our review here!

read more

PHOTOS: Kia Victorious in Battle of Newcomers

LA Revilla (23pts, 7rebs) stole away the spotlight off of boxing champ Manny Pacquiao's PBA debut, as he rallied Kia over Blackwater 80-66.

read more

PROMO: Big Hero 6

Join the promo and get a chance to win special screening tickets to Big Hero 6!

read more

PHOTOS: 40th PBA Season Opening Ceremony

Ellen Adarna, Megan Young and Alice Dixson led the parade of team muses yesterday during the Opening Ceremony of the new PBA season. Check our gallery here!

read more

PHOTOS: Aguilar, Ginebra Bully Talk N Text

Ginebra had no problems in their opening campaign after a 101-81 win over TNT. Japeth Aguilar proved to be too much for the Texters with his game-high 18pts, 18rebs and 5 blks.

read more

Page 4 of 7 FirstFirst ... 3 4 5 ... LastLast
Results 61 to 80 of 121
  1. #61
    What are the things I need to bring pag manganganak nko? Thanks.

  2. #62
    Quote Originally Posted by earth4 View Post
    Ano ba pakiramdam ng contractions? Kc lagi naninigas tummy ko but I'm on my 6th month plang. I'm worried.
    baka kumikilos lang ang baby...

    items you can bring with you (mommy PEXERS dagdagan ninyo kung may kulang)

    clothing for you (duster dala ko and pair of pants and blouse na may bukasan sa harap -s o you can breast feed ...
    robe
    undies-nursing bra... girdle...
    baby's clothing- iyong gagamitin pauwi...
    blanket for the baby
    nursing pads
    camera, video cam
    slippers, or pair of socks
    personal hygiene items - toothbrush, shampoo

    I hope makatulong ito... God bless

  3. #63
    ^ Dont forget to bring your napkins din!

  4. #64
    galit sa panget sneezy's Avatar
    Join Date
    Jan 2002
    Location
    Metro_Manila
    Quote Originally Posted by earth4 View Post
    Ano ba pakiramdam ng contractions? Kc lagi naninigas tummy ko but I'm on my 6th month plang. I'm worried.
    You're probably having Braxton-Hicks contractions.

    This is usually painless and irregular. If it's starts coming in at regular intervals or you're starting to feel pain (back/abdominal pain), let your doctor know about it.

  5. #65
    Thank you kittykittylala and hooven. Sneezy i think you are right about the Braxton-Hicks contractions. ;-)

  6. #66
    Here's my birth experience

    *Date of delivery and on what week of pregnancy
    Nov 27, 2004 ; 37 weeks and 3 days

    *type of delivery (Normal or CS)
    normal, with epidural dahil hindi ko kaya ang pain sure ako dun Grin

    *place of birth(name of hospital), if u may, please share the costing to give other moms the idea on how much to save
    The New Medical City Pasig
    cost is P55,000
    Kasama na ang PF ng OB, anesthesiologist, pedia. Noon kasi 27k ang package nila kaso sa ward lang, eh nag-inarte ako at sinunod naman ako ni bf (hindi pa kami kasal nun) kaya sa private room ako.

    *and of course the great journey you had from the grueling labor to the happiest moment of your whole life!
    Grabe ang tagal na pero natatandaan ko pa rin. Grin
    Nov 25 thursday - Nagtalo kami ni bf kasi ayaw ko na siya pasamahin sa company outing nila sa darating na Nov 27 saturday, dahil gusto ko pa-check up ng saturday at ayoko na maghintay ng monday pa

    Nov 26 friday - Hindi ako kinasausap bf, siyempre uminit ulo ko, para mawala naglinis ako ng kwarto at ng buong bahay, siguro kung may madumi damit nilabhan ko na rin. Kinuha ko yung bag na nilagyan ko ng mga damit namin ni bf at ng baby (prepared kami eh), at nilagay yung bag sa may sala. 10pm na uwi si bf nun so mag-isa ako natulog nung gabi wala ni kaunting sakit sa tummy ko pero feeling ko parang may bola sa pagitan ng legs ko.

    Nov 27 saturday -
    7:00am.. pinilit ko na gisingin si bf kahit alam ko puyat siya dahil gusto ko mauna sa clinic ng doctor na 9am nagbubukas. Mula breakfast hanggang nandun na kami sa tapat ni doktora simangot pa rin siya.

    10:00am.. Ni-internal exam ako ni doc at tinawag si bf, tinanong kung dala na daw ba yung bag namin kasi hindi na ako pwede umuwi kasi 4cm na. Aba si bf parang bata na binigyan ng lobo biglang ngumiti kasi alam nya manganganak na ako. Pinag-lunch muna kami ni doktora at pinag-reserve ng room (parang hotel noh?) sa admitting section, tapos pumunta na daw kami sa pre-labor room.

    11:30am.. kumain na kami, halos 1 hour kami kumain kasi ang dami inorder ni bf baka daw kasi kinabukasan pa ako makakain ulet.

    1:00pm.. nasa admitting section na kami at kumuha pa kami ng number, so intay pa ng 10 minutes. Nung kami na sabi ni bf, pinapunta kami dito ng OB manganganak na kasi siya, kalmado pa kami. Yung attendant naman dali-dali kumuha ng wheelchair, ayoko nga kasi gusto ko matagtag para mabilis yung labas ng baby kaso mapapagalitan daw siya kapag pinaglakad nya ako.

    1:30pm.. nag-text na si OB hinahanap ako sa pre-labor room, bakit daw ang tagal ko kumain.

    1:35pm.. sa pre-labor room, may questionnaire, usual preps na shaving, washing, edema, etc.

    2:00pm.. sa labor room na ako, kinabitan ng BP machine, fetal monitor at ang pinaka-ayaw ko eh yung IV, ang sakit! Private yung labor room kasi ako lang mag-isa minsan may papasok na intern or midwife para check yung heartbeat namin ni baby. Binigyan din ako ng bed pan para daw dun ako wiwi, bawal kasi tumayo. Mahina pa rin ang contractions kaya wala pang epidural.

    4:30pm.. 5cm na pero inip na ako dahil sa gutom at uhaw, pinatawag ko si OB, tapos binutas na nila water bag ko, grabe ang sakit naipit ko yung kamay ng midwife. Nagsimula na sumakit yung contractions kaya ni-ready na yung epidural set.

    5:00pm.. around 7cm yata, sobrang sakit na kaya nagpa-inject na ako ng epidural, parang nahirapan nga yung doctor kasi may scoliosis ako.

    7:00pm.. around 9cm, nagpa-inject ako ulet ng epidural kasi may nararamdaman ako na sakit sa tummy ko.

    8:10pm.. nagke-kwentuhan pa kami nung intern nung ni-check ako ng resident OB, 10cm na daw! At nakikita na nila yung ulo ng baby ko, ayun nagmadali sila lahat sa delivery room 1 ako dinala kasi yun ang pinakamalapit. sabi nung isa puno daw bladder ko, ayun pala reason kaya sumasakit tummy ko eh dahil sa epidural parang hindi ko nararamdaman na kailangan ko mag-wiwi. Tinuruan nila ang mag-push, bibilang daw ng 1-10 so 10 seconds ako mag-push buti na lang mahaba hininga ko kasi dati akong swimmer. Nung 1st practice lang, 2nd totohanan na sabi nila parang hindi daw ako nagpu-push sagot ko naman wala ako nararamdaman eh, 3rd dinaganan na ako ng anesthesiologist sa tummy sabay push, wala pa sa 6 lumabas na si baby. Makulit ako sinilip ko talaga, saka hindi ko napigilan umiyak ewan ko ba kung bakit. Exactly 8:17pm ako nanganak.

    Hindi ako nakatulog sa recovery room at kahit nung nasa private room na ako, super excited sa baby ko.

    Imagine kung nasa company outing si bf noon eh dadalhin ko sarili ko mag-isa sa hospital!

    Sensya na kung mahaba ah

  7. #67
    ako naman grabe, 24 hrs sa labor room. Kasi dapat hindi pa ako manganganak eh, yong OB ko atat kasi overdue na daw ako.. induced labor ang ginawa sa akin pero lumabo nalang paningin ko hindi pa rin bumababa si baby. Kaya emergency CS nalang, pag labas ng baby ko 9.15 lbs, di daw kasya sa cervix ko kaya ayaw bumaba... hayyyyyy... pero nawala lahat ng paghihirap noong nailabas na yong baby ko... sobrang cute bilog na bilog, pinakamalaking baby don sa nursery... :-)

  8. #68
    i gave birth jan 10 2008 pero nag false labor pa ko nung jan 9.

    jan 9: kala ko yun na kasi nag 6-8 minutes na lang ang intervals na labor pains ko. so i asked hubby to bring me to the hospital na, that was around 10am. while in the labor room, ni-IE nila ko and sabi sarado pa ang daanan ni baby. they sent me home. the false labor and IE made the day really stressing. i just slept the whole day when we got home.

    jan 10:
    9am - i felt a sudden gush. and that woke me up despite of me lacking from sleep. puyat na puyat na ko nung mga panahon na malapit na ko manganak. then i told hubby na samahan ako sa cr to check, at kung "yun na" yun, maliligo na ko sabi ko (si hubby ang natataranta ).
    10am - same time as yesterday, im back in the labor room. IE'd me and 3cm na ko so they prepared me na (shaved, labatiba). after a few hours they IE'd me again, 4cm na. habang nakahiga sa hospital bed, inoorasan na nila yung contractions ko and it's down to 4-5 minutes ang intervals.
    1pm - my OB raptured my water bag and estimate nya mga 9pm makakapanganak na ko. that was the looooongest part of the day ang mag labor. every hour binabantayan ko at habang tumatagal lalo ko nang hindi kinakaya ang pain. papanget na ko ng papanget
    4pm - i started crying kasi hindi ko na kaya yung pain. i said "gusto ko nang manganaaaak ", saka pa lang nila ko binigyan ng pain reliever. sedated na ko pero i could still feel the pain. maya't maya ko tumitingin sa wall clock pero ang ambagal ng oras at pasakit sya ng pasakit tapos sumisiksik pa yung baby ko sa upper right ng tummy ko. salamat pa rin sa pampatulog. ginigsing lang nila ko para i-IE ulit pero 4cm pa rin ako
    9pm - sabi dba manganganak na raw ako pero hindi pa rin hindi na ko naalis sa 4cm. sabi ko naman "akala ko ba manganganak na ko? bat nandito pa ko? " umiinit na ulo ko at parang lahat aawayin ko na.
    10pm - saka pa lang ako kinausap ng OB ko na i-CS na raw nya ko kasi hindi na ko nagbuka. so they called my hubby sa room kaso umuwi daw sya and it was just the maid who's left in my room. nagalit ako sa hubby ko sabi ko bat sya umuwi. kelangan syang kausapin ng OB dahil CS na nga daw ako. buti na lang understanding si hubby at alam nyang cranky na ko hehehe.... we waited more until dumating sya then nagbigay na sya ng consent na i-CS na ko...
    11:10pm - i finally gave birth to a 7lbs baby boy.

    kung nag buka lang sana ako kayang kaya ko ang normal delivery. pero ok rin naman ang expy ko na yun.


    Quote Originally Posted by cutebaby View Post
    ako naman grabe, 24 hrs sa labor room. Kasi dapat hindi pa ako manganganak eh, yong OB ko atat kasi overdue na daw ako.. induced labor ang ginawa sa akin pero lumabo nalang paningin ko hindi pa rin bumababa si baby. Kaya emergency CS nalang, pag labas ng baby ko 9.15 lbs, di daw kasya sa cervix ko kaya ayaw bumaba... hayyyyyy... pero nawala lahat ng paghihirap noong nailabas na yong baby ko... sobrang cute bilog na bilog, pinakamalaking baby don sa nursery... :-)
    sis patingin naman ng pic ng baby mo nung bagong panganak mo sya. grabe ha ang laki ng baby mo. ako nga 7lbs lang CS pa.

  9. #69
    I just gave birth last aug. 7 and i wanna share my experience.

    1. when and where did labour hit you?

    Aug. 1 was my EDD, Aug. 2 - saturday, was awaken at 5:20 am feeling wet down there, actually ***** mga 10 seconds na may lumalabas saking liquid - i was pretty sure di weewee kasi walang sensation, di ba pag umiihi ka may feeling yun, besides di ko sya mapigilan as in i had no control to stop d gush of water. now w/ my undies wet i got up to go to d bathrum para umihi and take a bath. i'm pretty informed about pregnancy and labor although it's my first pregnancy, thanx to d internet and buks, so it struck me, i myt be in labor. i waited for contractions to start but nothing happened. my partner wakes up erli lyk 4am and i nervously told him my water broke. 7 am stil no pain felt, i got up to make mango sago but all dressed up in case i'll have to go 2 d hospital. now i learned dat one shudnt go to d hosp erli to avoid stressful labor. i waited, tried coling my ob but no contact, hanggang umabot ng monday, stil no labor pains. i sed, maybe weewee nga ang lumabas. wednesday was my next weekly check-up, my ob thought that my water is leaking, she requested an ultrasound and pelvimetry para next day i'l be confined at d hosp and be induced. baby kasi is prone to infection since my water broke na.
    Sa ultrasound confirmed, konti na lang water ko so wed aug 6 i was admitted na, given a drip of oxytocin to trigger labor. 3 cm lang ako nun, waited and waited, stil no progress, d rin nagdidilate, 3 cm lang til next day, dami ko nang nakasabay sa labor room nanganak na lahat, ako na lang lagi naiiwan. frustrating ha! I'm here stuck, God knows kelan pa lalabas baby ko, wyl my partner and d others are having a picnic at my private room. Cnt leave naman d labor room coz the are constantly monitoring my baby. 10 am thursday - aug 7, my ob did her rounds, taka sya y i wasnt in pain in spite of d drug i was given, 10.30 bigla, nakaramdam ako ng sakit. super sakit. may resident doctor dun, i can say she helped a lot sa pagdilate ko. IE nya ko, dnt know *** she did pero she asked me to push wyl inside fingers nya. i was crying na in pain, she told me to stop crying and get mad instead and push hard. there, nag 8 cm na agad, ambilis. 12nn i was mad na with my partner, was asking him to ask my ob for epidural kasi mmamatay nako sa sakit but my ob i against it, mas mahihirapan daw ako ilabas if i wont feel pain. baby ko pa naman nka-chin up ang position, so theres possibility of hard labor baka maCS pa - according to d result of d pelvimetry. 12.30 i was crying hard na, asked for d resident doctor na nagIE sakin earlier, she checked, stil 8cm, she did d fingering again to help me dilate, yun, she declared almost dilated nako. ang galing nya, so 1pm i was brought to d delivery room. hilo hilo nako nun sa kakaiyak, 3 student nurses giving me a back rub. they helped a lot. mukha akong *****, calling my mother, saying ayoko na. dat tym i was wishing forCS na, cant bear d pain. para akong nnnaginip coz d whole tym i was closing my eyes lang, crying. na-catheter nla ako just to excrete my weewee. buti d nako nilabatiba earlier. daming tao nakapaligid sakin, pati students ng midwifery, everyone staring at my vajayjay na nakabuka. dyahe pero no care, sakit eh. i felt d doctor doing episiotomy, na-feel ko pero mas masakit puson ko so i didnt care. over an hour iwas pushing, garbe motivation ng mga nakapaligid sakin. nasstress tuloy ako. was pushing hard, pati nurses nanggigil, pati *** umiiri rin yata. me sumisigaw, cge pa, sundan mo pa ng push, antagal, pahinto-hinto, waiting for d next contraction. didnt feel na burning sensation that they say pag lalabas na ulo, kasi nga, nahiwa na ako, hanggang puwit pa, na feel ko. basta i just followed everyone around me wen dey ay PUSH! every dulo ng push, mpapasigaw ka talaga. ang hirap. until i heard them naipit na daw nose ng baby ko, eh pagod na pagod nako, sobra. push *** ng push, ayun, parang may ilang kilo ng longganisa ang lumabas sakin, ganun ang feeling haha. pikit lang ako, everyone's complaining lamig daw ng aircon, ako pinagpapawisan ilang balde ata. i heard my baby cry, hilo pa rin ako, na feel ko they were stitching me up, local anesthesia hanggang pwitan so iyak na naman ako, ang ingay ko *****, my ob asked for dormicun, inenject ako, before ako nakatlog they cleaned my left breast, they placed my baby there, saw him, ang lambot ng skin nya. nakapikit lang sya, sucking pa his lips, so cute! mapapangiti ka *** talga inspite of my situation. d nurse sed "luk at ur baby boy, amputi, kamukha daddy nya" Heaven! sarap ng feeling. i felt great love for d baby at that moment. 2:47pm aug 7 - Addy was born, never thought i'll love someone this much.

    Bale labor ko, ni walang 4 hours. ambilis ko nanganak. I said never again. Woke up in my private room, my partner was there, all smiles. Thank God normal delivery ako, pero ang sakit ng tahi. 5 days pa before ako nakalakad ng mabuti. cant sit, even lying down is hard. Pero it was all worth it, i love my baby so much. Now it has been 13 days, i'm feeling alryt though feeling ko, d pa normal down there. still having lochia of cors. now my goal is how to lose d baby weight. pre pregnant weight ko 104 lbs. now im 130, i have to lose weight, tinutukso nko honey ko, d na daw babalik kaseksihan ko dati. Oh no!

  10. #70
    anata ga ski desu
    Join Date
    Jul 2001
    Location
    anywhere but here
    1. when and where did labor hit you?
    12 midnight of May 4, 2008. I was about to sleep after a long chit chat with my mom and youngest bro.

    2. how did you know it was really labor?
    It felt like I was having dysmenorrhea but there was a time pattern.

    3. when and how did you go to the hospital?
    My brother drove me with my mom to the hospital which was just 5 minutes away.

    4. other specifics about birth you would like to share,
    like did you have anesthesia, how long was labor, anything funny happened during the mad rush, etc

    April 26, 2008 - Saturday
    During my weekly check up, medyo worried un OB ko kasi masikip daw lalabasan ni baby. Nakaharang un buto ko. At wala akong nararamdaman na kahit ano. Next check up ko kung wala pa rin ako maramdaman, she'd ask na ma-xray ako para makita un bone structure ko.

    May 3, 2008 - Saturday
    It should have been my weekly check up with my OB. Ang due date ko kasi is May 11. But she called early morning to cancel the check up kasi may emergency CS sya that day sa isa pang hospital nya. E medyo malayo un sa hospital kung san ako manganganak. I had previous instructions naman from her na kahit anong ma-feel ko na masakit or anything na hindi ko pa naramdaman before, punta na agad ako sa hospital. Ginawa ko niyaya ko si hubby na watch ng Iron Man. Un mall kung saan kami watch ng movie e few walks lang from the hospital kaya if ever na may ma-feel ako, sandali lang andun na ako. We had the usual walking exercise sa mall. inikot namin un mall pero that time iniba namin un pattern. Dati kasi counter-clockwise kami kung maglakad sa mall. Nag-clockwise naman kami para hindi ako ma-bore.
    When we got home, nagpaalam si hubby na uwi daw muna sya sa kanila to prepare and get some stuffs. He ended up na dun muna matulog. So, ang kasama ko sa house e si mama, un bunso kong kapatid at un grandparents ko. Extended family kasi kami sa house. Dun din nakatira un tito ko and un family nya. Pero exactly that day, lumipat sila dun sa bagong house nila na bigay ng grandparents ko. Un binakante nilang room e binigay sa akin para daw sa amin ng baby ko at ni hubby. Todo schedule pa si mama na sa Monday daw e papipinturahan nya. Na-excite naman ako at todo search sa internet ng room decorating ideas. Nagkwentuhan kami ni mama at nung bunso namin til 12mn.

    May 4, 2008 - Sunday
    12mn - Pinatulog na kami ni mama kasi maaga pa raw sya gigising. Then, I felt tummy aches na kala ko constipated lang ako. Nag-pupu ako pero hindi ako umire kasi baka hindi lang constipation un. Tama pala ako. Kasi masakit pa rin after. Humiga na ko para matulog pero parang dumadalas un sakit. Tapos, napansin ko na parang may pattern un paghilab nya. Inorasan ko un pattern which was every 10minutes un sakit pero mga 30 secs un tinatagal nung each pain. Feeling ko nawiwiwi pa ako kaya balik ako ng banyo. Pagwiwi ko, may dugo na. Pinakita ko kay mama.

    1:30am - Pinaligo ako ni mama at ginising nya kapatid ko na 1 hour lang ang tulog. ready na ako kasi 1 month nang nakapack un bag ko at nung baby. Pagdating ko sa ER, usual procedure lang pero un mama ko na at un kapatid ko un nag-asikaso. Tumatawa-tawa pa ako kasi patawa ng patawa un kapatid ko.

    2:00am - May dumating na isa pang buntis. Manganganak na rin sya. Pero sya, pumutok na un panubigan nya. Scheduled for CS na talaga sya kasi diretso ligate na. Pero un nga, pumutok na panubigan nya kaya maaga sya manganganak.

    2:30am - IE ako nung resident doc. Guy un doc na medyo cutie pie. (landi) Syempre nahiya ako kaya hindi na lang ako tumingin. Medyo ang tagal pa. Tapos, sabi nya 3-4cm daw. Natawa pa ko kasi hindi pa sure. Nung kinausap nila OB ko sa phone, pinapadala na ako sa labor room. Dumating si hubby right after na dinala na ako sa labor room. Hindi na kami nagkita.

    3:00am - Nasa labor room na ako. Tapos ako lang mag-isa kasi diniretso na un isang girl sa delivery room. Nag-ask ako kung pwede magwiwi. Tinanong ako kung gusto ko raw ng bed pan. E sobrang kaya ko pa un pain kahit patindi na ng patindi. Tsaka may cr naman sa loob ng labor room kaya sabi ko dun na lang. Kinabitan na ako nung pang-monitor ng heartbeat ng anak ko. Tapos pina-iba ko un direction ng aircon kasi feeling ko hinahangin ako. Medyo napapalakas un daing ko every hilab kasi patindi na ng patindi. Nilapitan ako nung nurse na wag ko daw isigaw baka raw mahirapan ako. Hinga na lang daw ako sa bibig. Hehehe... hindi ko alam e. First time mom po kasi. Sabi din nung nurse, tawagin ko lang daw sya pag hindi ko na kaya at bibigyan nya ako ng pain reliever. Mataas ang tolerance ko sa pain kaya medyo kaya ko pa that time. Tapos, kinakausap ko na un anak ko na bilisan na lang niya ang labas para hindi kami mahirapan na dalawa. Even nung una pa, lagi ko talaga sya kinakausap na wag sya malikot pag lalabas na sya at pumwesto sya ng maayos.

    4:30am - In-ask nung nurse un doc nung girl na nasa delivery room kung pwede IE nya ko. guy na naman un doc pero this time medyo parang badet sya kaya hindi na ako nahiya. 7cm na raw ako. before nya ako IE, palakad-lakad pa sya dun tapos nakatingin lang sya. Nakikita nya siguro na mukha akong ewan dun sa labor room.

    5:00am - Dumating na un OB ko. Sabi pa nya sakin, "kumusta ka naman? pinaiiyak ka nila no?". Para talaga akong bata nun. IE nya ko ulit. Sabi nya lang malapit na ko manganak. Dinala na ako sa delivery room. Nilagyan na ako nung IV at pangmonitor ng blood pressure. Tapos, sabi nung nurse may ilalagay daw syang gamot sakin through IV na medyo aantukin lang ako. Sandali lang at nag-take effect na un gamot. Panalo un gamot na un. Medyo na-lessen un pain to the point na halos maka-tulog na ako sa sobrang relax. Nagpaalam pa un nurse sakin na shave nya daw ako. Tumango lang ako. High na high e. Tapos, sabi nung anes parang masyado naman daw akong na-relax at hindi na humihilab tapos, umakyat na ulit un baby. Kaya ginawa nung OB kung IE nya ko ng paulit-ulit. Sobrang sakit. Pinapa-iri nya ko every hilab. Iri naman ako ng iri. Pinatagilid pa nya ko sa left side ko para daw pumosisyon un bata. Pero I ended up na nakatihaya pa rin. Sabi ng sabi un anes na, "kaya mo yan!". Buti nga nagpakabait ako nun e. Sa taray kong 'to nasa isip ko lang, "anong kaya? hindi nga kaya e. kung ikaw kaya dito!" Hindi ko na lang sinabi out loud. Ang sinabi ko na lang, "ayoko po!". Sabi ko lang ng sabi ng ayaw ko na - meaning ayoko na umiri. Pero iri pa rin ako ng iri. Nung last push na, inisip ko na lang na last na un. Whatever happens, last na talaga un. Lumabas man un baby o hindi, matutulog na talaga ako at bahala na sila magdecide kung CS na. Buti na lang last na pala talaga un. With the help of one guy nurse na pinush un tummy ko. Narinig ko na lang na nag-uusap sila about umbilical cords. Tapos, nakatulog na ako. Noah Jenelle was born May 4, 2008 at 6:31am. She was 6.4lbs and 47cm. Kamukha ng tatay nya.
    I woke up sa recovery room ng mga 9:00 am. Katabi ko un girl na na-CS. Pero nauna sya nanganak sakin kasi nasa labor room pa lang ako nanganak na sya. Kinapa ko un tummy ko tapos natuwa ako kasi nanganak na ko. Dumating un nurse tapos sinabi sakin na ililipat na raw ako sa room ko. Sinabi ko lang kung pwede ko makita anak ko bago ako iakyat. Pinakita naman nila sakin tapos ni-rub nya un cheeks ng baby ko sa cheeks ko. Kakaiba un feeling. Nawala un lahat ng sakit na naramdaman ko. That day din, nakakakilos na ko. Nakatayo na rin ako para magwiwi at mag-wash.

  11. #71
    BCWMH addict pink_eyes's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    Team GB - UK
    share ko yung sa akin

    march 29 morning--- sabi ko lang sa hubby ko if handa ba siya anytime for the labor..kasi dapat yung due ko 10th of april pa.feel ko talaga na sooner magla-labor na ako.night that time sabi niya if pwede mag absent siya sa work kasi nightshift siya but i said no thanks,just go i want to be alone but that day we keeped in touch na sa clinic for a sign.

    march 29 night--buong araw kasi sumakit na yung balakang ko(on and off) so 11pm yung tubig na lumabas sa akin,i called my hubby at yun napa off siya sa work at umuwi.naka ready na kasi lahat so agad pumunta sa hospital na it took an hour.

    half past 12 nasa hospital na kami,mas lalong sumakit na yung balakang ko so one of the midwife tsini check yung kuwan ko at sabi niya after yes lalabas na daw yung baby soon.

    another midwife took me in labor room,it started at 1am binigyan ako ng morphine para sa pain.(sarap nun ah!hehehe i knew its a drug)1st time ehehhehe
    kakatawa kasi pinay na pinay di mo ma express sa dialect mo pag masakit na talaga..english na english pa rin ako sa sobrang sakit

    at 7.15 am march 30 my precious boy came

    sabi ng inlaw ko swerte daw ako kasi 6 hours lang daw yung labor ko di kagaya niya na it took 36 hours on her first baby

  12. #72
    share din ako...kaso medyo matagal na...sana ok lang...
    I gave birth on Feb 15, 2004 at 7:30 pm...here it goes....

    Feb. 14 -
    Valentine's Day....so after ng regular check-up ko, syempre kumain kami sa labas ni hubby....at talaga namang napakain ako ng sobrang dami...which is unusual for me, dahil since i got preggy, hindi na ko makakain ng more than a I/2 cup of rice or i'll throw up...pero that night, dami ko inorder..si hubby naman, bigay luho sa kin...buti na lang naubos ko yung food.
    At 11 pm same day...natutulog na si hubby, ako hindi makatulog..medyo nakakaramdam na kasi ako ng parang PMS sa puson ko pero ang weird kasi hindi ko naisip na manganganak na ko...but my OB mentioned earlier, that 1 cm dilated na ko which is di ko naman binigyan ng pansin...ewan ko ba! lutang ata ako nun...sabi pa nga niya anytime pwede na ko manganak na lumabas lang sa kabilang tenga ko..tapos yun, the whole night hindi na talaga ako nakatulog kasi medyo discomforting yung nararamdaman ko nga sa puson ko although bearable naman...

    Feb. 15
    7am...nang medyo bumibigay na ko sa antok, nakaramdam naman ako ng pagwiwi....dun na ko nataranta kasi pagpunas ko, may dugo na sa tissue...funny thing is...we were at my parents' house then and they were having breakfast that time...and of all people that was there,my mom, my sis...sa dad ko pa naipakita yung tissue with blood..saying....'daddy....' kasi siguro siya yung pinakamalapit....buti na lang hindi siya madirihin
    tapos ayun sabi niya manganganak na nga daw ako, pinaligo niya ako..ginising ko muna si hubby...sabi ko..manganganak na daw ako...hind siya naniwala kasi may 'daw'...kinalampag ko lang siya para lang bumangon tapos ayun na...nagkatarantahan na kami...
    9am ... punta na kami hospital...wala si OB...kinokontak pa lang...sabi nung mga attendant dun, mamaya pa raw lalabas yung baby....matagal pa raw yun...ang tagal nga!!! imagine, nakapag-nap pa si hubby, pinauwi pa kasi kami e...pero ako, hinid na talaga nakatulog dahil sa PMS-like na nararamdaman ko...
    3pm.....ayan na...tumitindi na yung sakit...patuwad tuwad na ko kasi lumipat na sa balakang yung sakit na nararamdaman ko...tapos balik na kami sa hospital....si hubby, panay ang halik sa kin, as in torrid pa!para daw hindi ko maramdaman yung sakit...magconcentrate daw ako sa halik niya...ngek! natatawa na lang ako..siguro, hindi rin niya alam kung pano ako icocomfort at yun lang ang naisip niya..
    5pm...dumating mga friends ko...moral support daw...at kahit nagkakangiwi ngiwi na ko sa sakit, nakuha pa namin magpicturan ng magpicturan!
    6pm....eto na yung worst talaga...nakamukmok na lang ako sa isang sulok nung bed...na parang isinuko ko na ang lahat...i was praying then na, bahala na Siya, hindi ko na kasi kaya...na parang kahit ano yata gawin sa akin, pwede na nilang gawin...wala na kong mararamdaman na mas masakit pa kesa nung mga oras na yon........at isinumpa ko talaga ang IE! imagine, during your labor hours, my susundot na lang sa ano mo
    my OB's asking me kung sumasakit yung tyan ko,sabi ko, hindi, balakang lang...ang weird di ba? hindi ako masyadong naglabor ata sa tiyan, more on sa balakang kasi yung pain e...
    7:00 pm...nasa delivery room na ko...only to find out na nagsiksik pala sa right side ko si baby...e fully dilated na ko nun kaya lang hirap ako mag-push since nasa gilid nga siya...so yung mga assistant, nagbibilangan kami..i-pupush nila yung tyan ko para mapunta si baby sa gitna tapos dapat sabay sa pag-iri ko....naka-ilang iri lang naman ako...sabi ni doc, ang galing ko daw..parang hindi raw first timer..e syempre, praktisado ata to!....that's true...may binabasa kasi ako na book regarding sa tamang pag-iri at pinapraktis ko siya talaga....
    I must say na nakatulong din yung hindi ko pagkatulog from afternoon ng Feb 14 to 7 pm ng Feb 15, lagpas 24 hours talaga akong wala kahit nap...kaya that time medyo groggy na ko...
    nagsuka pa ko! sa gitna ng pag-iri ko, nakuha ko pang sabihin kay doc na...nasusuka ko...then yung isang assistant niya, naglagay ng basin sa gilid ng mukha ko tapos ayun nga...sa kahuli hulihang sandali e nagsuka pa ko....siguro dahil sa ang dami ko ngang kinain nung gabi....
    tapos nung huling iri ko...sumigaw ako...sabi ko..."baby, labas na!!!!!! " ayun nga! ramdam na ramdam ko yung paglabas niya...hindi siya masakit , instead nakaka-luwag pa nga ng pakiramdam...wala pa rin tatalo sa labor at IE combined kung sakit rin lang pag-uusapan....
    and now...for the second time around...preggy na naman po ako...medyo natagalan kasi na-trauma yata ako sa first ko...ngayon pa nga lang kinakabahan na naman ako eh...really hate IE's and Trans-V....

  13. #73
    Financial Planner Lolita's Avatar
    Join Date
    Sep 2000
    Location
    Metro_Manila
    KT018, magka-birthday kami ng baby mo. BTW, ano ang mga binasa mo na books regarding sa tamang pag-ire?

    Nakakainggit naman kayong mabilis lang ang labor. Sana ganyan din ako.

  14. #74
    Quote Originally Posted by Lolita View Post
    KT018, magka-birthday kami ng baby mo. BTW, ano ang mga binasa mo na books regarding sa tamang pag-ire?

    Nakakainggit naman kayong mabilis lang ang labor. Sana ganyan din ako.
    ay talaga..naku lagi na kita maaalala pag nagbi-birthday ang kuya ko (yung baby ko...ngayon pa lang kasi sinasanay ko na siya tawaging kuya)

    nakalimutan ko na yung book na yun e..bigay lang din kasi sa akin ng pinsan ko..parang special editon lang siya...pero ngayon, wala na rin sa kin...naipamana ko na sa pamangkin ni hubby..
    anyways,try mo to...pag iiri daw kasi, hindi daw dapat doon sa ano nanggagaling ang pwersa...dapat daw nakarelax lang siya (vagina)...sa diaphgram mo huhugutin yung pag-iri....try mo siya pauli-ulit hanggang sa masanay ka..para kahit nasa kalagitnaan ka ng labor pains, nagagawa mo pa rin siya naturally....
    actually...pag dumudumi ako, ginagawa ko yun...kasama rin sa praktis baga...
    and I think it helped a lot kasi po...kasi unlike sa mga friends ko na nanganak na rin...nagkaroon daw sila ng hemorroids....as in may nakalabas na konting balat sa anus nila...dahil daw yun sa pag-iri at normal daw yun sa mga nanganak na....not sure kung totoo yun...kasi ako, wala nun e....

  15. #75
    1. when and where did labour hit you?
    had it when i was already in the hospital .. i was given admitting instructions for induced labor because i have pre-eclampsia .. 170/120 na bp nung last check up ko .. so the next day .. na-confine na ko ..

    2. how did you know it was really labour?
    - i have no idea .. basta masakit na sya ng sobra .. they keep on injecting meds para magcontract na

    3. when and how did you go to the hospital?
    - 2 to 3 weeks before my due date .. and im the one driving

    4. other specifics about birth you would like to share,
    like did you have anesthesia, how long was labour, anything funny happened during the mad rush, etc
    - after 5days of induced labor .. nagbibilang ng mga nanganganak sa room .. its my time na .. ehehe .. so they transfered me to the delivery room 5am .. then naubos ko na dose ng anesthesia ko .. they gave me epidural .. pero masakit pa rin .. unfortunately .. kelangan nila ko isedate kasi i already kicked the assistant doctor .. forceps na *** ginawa to get my lil angel ..

    and ico came out .. 3:06 pm 10mins bago *** scheduled CS ko pag nde pa bumaba si ico .. so thats 10 holy hours of active labor!

  16. #76
    Amphitrite 5:00pm.. around 7cm yata, sobrang sakit na kaya nagpa-inject na ako ng epidural, parang nahirapan nga yung doctor kasi may scoliosis ako.
    my scoliosis ** hindi ba risky manganak ng normal, im 13 weeks preggy at nakakaramdam na ako ng mga lower back pain naisip ko baka dahil sa scoliosis kaya super gatas **** **!

  17. #77
    Quote Originally Posted by greenstripes View Post
    my scoliosis ** hindi ba risky manganak ng normal, im 13 weeks preggy at nakakaramdam na ako ng mga lower back pain naisip ko baka dahil sa scoliosis kaya super gatas **** **!
    question lang po...how would you know na may scoliosis ka? panu ito nadedetect? through what kind of examination? do I have to mention this sa OB? I'm 2 months pregnant po...
    thanks!!

  18. #78
    question lang po...how would you know na may scoliosis ka? panu ito nadedetect? through what kind of examination? do I have to mention this sa OB? I'm 2 months pregnant po...
    thanks!!
    i found out since college days during physical exsam (xray), they suggest for rehabilitation for theraphy. at first eto yung concern na tinanong ko sa OB kung may kaso ba if ever na my scoliosis, sabi namn wala naman yun lang backpain especially pag lumalaki na tummy mo, tpos i ask also if pag my scoliosis CS ba kagad ang recommended sabi naman niya hindi naman daw, yun lang u have to mention it sa OB para just incase na CS ka or mag papa painless magiging carefull dw sila sa pag hanap sa tuturukan nila since hindi nga tuwid yung spinal cord mo.. un *** info na bigay nya... pero nag woworry parin ako gusto ko kasi talaga normal delivery *** tipid at walang hiwa

  19. #79
    Share ko lang…I gave birth last July 26, 2008 on my first baby.

    July 25
    I woke up at 5am for work. I was about to take a bath when I saw my undies with some blood stains. I told my mom and we went to the hospital right away kasi she said that it was the start of labor though I never felt anything different naman ( my due date is July 30). I waited for my OB so she could check and she told me na hindi pa daw un and we’re advsied to go home. She told me to walk more often para bumaba na si baby…so in the afternoon my hubby and I walked. Funny, when my neighbors saw me again and when I smiled to them they told me it is not labor yet talaga kasi I can smile pa, pag hindi na daw ako maka-smile labor na yun talaga. Hehehe.

    July 26
    At 12:30am I felt this sudden pain my back, parang heavy dysmenorhea so I went to the to the comfort room to urinate, I have blood stains again…I monitor the interval and the pain hits me every thirty or forty five (30 or 45) mins…I calmed myself and tried to go back to sleep but I can’t so I wake up my husband and we went to the hospital at 5:30am. Though pinaligi na ako ni mommy, di ko muna sia sinama kasi baka false alarm na naman. Sa car niloloko pa ako ni hubby magsmile, pag nagcocontact, di ko na talaga kaya magsmile…The resident doctor does the normal IE and she said it is about 1cm pa lang. She called my OB and my OB instructed me to go to Asian Hospital were she also had a clinic at 9am. When she checked I was only 3cm. I told her to just give me a CS because I can’t bear the pain anymore. She told me its just starting and she said with my built (am a tall girl) I can get through this in normal delivery. She even told me that some of her patients cant feel the pain untile they were 6cm. However, since she felt that my pain tolerance was so low she ask me to return to the Alabang Medical, where I choose to give birth and she’ll make an instruction there. She told me that if there is no progress in quite a time, she will induce me so I can just give birth that day baka kasi daw pag di ba ako manganak sundan ko pa sya the next day,hehehe.

    At 1:30pm, I was admitted to the hospital and directly to the labor room. The first 2 hrs was bearable, during intervals I can sleep pa…pero after then my god, I don’t know what to do, I was praying the rosary but every after contraction, I can’t remember what mystery I am…Nahihiya ako dun sa nurse kasi there’s this monitor attached to my tummy to check ata the baby’s heart rate and my contraction but since I always wanted to go to the rest room, she needs to take it off and then return it everytime. Mas narerelieve kasi ako ng nakaupo…anyway, there was this two contraction na super sakit that I pull off the hand rest of the hospital bed twice…grabe, naiyak talaga ako….at 5:30 in-IE ulit ako at it was already 6cm so they called my OB and there is no longer need for me to be induce…after 30mins. I was transfered to the delivery room. I was shocked that the anesthesiologist was a guy. For me it was an issue then pero during the time of my labor I didn’t care anymore…all I want is to get through this with me and my baby okey. He injected me the anesthesia and right after that the pain subsides and whenever there is a contraction its just like having a constipation.
    I was having a hard time because even though I am already more than 6cm, baby don’t want to go down so the anesthesiologist helped me by pushing the baby down literally on top of my ribs…and it was no joke, its really painful as if my ribs would crash since the dr. is a big man. I saw my OB told him to stop because she can sense that it pains me…

    Finally after 20hrs, at 8:45pm, I saw my baby girl…crying on top of her lungs. I am so happy and the pain all went away.
    in the recovery room, the nurses told me to rest and sleep but I couldn’t instead I was so hyper and active and couldn’t wait to see again my little girl.
    When I saw my mom, I told her that NO ONE SHOULD EVER ANSWER BACK THEIR MOTHER BECAUSE THE PAIN THEY HAVE EXPERIENCE WHEN GIVING BIRTH IS SO ENORMOUS THAT BESIDE GOD WE OWE HER OUR LIFE….now mas super bait pa ako sa mommy ko, hehehhe….to the max.
    Ke hubby naman, dyos ko, the 1st two months, parang gusto kong sabihin wag, na wag mo akong hahawakan….hehehe….

    My baby is now going 4mos. Old. Nakakaaliw na. Im back in the office na rin…always couldn’t wait to come home and see her..kakatangal pagod.

    For soon to be mom, I suggest kung normal delivery kayo, pahilot kayo, dun nawala ang puson ko. Hehehe.

  20. #80
    anyone here who took eveprim bago mag labor? kase 39th week ko na and 3 days na lang due date ko na sarado pa rin daw cervix ko. i took buscopan prior to eveprim for a week pero ganun pa rin. effective ba ang eveprim?hehehe..sorry,just eager to go on labor.

Page 4 of 7 FirstFirst ... 3 4 5 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PBA:

GlobalPort bows to NLEX after fourth quarter collapse, 101-96

GlobalPort bows to NLEX after fourth quarter collapse, 101-96

read more
SHOWBIZ:

What do you make of John Lloyd Cruz' performance in The Trial?

What do you make of John Lloyd Cruz' performance in The Trial?

read more
TRAVEL:

No bidets, rude staff and poor internet. What are your other hotel pet peeves?

No bidets, rude staff and poor internet. What are your other hotel pet peeves?

read more
CHIT CHAT:

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

read more
SPORTS:

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

read more
NMFtv:

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

read more