Originally posted by The_Phantom
Kung ako sa yo pre, subukan mong sumugal para kahit anong mangyari ay alam mong may ginawa ka at alam mo kung ano ang nangyari. Worst scenario na siguro yung iniisip mong masisira ang friendship ninyo na maaring hindi naman ganun kalala ang mangyari. Paano kung pareho pala kayo ng nararamdaman sa isa't isa?
Galing na rin ako sa sitwasyon mo at nagsisi ako sa huli na hindi ko kasi sinabi ng diretso sa girl yung feelings ko dahil lang sa nagbitiw siya (girl) ng salita sa isang kaibigan naming nangligaw sa kanya na ayaw niyang mangligaw sa kanya mga kaibigan niya. Kung kaibigan daw, kaibigan lang! Kung mangliligaw, manligaw! Ang masakit, nung may bf na siya ay bigla niyang sinabi sa akin na LOVE (exact word na ginamit niya) niya ako at nakulitan lang siya kaya niya sinagot bf niya.

Kaya paminsan-minsan naiisip ko, ano kaya kung niligawan ko nga siya... ano kaya ang nangyari. Kaya ngayon, puro "ano kaya ang nangyari kung ginawa ko yung ganito o ganyan" na lang ako, tsk tsk tsk.
Ikaw rin, kung hindi ka makikipagsapalaran ay hindi mo talaga malalaman kung ano ang mangyayari talaga. Baka kapag matanda ka na saka ka magsisi na bakit hindi mo ginawa yung ganito o ganyan at ang masasabi mo na lang lagi sa sarili mo "ano kaya ang nangyari kung ginawa ko yung ganito o ganyan". Wag naman sana...

GOOD LUCK!!!