PEx Highlights

PROMO: Interstellar

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Interstellar!

read more

Big Hero 6 Pins!

New movie pin alert! Join the movie discussion thread and collect all five Big Hero 6 pins!

read more

PBA: Still 'Liga ng Bayan' after 40 Years

We list down ten compelling reasons, on why the PBA has remained relevant to Filipinos today since its inception in 1975.

read more

Solo Backpackers: Get Up and Go!

Planning to escape the rigors of the metro soon? Join the Solo Backpackers thread and get insights and tips from fellow PExers about traveling alone!

read more

PHOTOS: Alaska Wins Laugher vs Champs

Calvin Abueva (21 points, 11 rebounds) and the Alaska Aces made a statement on Wednesday, dominating the Purefoods Star Hotshots in a laugher, 93-73.

read more

REVIEW: The Judge

Robert Downey Jr. takes off his iron suit and stars in this legal drama. Read our review here!

read more

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 77
  1. #1

    Post Tungo sa tunay na pagbabago: Paano? At ano'ng ambag mo?

    Laganap ang pagtinging matapos ang People Power 1 and 2, bumalik na naman tayo sa lumang kaayusan.

    After People Power 1, hindi naparusahan ang diktador. Hindi nabigyang-katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Lalo tayong lumubog sa utang. Muling napasailalim sa dikta ng dayuhan ang gubyernong Aquino. Nagkaroon ng krisis sa koryente. Wala pa ring lupa ang mga magsasaka. Mababa pa rin ang suweldo ng mga manggagawa. Balik ang mga tao ni Marcos. Balik ang corruption; kaya ba nakaakyat pa sa presidency si Erap?

    After People Power 2, hindi pa napaparusahan ang umano'y corrupt at walang kakayahang artistang naging presidente. Hindi nabigyang-katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao (yung mga nawala na lamang at natagpuang patay sa panahon ni Estrada at ng kanyang PNP Chief). Lalo tayong lumubog sa utang. Muling napasailalim sa dikta ng dayuhan ang gubyernong Arroyo. Nagkaroon ng kontrobersiya sa PPA. Wala pa ring lupa ang mga magsasaka. Mababa pa rin ang suweldo ng mga manggagawa. Balik ang mga tao ni Erap--gusto pa ngang kunin ng kasalukuyang admistrasyon. Balik ang corruption, balik din ang jueteng.

    Kung hindi ka pa kontento--gaya ko at ng marami pang ibang Pilipino--sa sitwasyon natin ngayon, baka sa halip na magsisihan ay baka pwede tayong mag-usap-usap at magtulung-tulong na muling kumilos upang maisulong pa rin ang tila walang katapusang trabaho tungo sa totoong pagbabago.

    Marami namang paraan. Isa lamang sa mga paraang iyon ang people power. Nariyan ang kaytagal nang people's war. Ang pagsulat at pagpuna. Ang patuloy na panggising at pagiging militante. Ang pagtulong sa mga matitinong taong-gubyerno at mabubuting proyekto ng gubyerno. Ang pagtulong sa mga NGO na nagtataguyod ng pagbabago. Ang pagsuporta sa mga proyektong developmental.

    Maraming paraan, pero nauubusan na yata ako ng sasabihin. Suggestion naman, o.

    Walang awayan, ha? Saka walang sisihan sa pagitan ng PP2 forces, ng EDSA 3 forces at ng mga ayaw sa mga ganyang pagtitipon. Hayaang humusga ay ang kasaysayan.

    Ano, tara? Pag-usapan natin.

  2. #2
    Member maya_arms's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    patrickstar's rock

    Post

    MY LIFE, my passion and my love for my country, to all of this, nothing can sway my belief of the hope that one day, this country will and can be great again.... as long as there are people who loved this country enough to make an action for change... all these things, the edsa people power, the revolution, are just one of our steping stones in our journey for a perfect utopia. and i firmly believe that as long as people like us who loved this country so much still exist. the hope for this perfect utopia will be a reality

  3. #3
    Frustrated Painter Shofixti's Avatar
    Join Date
    Nov 2001
    Location
    brush's end

    Thumbs up

    maya_arms Although I doubt it if we will ever live to see the day of that utopia...it has never dampen my spirit to strive for a better Philippines...eternal vigilance is the key to change.


    Ok na thread to pareng cedie ah.

  4. #4

    Angry

    nakalulungkot nga na matapos ang dalawang people power e hindi pa rin nagbabago ang sistema. wala akong maibibigay na konkretong suhestiyon kung paano makakamtan ang tunay na pagbabago pero ang masasabi ko lang ay mas magiging matiwasay ang buhay ng mga Pilipino kung ang bawat isa sa atin ay makararamdam lamang ng tunay na pagmamahal sa ating bayan. kapag naganap ito, all else will fall into place. and despite what the survey results say (yung tungkol sa 19% ng mga pilipino ay nawalan na ng pag-asa sa pilipinas), i will not give up on my country. sana bago tayo mag give up sa pilipinas e subukan muna nating mag contribute sa development nito. imbis na magreklamo tayo tungkol sa napakaraming problema ng bansa at magdadada kung gaanong katiwasay ang buhay sa ibang bayan ay maging parte muna tayo ng solusyon.

  5. #5

    Angry

    bawal ba ang double post? gusto ko lang kasing i-share tong nakuha ko sa e-mail e. bagay to sa thread na 'to.

    Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak
    Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna
    Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta
    ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
    Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng
    trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat,
    Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa

    Sabi Mo, sabi MO, sabi MO.

    E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

    Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore.
    Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.
    Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.
    Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki
    sa mundo..

    Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.
    Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.

    Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road.
    (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.

    Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung
    napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa
    Singapore, wala KAng sinasabi, meron ba?

    Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai.
    Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa
    Jeddah.

    Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono
    sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

    Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at
    saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?" Bakit di MO subukang
    dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa
    Tokyo?

    Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng
    ginagawa sa Recto? Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

    Ikaw na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa
    pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

    IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

    Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga,
    bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas?

    Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay
    may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at
    pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may
    katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye.
    Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing
    makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?

    Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang
    pagdumi ng aso.
    Ganuon din sa Japan.

    Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

    Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay
    tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad. Uupo tayo sa isang
    tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang
    lahat habang wala tayong iniaalay.

    Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil
    sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng
    anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

    Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat
    sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal,
    at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating
    ginagawa ang mga ito.

    Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa,
    naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino,
    na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating
    pamilya nuong narito pa tayo.

    Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan
    sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang
    sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga
    anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

    Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang
    magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?" E sino ang
    magbabago ng sistema?

    Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema
    ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad,
    ibang komunidad, at ang pamahalaan.
    Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng
    positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na
    ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang
    tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean
    na dumating at maghatid na mga himala.

    O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng
    ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang
    luwalhati at purihin sa kanilang sistema.

    Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa japan o
    Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay
    agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may
    digmaan sa Gulf War, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong
    Pilipino.

    Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na
    handugan ang sistema.
    Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan, ang
    sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng
    maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit
    ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni J.F.Kennedy sa kanyang
    kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino. "Itanong natin kung ano
    ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat
    upang ang Pilipinas ay maging tulad ng America at ibang kanlurang Bansa
    ngayon."

    Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.

    i couldn't agree with the author of this piece more.

  6. #6

    Post

    Inaasam ko ang panahon na ang Pilipinas ay makakaahom sa mga suliraning kinakaharap nito. Masalimuot ang landas na ating tinahak. Mula sa pagkakadeklara ng batas militar, hindi na tayo nakaahon. Halos 15 taong tinikom ang ating mga bibig habang ninanakaw ang yaman ng bayan. Ngayon, mahigit 15 taon na tayong dakdakan ng dakdakan. Labinlimang taon tayong debate ng debate samantalang ang mga kapitbahay natin, tahimik na umuusad sa pag unlad. Patuloy sila sa pag unlad at eto pa rin tayo, dakdakan ng dakdakan.

    Sana magkaroon naman tayo ng katahimikan. Kahit sandaling panahon lamang. Parang gusto ko ulit ng batas militar perong walang nakawan. Walang paglabag sa karapatang pantao maliban sa kadadadakdak. Papayag na akong maitikom muli ang ating mga bibig, para sa matinong liderato. Pero ang problema, sino? Ala akong nakikitang kandidato para sa isang "benevolent dictator". Kahit si GMA, mukhang malabo.

    Ano ang magagawa ko ngayon? Tumulong na magkaroon ng kaunting katahimikan. Pilit ipapaliwanag sa mga kumakalaban sa kasalukuyang pamahalaan na kilalanin nila ang pagka presidente ni GMA. Kung ang mga Senador at Kongresista sa oposisyon, kinikilala na ang pagka pangulo ni GMA, hindi ko maisip kung bakit pinilit pinangangalandakan ng iba diyan na ang kanyang pamahalaan ay hindi lehitimo.

    Ano ang magagawa ko ngayon? Ika nga, "don't rock the boat". Paglumubog ang barko, lahat tayo damay. Kanya kanyang agawan ng pwesto. Panibagong bangayan. Mas magulong sitwasyon. Labu labo na.

    Hintayin ang halalan sa 2004. Kung may mas nararapat maupo sa pwesto, siya ang iboto. Ganun lang ka simple yon. Pero ang iba dyan hindi na makapaghintay. Gustong guluhin pa ang magulo ng sitwasyon.

    Sa palagay ko lang, manahimik lang tayo hanggang 2004, mas magagawa ng pamahalaan ang mga pinangako nito sa taumbayan. Kaso, may mga tao dyan na ayaw matupad ang mga pangakong ito dahil magiging mabango ang kasalukuyang pamahalaan at baka manalo sa 2004.

  7. #7
    Banned by Admin
    Join Date
    Jun 2002
    Location
    in the kingdom

    Post

    Originally posted by rebo

    Ano ang magagawa ko ngayon? Ika nga, "don't rock the boat". Paglumubog ang barko, lahat tayo damay. Kanya kanyang agawan ng pwesto. Panibagong bangayan. Mas magulong sitwasyon. Labu labo na.

    Hintayin ang halalan sa 2004. Kung may mas nararapat maupo sa pwesto, siya ang iboto. Ganun lang ka simple yon. Pero ang iba dyan hindi na makapaghintay. Gustong guluhin pa ang magulo ng sitwasyon.

  8. #8

    Post

    Mga friends ang pagbabago kasi wala sa gobyerno... unahin muna natin baguhin ang ating sarili bago tayo pumuna ng iba... umpisahan natin sa pamilya maging masunurin muna tayo sa ating mga magulang.... napaka impokrito kasi natin kung tayo eh puna ng puna sa magulang natin tapos wala naman tayong respeto sa ating mga magulang???

    Ang pagbabago ay nsa atin........


    Simulan natin sa ganito

    1. Kung ikaw ay naninigarilyo
    - imbes na tapon mo sa kalsada... maghanap ka ng basura at patayin mo upos mo at duon mo itapon.
    - huwag kang manigarilyo sa loob ng jeepney
    - huwag manigarilyo sa may No Smoking Sign
    - Huwag manigarilyo kung me batang katabi


    2. Kung ikaw ay me aso at pinapadumi mo sa labas.
    - simple lang... linisin mo yung poo-poo ng aso mo... mahiya ka naman sa kapitbahay
    - siguradihin wag papakwalan ang aso ng pagala-gala baka me rabbies.

    3. Pagtapon ng basura

    - maglagay kayo sa harap ng bahay nyo na me malaking trash can.. tapos ihiwalay yung nabubulok at di nabubulok
    - linisin lagi yung bakuran nyo o harap ng bahay nyo..


    4. Pag galang sa matatanda
    - kapag me nakikitang matatanda na me buhat buhat na mabigat atiing tulungan
    - gumamit ng po at opo
    -
    5. Pag byahe pag sa bus/lrt/mrt/taxi/jeep
    - paunahin at bigyan ng upuan ang matatanda ke lalaki o babae
    - paupuin ang buntis.
    - kung lalaki ka...at me gerl sa harap mo na nakatayo.... well kung maganda at seksi yung chiks eh wag mo ng paupuin tutal naniniwala naman sila sa equal rights eh eheheheheheheeheh nde naman sila buntis eh kaya ok lang tumayo na lang sila malakas naman sila e hehehehehhe

    6. Pag nagmamaneho...
    - magdahan dahan lagi sa pagmamaneho
    - ugaliing magbigay

  9. Advertisement

  10. #9

    Post

    ...corruption...May yumayaman dyan sa NAIA airport. Paging kung sino man ang namamahala dyan.

    tayo din naman ang may kagagawanan nito. Unang una, dyan sa NAIA airport. Yong mga overstaying na pinoys galing sa amerika. I've heard na nanghingi daw yong mga immigration ng tig $100 each para e anti dated yong stamped. Ang pinoy nga naman.

    magbago na tayo.

  11. #10

    Post

    AKo, simple lang naman eh.

    Binabago ko muna sarili ko. Tapos tinutulungan ko din yung iba magbago. Pagbatikos, pagpuna at pag-aayos ng sarili muna.

  12. #11

    Post

    Nalala ko tuloy yung ginawa namin ng tito ko heheheh naglilinis kami sa harap ng bahay nya... winawalis namin yung paligid... sabay me korean na dumaan... sabay biglang tinapon yung sigarilyo sa harapan namin... eh me gulok pa naman tito ko.. sabay sinabihan ng tito ko na itapon yung yosi sa basurahan sabay yung korean napatingin sa gulok eheheheh bigla na lang tinapon ehehhe natakut hehehehhehehe




    Continuation sa pagbabago ehehehehehe

    7. Kung ikaw nahuli ng pulis...
    -huwag na huwag maglalagay... actually in fairness sa pulis... nde naman sila minsan nanghihingi ng lagay eh talagang kusang inaabutan talaga ng driver eh... ewan ko ba sa mga pilipino kapag nahuli sila ng pulis unang nsa isip lagyan agad... tapos sasabihin nila corrupt ang mga pulis eh kung tutuusin sila naman me gustong maglagay eh dahil ayaw nilang ma perwisyo tsk tsk tsk... pero me bilib ako sa isang taxi driver pag nahuli talagang nagpapatiket biruin mo pinakita pa sa akin mula 1968 na date ng ticket nya eheheh sabi nya kasi nde sya naniniwala na corrupt ang mga pulis dahil tayong mga driver ang gumagawa ng kadungisan sa mga pulis... kaya nga saludo ako dun eh kung sino mang taxi driver na yun ka pare ko!

    - makiusap ka na lang sa pulis panigurado pagbibigyan ka eh kung nde pa tiket ka na lang.


    8. Mag participate sa mga paligsahan tulad ng sports.


    9. Turuan ang ibang kapwang pilipino na magbago muna.. bago batikusin ang gobyerno....




    sa tingin nyo ba mahirap ba gawin to??? kung mahirap baka me toyo ka na......... di ba cedie??? sana.....



  13. #12

    Post

    Originally posted by amelia
    AKo, simple lang naman eh.

    Binabago ko muna sarili ko. Tapos tinutulungan ko din yung iba magbago. Pagbatikos, pagpuna at pag-aayos ng sarili muna.


  14. #13

    Post

    Npadami post ko... sorry mga moderator.....



    At isa pa...... cedie panigurado medyo me pagka aktibista ka...sana mali ako

    di ba kayo naawa sa taong naglilinis lagi ng pader?? yung mga graffiti na pinagdidikit nyo???? da-da kayo ng da-da na para sa mahirap kayo... eh pero pinahihirapan nyo yung mga taong naglilinis ng dumi nyo??

  15. #14

    Post

    Originally posted by the_BuGs
    Npadami post ko... sorry mga moderator.....

    At isa pa...... cedie panigurado medyo me pagka aktibista ka...sana mali ako

    di ba kayo naawa sa taong naglilinis lagi ng pader?? yung mga graffiti na pinagdidikit nyo???? da-da kayo ng da-da na para sa mahirap kayo... eh pero pinahihirapan nyo yung mga taong naglilinis ng dumi nyo??
    Ok lang iyon, wala naman tayong moderator sito sa forum na ito eh. ha ha ha ha

    Nililinis naman namin ang mga basura na nasa kapangyarihan, tulad nila erap. ha ha ha

  16. #15

    Post

    salamat input. kung mapagsasama-sama natin itong mga suhestiyon na ito at ilalagay sa praktika, magiging okay ang ating bayang sinisinta.

    Originally posted by the_BuGs
    sa tingin nyo ba mahirap ba gawin to??? kung mahirap baka me toyo ka na......... di ba cedie??? sana.....
    mahirap gawin ang iyong mga mungkahi, the_BuGs, lalo na para sa karamihan sa ating nasanay na sa lumang pamamaraan na walang disiplina. ngunit gaano man kahirap, TAMA at nararapat ang ganyang gawain. kinikilala ko ang pangangailangan ng Pinoy ng disiplina sa sarili.

    kuwento: sa novaliches, kung saan ako laging nadadaan, yung kalsada roon na napagigitnaan ng palengke ay sinusubukang ayusin ng pamahalaang bayan. nilagyan nila ng lubid at bakal ang gilid ng kalsada upang magkaroon ng pagitan ang daanan ng mga sasakyan at daanan ng mga tao. inayos nila ang mga pedestrian lane at loading and unloading zone. kapuri-puri, di ba? ngunit ang masaklap, kahit na mayroon nang taong tila broadcaster na nagsisisigaw sa outpost upang punahin yung mga ayaw sumunod, marami pa ring matitigas ang ulo!
    minsan nga, kapag kaming karamihan ay nasa sidewalk at mayroong naglalakad sa kalsada, gusto ko nang sigawan ng "Ale, mama, sasakyan ho ba kayo?".

    anut anupaman, sana'y magpatuloy di amging ningas-cogon ang ganitong mga proyekto ng pamahalaan. positibo naman ang aking pagtingin na maaayos ang kamaynilaan, lalo na sa pag-upo ni bayani fernando ng marikina sa MMDA.

    [quote]At isa pa...... cedie panigurado medyo me pagka aktibista ka...sana mali ako .

    at oo nga pala, the_BuGs, tama ka. aktibista nga ako noong nasa kolehiyo ako. siguro, kahit ngayon. at hindi ko ikinahihiya o kinakikitaan ng mali ang pagiging aktibista. kasali nga ako sa people power 2, eh. marami namang kahulugan ang pagiging aktibista, di ba?

    at gaya mo, hindi rin ako pabor sa pagsusulat at pagdidikit ng mga poster sa kung saan-saan. don't worry, kahit minsa'y hindi ako nakasama sa anumang OD (operation dikit) noong nasa kolehiyo ako. kahit naman kasi kasapi ka ng isang organisasyon, posibleng may maliliit na aspeto nito na hindi mo sinasang-ayunan, di ba?

    oo, maingay ang karamihan sa amin, pero, may dapat kasing ipag-ingay. tatahimik ka lang ba, halimbawa, habang sinasakal ka sa singil ng PPA?

    sana lang, wag nating husgahan ang mga aktibista mula sa ganyang aspekto lalo na kung hindi natin ganap na nauunawan ang totoong ipinakikipaglaban nila (but that's another topic na, so himpil na muna ako.)

    gayunman, salamat sa iyong pakikiisa sa thread na ito,the_BuGs at okay ang ginawa ninyo roon sa korean! mabuhay ang pinoy!

    deejay_emgie: pareho kayong tama, pero teka, parang afraid ako sa excuse mo sa pagkakalat. heheh.

    mabuhay ka amelia!

    bzbee : sobrang mahalaga ang aspektong iyan ng ating lipuan. dapat malinis iyan. kung nagtuluy-tuloy lang sana ang nagsimula sa pagpapatalsik kay erap dahil sa corruption.

    dindi: ok lang na magreklamo, dahil demokrasya tayo, pero tama ka pa rin, dapat may ihahaing solusyon o alternatibo.

    rebo: marahil, marami ang naiinip sa pagsapit ng 2004. isang paraan para mapanatili ang status quo ang "tiis muna kay gloria" method. pero anuman ang piliin natin, sana, maging matalino tayo sa 2004. oi, at ingat sa mga potential dictator, hehehe.

    Shofixti: Salamat, kaibigan.

    maya_arms: keep the fire burning.

  17. #16

    Post

    Originally posted by cedie

    mahirap gawin ang iyong mga mungkahi, the_BuGs, lalo na para sa karamihan sa ating nasanay na sa lumang pamamaraan na walang disiplina. ngunit gaano man kahirap, TAMA at nararapat ang ganyang gawain. kinikilala ko ang pangangailangan ng Pinoy ng disiplina sa sarili.

    kuwento: sa novaliches, kung saan ako laging nadadaan, yung kalsada roon na napagigitnaan ng palengke ay sinusubukang ayusin ng pamahalaang bayan. nilagyan nila ng lubid at bakal ang gilid ng kalsada upang magkaroon ng pagitan ang daanan ng mga sasakyan at daanan ng mga tao. inayos nila ang mga pedestrian lane at loading and unloading zone. kapuri-puri, di ba? ngunit ang masaklap, kahit na mayroon nang taong tila broadcaster na nagsisisigaw sa outpost upang punahin yung mga ayaw sumunod, marami pa ring matitigas ang ulo!
    minsan nga, kapag kaming karamihan ay nasa sidewalk at mayroong naglalakad sa kalsada, gusto ko nang sigawan ng "Ale, mama, sasakyan ho ba kayo?".

    anut anupaman, sana'y magpatuloy di amging ningas-cogon ang ganitong mga proyekto ng pamahalaan. positibo naman ang aking pagtingin na maaayos ang kamaynilaan, lalo na sa pag-upo ni bayani fernando ng marikina sa MMDA.

    O kitams maganda na ginagawa ng gobyerno pero "TAYO" pa rin yung sumusuway??? matigas kasi ang ulo natin eh... kaya nga di ba sabi ko baguhin muna natin ang sarili natin pumuna sa gobyerno... at kung ganap ka ng nagbago.. huwag kang magsawa na magturo sa kapwa natin dahil t i - t i no at t i - t i no din yan.....dahil mahihiya at mahihiya rin yan biruin mo araw araw mong sinasabihan sino kaya magsasawa nyan ehehehehehehehehe shempre susunod din yan.....

    Originally posted by cedie

    at oo nga pala, the_BuGs, tama ka. aktibista nga ako noong nasa kolehiyo ako. siguro, kahit ngayon. at hindi ko ikinahihiya o kinakikitaan ng mali ang pagiging aktibista. kasali nga ako sa people power 2, eh. marami namang kahulugan ang pagiging aktibista, di ba?

    at gaya mo, hindi rin ako pabor sa pagsusulat at pagdidikit ng mga poster sa kung saan-saan. don't worry, kahit minsa'y hindi ako nakasama sa anumang OD (operation dikit) noong nasa kolehiyo ako. kahit naman kasi kasapi ka ng isang organisasyon, posibleng may maliliit na aspeto nito na hindi mo sinasang-ayunan, di ba?
    Mabuti naman at hindi ka ganon eto para sa iyo...


    Originally posted by cedie

    gayunman, salamat sa iyong pakikiisa sa thread na ito,the_BuGs. at kay: ang ginawa ninyo roon sa korean! mabuhay ang pinoy!

    meron pang kwento...... yung tito(same pa rin) nakatira kasi sa isang sosyal na village at meron syang isang panahunin isang inglatera (UK) napaktangkad malaki katawan magaling mag mag martial arts.....nagbabakasyon sa Pinas pinakiusapan lang ng isang tito ko na nagtratrabaho sa Malaking Hotel sa HK na dyan na lang patirahin muna kesa sa mag Hotel sa Pinas. Isang hapon pinaglinis ng tito ko si malcolm (yung inglatera) ng bakuran ehehehehe pero sinamahan din namin... shempre gulat yung mga kapitbahay bat me foreigner na naglilinis ng bakuran.... at nagkukulitan pa kami... sabay lumapit yung "neighbor" sinabi sa tito ko bat pinaglilinis yung bisita nyo.... nde ba kayo nahiya... sabi ng tito ko "bat ako mahihiya eh dito sya nakatira sa pamamahay ko ang hirap kasi sa inyong mga pilipino porke nakakita ng banyaga kelangan tratuhin na ng hari.. tsaka tingnan mo nga ang saya saya nya at nde nagrereklamo" at yung tito ko kasi me bzness din eheheheh ginawa ba namang delivery boy si malcolm ehehehehhehe lalo na yung nag deliver sa makati gugulat yung ibang foreigner na amo na pinagdedeliveran nila si malcolm yung nagbubuhat tapos yung tito ko minamandohan sya... nag-tri-trip silang dalawa..... ehehehehehehehehe ngayon nasa UK na si mokong eheheh nag-eemailan na lang sila ng tito ko ehehehehehehehhehe

    at isa pa e nakita kaming lubak sa harap namin eheh so ginawan namin sinementuhan namin... nilagyan pa namin ng sign na wag daanan... aba maya maya dinaanan yung inayos naming lubak... buti na lang natandaan namin yung plate number at sasakyan kaya inabangan namin ng tito ko ehehehehhe sabay nung dumating hinarang namin ehehehehehhe sigawan ba kami "anak ako ni ganito(nde ko na sasabihin name mataas na opisyal eh ehehehehe)" sinagot ng tito ko ng "eh ano ngayon kung anak ka ni ganito"... ayusin mo yang pinaghirapan namin.... maya maya inayus din nya... eheheheheh kakilala pala ng tito ko yung tatay nya eheheheheheheh kaya sunod sya.....akala nga namin nun reresbak eh.....



    Madali lang naman magturo sa pinoy eh.... kung banyga nga napapaganito namin... bakit yung pinoy hinde??? mahilig kasi tayong manisi kahit alam natin tayo me ksalanan sisihin natin sa gobyerno simulan muna natin yung pagbabago sa sarili natin tulad ng sinabi ni amelia tulad ng sabi ni cedie mabuhay ka!

  18. #17

    Post

    ayos ang mga kuwentong foreigner mo, the_BuGs. naalala ko tuloy ang mga tiyo kong aleman--oi, pinoy ako ha, asawa kasi siya ng tiya ko--marami siyang puna noon sa atin, gaya ng bakit ang mga pinoy ay basta-basta na lang haharap sa pader at..alam n'yo na.

    o kung bakit walang patumangga tayong magtapon ng basura...

    o kung bakit ang hilig nating gumawa ng bata hehehe.

    hindi ikinasasama ng loob ko ang mga ganoong puna. bagkus, sa opinyon ko'y dapat nating suriin kung bakit mayroong mga taga-labas na pumupuna nang ganoon sa atin.

  19. #18

    Post

    Originally posted by the_BuGs
    Mga friends ang pagbabago kasi wala sa gobyerno... unahin muna natin baguhin ang ating sarili bago tayo pumuna ng iba... umpisahan natin sa pamilya maging masunurin muna tayo sa ating mga magulang.... napaka impokrito kasi natin kung tayo eh puna ng puna sa magulang natin tapos wala naman tayong respeto sa ating mga magulang???
    Paano na kung ang majoridad ng tao sa lipunan ay may pananaw na salungat sa iyong pansariling eporto sa magbago?

    Sakripisyo na lang ba nang sakripisyo lang ba ang solusyon? O dapat ba ay may eporto na ilagay sa pag-eduka sa ating mga kababayang hindi makaintindi ng kahit na pinaka-besikong prinsipiyo ng pag-asenso sa paraan ng sariling-reliyans?

    E mukhang lahat tayo ay nagkakaisa sa tingin na matagal pa bago may malalim na pagbabago ang magkaka-ugat sa ating lipunan. Dapat ba ay bawat isa sa ating ay maki-isa sa iilan nang mga taong gumulong-gulong na sa mga lubak-lubak na daan natin sa kaka tulak ng pundamental na pagbabago sa ating lipunan?

    Sagot ng karamihan: Wag hingin sa bayan ang lingkod, mag kusang-loob na paglingkuran ang bayan. Oo nga naman. Ngunit ang pinaka puno ng pagkumpul nating mga Pinoy ay dahil sa pinaka besikong prinsipiyo ng pagkabayan -- na ang bawat indibidual ay makinabang sa pagka-bayan ng Pilipino.

    Ngunit anong nangyari? Lampas nang limpampun taon na ang nakalipas. Mas malaki pa ang pagkakataong umasenso ang Pinoy (at manatili ng buhay na disiplinado at maayos) sa ibang bansa. Mukhang iisa lamang ang nangingibabaw na konklusyon dito: Sama sama tayong mga Pinoy - palpak; Hiwa-hiwalay - asenso. Totoo nga ba?

    Magpakatotoo ka Pilipinas!!

  20. #19

    Post

    Originally posted by benignO
    Paano na kung ang majoridad ng tao sa lipunan ay may pananaw na salungat sa iyong pansariling eporto sa magbago?

    Sakripisyo na lang ba nang sakripisyo lang ba ang solusyon? O dapat ba ay may eporto na ilagay sa pag-eduka sa ating mga kababayang hindi makaintindi ng kahit na pinaka-besikong prinsipiyo ng pag-asenso sa paraan ng sariling-reliyans?

    E mukhang lahat tayo ay nagkakaisa sa tingin na matagal pa bago may malalim na pagbabago ang magkaka-ugat sa ating lipunan. Dapat ba ay bawat isa sa ating ay maki-isa sa iilan nang mga taong gumulong-gulong na sa mga lubak-lubak na daan natin sa kaka tulak ng pundamental na pagbabago sa ating lipunan?

    Sagot ng karamihan: Wag hingin sa bayan ang lingkod, mag kusang-loob na paglingkuran ang bayan. Oo nga naman. Ngunit ang pinaka puno ng pagkumpul nating mga Pinoy ay dahil sa pinaka besikong prinsipiyo ng pagkabayan -- na ang bawat indibidual ay makinabang sa pagka-bayan ng Pilipino.

    Ngunit anong nangyari? Lampas nang limpampun taon na ang nakalipas. Mas malaki pa ang pagkakataong umasenso ang Pinoy (at manatili ng buhay na disiplinado at maayos) sa ibang bansa. Mukhang iisa lamang ang nangingibabaw na konklusyon dito: Sama sama tayong mga Pinoy - palpak; Hiwa-hiwalay - asenso. Totoo nga ba?

    Magpakatotoo ka Pilipinas!!
    Narinig na namin yan. Nabasa na namin yan. Paulit ulit na yan.

    Sinimulan ang usaping ito sa paniniwalang may pag-asa ang Pilipinas, ang Pilipino. Kinikilala namin na may problema. Hindi iyon tinatatwa. Ang hinahanap namin ay solusyon, pagbabago.

    Kung may maibibigay ka na isang mamumuno na kayang mag gulpe de gulat para magising tayong mga Pilipino, ihain mo. Kung may solusyon ko sa mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa, iladlad mo. Pero kung puro ka lang puna, reklamo, hinagpis, pagbatikos, wala kang maiaambag sa pagbabago. Bagkus, lalu mo lang itong pinaigigting, pinalalalim dahil inaalisan mo ng tiwala sa sarili ang mga Pilipino.

    Ambag sa pagbabago, solusyon sa pag unlad ang hanap namin. Hindi ang walang katapusang pangangaral. Alam na namin yan. Narinig at nabasa na yan.

  21. #20
    Frustrated Painter Shofixti's Avatar
    Join Date
    Nov 2001
    Location
    brush's end

    Post

    ka rebo

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement


Advertisement

Hot Topics

NMFtv:

Mo Twister welcomes back Guji Lorenzana, as he shares his exploits on Tinder among other things

Mo Twister welcomes back Guji Lorenzana, as he shares his exploits on Tinder among other things

read more
SPORTS:

Army still undefeated after a thrilling five-set triumph over Cagayan, 25-22, 26-24, 26-28, 23-25, 15-13

Army still undefeated after a thrilling five-set triumph over Cagayan, 25-22, 26-24, 26-28, 23-25, 15-13

read more
TRAVEL:

Palawan named best island in the world

Palawan named best island in the world

read more
CHIT CHAT:

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

read more
PBA:

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

read more
TV:

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

read more

Advertisement