
Originally Posted by
yiepaks
I just wanna share this to you guys, I'm 19yrs.old and going to be 20 this September, sabi ng Doctor ko nung bata pa ako, baka mag-wheelchair na ako at hindi na makalakad pa pagsapit ng 21yrs.old sa 2013, tapos march 2014, ay ang panahon na maaaring makuha ko na ang college diploma at matapo ang kursong masscom,
natatakot ako at lagi na tong bumabagabag sa isipan ko lalo pa't papalapit na ng papalapit ang panahon na maging 21 na ako, dahil ito sa sakit ko sa muscles, na tinatawag na "Muscular Dystrophy".
maswerte ako kahit papano, dahil at the age of 19, nakakalakad pa rin ako, dahil usually mga patients sa sakit na ito, age 12 pa lang naka-wheelchair at cannot live without oxygen,... marami rin namamatay dahil dito dahil sa paghina ng mga heart and lungs muscles ay bumibigay ang katawan,
sa ngayon, nakakaramdam na rin ako ng pakonti-konti, nahihirapan na ako huminga, minsan nahirapan na rin ako magbalanse sa paglalakad, madalas na rin nangangalay yung mga binti ko, masakit. namamanhid.
ayoko kaso manghina ehh,... hindi ko pa natutulungan yung mama ko, hindi ko pa natutupad pangarap ko makapag-work sa isang tv station like GMA or ABS-CBN, at gusto ko pa talaga matulungan ang pamilya ko
NATATAKOT AKO.... SOBRA....