View Full Version : Usapang Ala Makata
blackmask
Nov 6, 2001, 09:49 PM
akoy namangha sa aking nabasa at nakita....
mga tao dito sa english ang galing magsalita...
pero sa salitang pinoy kaya sila din ay bihasa?...
baka naman magkandabulol kanilang dila?...
halina-halinat ipakita...
ang inyong kakayahan sa paggawa ng tula...
tula na may kwento ang ating paksa...
na ang bihasa lang ay yaong mga makata...
simulan natin sa kalagayan ng ating bayan...
ito kayay makaka-ahon pa sa kahirapan?...
ano kaya ang mabibigat na dahilan?...
at itoy hindi kayang sumampa man lang?...
:rolleyes:
KasmoT
Nov 7, 2001, 09:12 AM
Ako'y lubhang nabahala
Sa iyong maling akala
Na ang sining ng pagtula
Ay base lamang sa tugma
At may pinipiling wika.
Kaya huwag, pinagpipitaganang makata
ng sinulid na ito---
huwag mo na akong hamuning tumula
kung ang tula ay isa lamang
papuri kay Mark Logan!
:glee:
amok
Nov 7, 2001, 10:23 PM
kung walang hinuhulmang tugma,
walang pinipiling wika,
bakit ang pakatha ng tula ay pagkatha ng tula,
kung ang lahat ng pagkatha ay
pagkatha ng tula?
;)
blackmask
Nov 8, 2001, 01:38 AM
kasmo_t ito poy hindi isang hamon...
pagkat tayoy di mag-uunahan sa paglamon ng mamon :D ...
itoy isang usapang mahinahon...
at pag-alala sa sa sinaunang sining ang layon...
ang sining ng pagtula ay base lamang sa tugma di ko sinabi...
ang akala nyo pong itoy baka napulot lang sa isang tabi...
pero kung tula ang pag-uusapan di po ba hane...
ay maganda pag may halong tugma pare?...
ang makatang si balagtas ang tula ay tumutugma...
matatawag mo kayang alay kay mark logan ang kanyang katha?...
kung diwang pilipino nasa iyong pusot diwa...
kahit anong tumutugma ay pwede mong sabihing tula...
:rolleyes:
^tigercub101^
Nov 8, 2001, 09:26 PM
suliranin ngang maituturing, kalagayan ng wika natin
sukbit-sukbit nito, ang pagtula natin.
sumasang-ayon ako, napag-iiwanan ang wikain
sa teknolohiyang dito'y inaangkin.
diskurso rin marahil ang paggamit ng tugma-sukat
palagay ko'y tama rin, nararapat.
pag-aralan ng mga makatang nais makasipat
ng banal na talinghaga, palaging tapat.
sapagkat sa tradisyon lamang aayon
ang mga pagtatangka at paglilimayon,
pag-aaralang muna nang lubos, isuson,
ang dakilang tugma-sukat ng nagdaang panahon.
vBulletin® v3.6.12, Copyright ©2000-2010, Jelsoft Enterprises Ltd.