PDA

View Full Version : bakit the best ang uplb sa buong up system?


anest25
May 24, 2001, 04:54 AM
o sige nga yung mga kokontra sa sinabi ko....

antennista
May 24, 2001, 06:37 PM
there's no reason for that, kasi UPLB is NOT the best in the entire UP System... like duh?!

uptowngirl
May 24, 2001, 06:49 PM
Sheesh! Pati ba naman to? Each campus in the UP System has its own specialization, we cannot compare which one's the best. Why should we compare anyway?

:turncat:

iara
May 24, 2001, 07:47 PM
Baka naman di taga-UP yan? :rolleyes:

ash666
May 25, 2001, 09:57 PM
eto obserbasyon ko lang!!! opinion!!! sa tingin ko mas tao ang mga taga LB kesa sa mga taga DILIMAN!!! yung mga ibang kabarkada ko sa DILIMAN trying hard naapektuhan na rin sila ng sistema imbes na baguhin ang sistema!!! elitista na rin ang iba sa DILIMAN!!! hindi ko linalahat pero sana tamaan ang mga dapat tamaan!!!

mariah21
May 26, 2001, 07:33 PM
hi anest!!! uplb ka ba??? pareho tayo!!!

well, all I can say is that, it is right that there is no best "up" in the entire up system, kasi nga each has diff. specialty (like in UPLB, agri.). but, isn't it unfair kasi there are several UPD students who are claiming that they are the best??? na sub-sector lang nila kami??? come to think of it, if the question is "bakit UP DILIMAN ang best sa up system", I assure u that marami nanamang mga epal na taga UPD ang magsasabi na "No doubt, we are.."...tapos pag ganto ang question, sasabihin nila na walang best "up" in the system??? HELLO?!?

philcooky
May 26, 2001, 07:53 PM
:sunnysmile: :sunnysmile: :sunnysmile:

i'm not from any UP community and mine is an honest observation. i think UPLB deserves that credit! UP Diliman and UP Manila are almost approximating a highly privitized and exclusive academic institution. The other UP communities are simply too humble to campare with UPLB.

UP Los Banos has preserved its "State University" status quo for years despite the advancement of all the services it offers.

anest25
May 28, 2001, 04:04 AM
mariah21: yup, taga kolehiyo nga po ako at kita mo ikaw na rin ang sumagot sa tanong mo, bakit sila i.e., upd eh the best, tayong mga taga kolehiyo eh hindi? ang kapal ng mga mukha ano? mag amoy araw daw tayo at ang kolehiyo ng pagsasaka ay amoy lupa! ang mga lonsi ng upd eh akala mo eh mas mataas ang tingin nila kesa lonsi ng lb....upd my butt!

philcooky: amen!

iara: ikaw, taga yupi ka rin? yupian ng lata?

uptowngirl
May 28, 2001, 06:40 PM
anest25, hinay hinay ka sa pagsasalita mo. Taga-UP Diliman ako ngunit kahit isang beses ay di ako nagsalita ng masama tungkol sa ibang UP Campus. Huwag mo namang lahatin dahil hindi lahat ng UP dito ay mahinahon mag-isip. Mataas ang pagtingin ko sa UPLB, huwag niyo naman sanang ibaba ang tingin ko sa pamamagitan ng pagpatol niyo sa "topic" na to. Ang aking ama ay nagtapos ng BS Agriculture sa UPLB at siya'y pinagmamalaki ko. Dahil sa kanya, kaya ako pumasok ng University of the Philippines. Hindi Diliman, hindi LB o kahit ano pang UP campus. Ang pinagtapusan kong kolehiyo ay University of the Philippines.

:turncat:

anest25
May 28, 2001, 09:04 PM
Originally posted by uptowngirl
anest25, hinay hinay ka sa pagsasalita mo. Taga-UP Diliman ako ngunit kahit isang beses ay di ako nagsalita ng masama tungkol sa ibang UP Campus. Huwag mo namang lahatin dahil hindi lahat ng UP dito ay mahinahon mag-isip. Mataas ang pagtingin ko sa UPLB, huwag niyo naman sanang ibaba ang tingin ko sa pamamagitan ng pagpatol niyo sa "topic" na to. Ang aking ama ay nagtapos ng BS Agriculture sa UPLB at siya'y pinagmamalaki ko. Dahil sa kanya, kaya ako pumasok ng University of the Philippines. Hindi Diliman, hindi LB o kahit ano pang UP campus. Ang pinagtapusan kong kolehiyo ay University of the Philippines.

:turncat:

point taken (sowee)

JaggerAugustine
May 30, 2001, 02:12 AM
UP Diliman is still the best PERIOD

jhenn_17
May 31, 2001, 10:23 PM
agree

dagangdenims
Jun 4, 2001, 08:48 PM
ciemps, the best yata ang up los Baņos...hindi na tinatanong yun...

GForce
Jun 5, 2001, 11:19 PM
mahirap mag-comment dito pero tama si uptowngirl, ang UP ay UP kahit ano pa kasunod niyan. ito lang ang sa akin, anest25 (from the Anest Tower dito sa Lopez Ave ba? :D) the best ang uplb KASI taga rito ako. mas marami akong kilala dito, mas alam ko yung lugar - kahit nakapikit pa ang mga mata ko. paano nalang kung may magsabi, "CAS ang best college sa UPLB?" anong say mo? ;) o di ba?

staticparam
Jun 6, 2001, 03:27 AM
taga UP din ako, ayaw ko sanang patulan ang thread na ito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko...hindi kasi ako makapaniwala na pati ang mga ganitong topic e pinagtatalunan ng mga isko at iska.

I mean bakit hindi na lang natin tingnan ang ibat ibang sangay ng UP bilang isa tutal e iisa lang naman ang academic standard sa buong UP system. Hindi tayo pumasok sa unibersidad na ito para magpa-bonga o makipag-tarayan sa mga mag-aaral ng ibat ibang sangay ng Unibersidad, nagpunta tayong lahat sa unibersidad na ito para mag-aral at magpaka-dalubhasa sa mga ibat ibang kursong napili natin at saka isa pa kung tunay tayong mga isko at iska dapat ang pinagtutuunan natin ng pansin ay hindi mga ganitong bagay kung hindi ang mga mas marami pang problema na hinaharap ng bansa.

Discuss instead on what we can do for our ourselves and for our country instead of wasting precious time by just trying to prove which UP system is the best. We are all from UP and we are being looked upon and respected by most people in this country by just being in UP(regardless on what UP system you are enrolled at) so please lets stop this nonesense and get on with what we are task to do as students of the primary state university in the country.

"kung hindi tayo kikilos sino pa....kung hindi ngayon kailan pa..."

pseudonym
Jun 7, 2001, 01:07 AM
"kung hindi tayo kikilos sino pa....kung hindi ngayon kailan pa..."


uy! alam ko yang linyang yan! meron akong tape niyan...hehehe..ala lang! pati yong "maki baka wag matakot...ang tao...ang bayan ngayon ay lumalaban!"

dagangdenims
Jun 12, 2001, 10:13 PM
sa elbi ang buhay ay walang kapantay. walang kapantay sa walang hanggang samahan sa dorm, sa org sa block, sa frat, sa soro, sa group mates sa stat 1, bio 2 o wst 135 or devcom 133, at sa kung saan saan pang barkadahang nabuo sa mga sulok ng napakagandang campus na ito. mas lalong walang kapantay ang hindi mabilang na mga tagumpay at pagkasawi, tulad ng unang exam na pinerpekto ng mga mumunting utak, o ang unang singko na sinabit sa malinis na transcript, ang unang halik sa isang tanging tinitibok ng dibdib o ang ikasampung pagkasawi sa pag-ibig. at may hihigit pa bang sa masaklap na katotohanan ng stat 5? kaya naman ang bawat kwento sa elbi ay hindi malilimutan....

walang maitatago ang mga estudyante sa elbi. ito ang tanging campus na nag-aaruga sa mga estudyanteng ulila sa mga nanay at tatay sa mga panahong wala ng allowance, wala ng damit na maisuot o walang tubig sa dorm. may pamilya sa mga kabigang dumadalo lalo na kapag na-confine sa infirmatay dahil sa chicken pox o dahil sa sobrang kalasingan....

kaya naman kapag nagkita ang mga taga elbi sa megamall o sa glorietta o sa walang kamatayang BLTB o sa isang pista sa barrio sa bicol, hindi maitatanggi ang kislot sa dibdib na maghahatid ng ngiti sa isaang kapatid na nasalubong. aty sa sandaling iyon ay magiging katangi tangi dahil kapawa maaalala ang mga kasaysayang pareho parejhong namalas-- ang pagtutulungan sa pag-igib ng tubig, pagsisipilyo, paglalaba, pagluluto ng unang adobo't sinigang na ginawa lang dahil sa nagsawa na nag lahat ng ptahaeng pwedeng gawin sa payless, ang pagkakautang at ang pagpapautang at ang pagtinfgala sa field upang bilangin ang mga bulalakaw na gumuguhit sa marikit na langit...

ang elbi ay higit pa sa pagsusunog ng kilay, ito ay isang uri ng pamumuhay. kung gaano karaming bituin ang natingala sa field, ganun din karami ang butil ng pawis na dumadanak para maipasa ang bawat subject, at ang luhang umaagos upang kayanin ang mga pang-araw araw na desisyong kailangang gawin tulad ng saan at paano ako kakain?

ngunit dahil sa sama samang pagharap sa kahit na anong unos na masasalubong sa paanan ng makiling, nagiging matamis ang tagumpay ng pagtatapos na iniaalay sa magulang, sa Dios at sa bayan. dahil dito'y nabubuhay ang diwa ng karanasang kinapulutan ng aral, pinag-alayan ng mga dalamhati at piangpitagan sa bawat taga-elbi. ito ang diwang inaalagaan, pinapatnubayan, iniingatan-pamanang nakaukit sa pagkatao. ito ang diwang isinasalin sa bawat henersyong sinasalubong ng elbi. ito ang diwa ng UPLB

Pepe
Jun 13, 2001, 02:16 AM
This is pure non-sense. UP Diliman is the flagship campus but that does not mean that it is the best nor does it mean that it is not. Each UP Campus has a specialized field of study, e.g. UPLB Agriculture, Arts and Sciences, UPM Medicine and Health Sciences, UP Diliman Engineering, Arts, Sciences, Law, etc. So what is there to compete against?

Joules
Jun 13, 2001, 05:52 AM
C'mon UP pipol, please stop this nonsense disputes kung sino ang best sa buong UP system. Frankly, it is an exercise in futility. Parang sabunutan o suntukan sa mabahong estero ang katatapusan....Tsssk, very unbecoming of a true UP student or alumni.

Before posting scathing and mean remarks sa ibang taga UP or pipol from other schools, basahin niyo na lang muna 'yong graduation speech ni Davide: (www.upd.edu.ph/~updinfo/gradspeech)

Be humble, be wise and make a difference.