Bahay_Na_Bato
Jun 6, 2009, 12:51 AM
Ano yung mga pinakamagagaling na halftime performances na nakita ninyo? Post tayo, preferably link sa video o photos.
Yung akin, gagawin kong per school:
ATENEO
Kinikilala bilang paaralan na may pinakamatandang kasaysayan sa cheering bilang unang paaralang may cheering squad at banda sa Pilipinas, mayaman talaga ang tradition ng Ateneo. Maraming cheers, maraming beats (na ginagaya ng iba). Mga pinaka-naging paborito ko sa mga recent performances nila, panay may drumline.
UAAP Season 71, September 6, 2008 -- Eto yata yung pinaka-astig na halftime na ginawa ng Ateneo sa season na ito, na matatapatan lang ng halftime perfomance nila sa Game 2 ng championship. Maganda yung execution, maganda yung tunog, maganda yung movement, at maganda yung pagpapa-pikon dun sa kalaban. :)
http://www.youtube.com/watch?v=-y3ZI-X-ozI
http://www.youtube.com/watch?v=90eVETMPh6s
UAAP Season 71, Finals Game 2 -- Isa siguro ito sa pinaka-engrandeng halftime na ginawa ng Ateneo. Lahat ng group sa cheering nila nandun (maliban yung mascot saka grade school kids), at pinakita nila yung drumline + cheering routine nila. Binuo pa yung "ONE BIG FIGHT," sabay banat ng isa pang Ateneo hallmark, ang "+AMDG". Weird lang yung tunog ng torotot.
http://www.youtube.com/watch?v=xopF0Bp0G-w
http://www.youtube.com/watch?v=wqzr2AKw_vg
UAAP Season 70, Round 2, vs. UST -- Eto yung halftime routine ng Ateneo sa second match nila laban sa UST, matapos silang bastusin ni Chuchi Francisco habang nagha-halftime sila. Kaya iyan, tinapatan nila ng drums.
http://www.youtube.com/watch?v=IGfHs5_CXDA
UAAP Season 69, Round 1, vs. UE -- Isa sa mga unang beses na pinagsama-sama ng Ateneo yung cheerleaders, dancers, saka drumline nila.
http://www.youtube.com/watch?v=WT58fCFAxgI
Tradition din ata ng Ateneo band na sila ang mag-halftime tuwing second round sa second to the last game. Minsan kwela, minsan hindi.
http://www.youtube.com/watch?v=3kW5l6UucxQ
http://www.youtube.com/watch?v=VILB5STjdjg
LA SALLE
Bilang pangalawang paaralan na nagkaroon ng cheering sa Pilipinas, mayaman na mayaman rin ang cheering tradition ng La Salle. Mula noon, hanggang ngayon, kitang-kita pa rin ang tradition ng La Salle sa cheering. Ang pinaka-gusto ko sa La Salle, magaling talaga sila bumuo ng complicated na formation at marunong talaga sila gumamit ng maraming tao sa floor. Kapansin-pansin lang talaga na ginagamit ng La Salle yung drumbeat na isa ng Ateneo (yung "fight" cheer ng Ateneo).
UAAP Season 71, Finals Game 1, vs. Ateneo--Malaking okasyon yung naging laban ng Ateneo at La Salle sa championship. At todo talaga ang ginawang cheering ng La Salle nung halftime. Sinama nila ang iba-ibang La Salle schools kagaya ng Zobel, CSB, saka Greenhills.
http://www.youtube.com/watch?v=11de4UZXGEQ
UAAP Season 70, Finals Game 2, vs. UE -- Yung 14-1, naging 14-2, ayon sa cheering. Umayon ang resulta ng laro.
http://www.youtube.com/watch?v=-lc1RSQMlpE
UAAP Season 71, Round 2, vs. UST -- Joint performance with UST.
http://www.youtube.com/watch?v=yc_i3XjMqZo
UP
Hindi "traditional" ang UP cheering. Cheerdancing ang ginagawa nila. At pagdating sa cheerdancing, talaga namang isa sila sa pinakamahusay (sa tinging ko, pinakamahusay) sa UAAP.
UAAP Season 71, Round 1, vs. Ateneo -- Yung napakagaling na "UP ang galing mo!" halftime dance routine. Ganda ng execution, catchy yung music. One of their best performances. Sana sa Araneta na lang ginawa.
http://www.youtube.com/watch?v=vyAwMVpSvBU
UAAP Season 71, Round 2, vs. UST -- Patikim pa lang ng gagawin ng UP sa cheerdance competition.
http://www.youtube.com/watch?v=ua3U5TNW2JY
UST
Mahusay sa cheerdancing, at maganda rin ang traditional cheers, isa rin ang UST sa may pinakamagandang mga halftime routine sa UAAP. Yun nga lang, kitang-kita ang pagkaka-hiram ng UST mula sa Ateneo, La Salle, at San Beda kapag "traditional cheers" ang ginagawa nila. Pero pagdating sa cheerdancing, kakaunti lang talaga ang makakatapat sa Salinggawi. At pagdating sa pagbubuo ng pyramids, wala talaga atang makakatalo sa SDT.
UAAP Season 69, Round 2, vs. Ateneo -- Ok na performance ng Yellow Jackets. Sino lang yung kaboses ni Mahal at Mura na nagchi-cheer? At saka hango talaga sa San Beda yung cheer nilang isa.
http://www.youtube.com/watch?v=sKbYebsFeQI
UAAP Season 69, Game 3, vs. Ateneo -- Ok na ok na combination ng cheerdancing saka traditional cheerleading. Ganda ng formations.
http://www.youtube.com/watch?v=QTPFiu89_ok
UAAP Season 71, Round 1, vs. UP -- Bakbakan ng cheerdancing ang nangyari. At magandang laban ang pinakita ng UST, as usual.
http://www.youtube.com/watch?v=SlbFsTVH5Pk
UAAP Season 71, Round 1, vs. UE -- Unang sabak ng UST this season. Hindi nag-disappoint.
http://www.youtube.com/watch?v=ydBTTMXcg-0