View Full Version : Nag-ki-keep in touch ka pa ba sa HIGH SCHOOL/ELEMENTARY friends mo?
Corrrect!
Dec 6, 2008, 02:31 PM
Ako hanggang ngayon nagsusulatan pa rin kami ng elementary friend ko, tapos pinagtatawanan pa rin namin 'yung mga dating kaklase namin.
Kayo?
mhek
Dec 6, 2008, 02:36 PM
hindi na gaano, sa case ko. hehe
nakikita ko lang mga bagong pix nila sa friendster (elem friends).
adik
Dec 6, 2008, 03:21 PM
high school, oo naman. :D kahit may college friends na, high school friends padin. :lol:
elementary? eventually, sila rin yung naging high school friends ko e. haha
Tom Cruz
Dec 6, 2008, 05:20 PM
High school lang.
tintura_de_yodo
Dec 6, 2008, 06:11 PM
Best friend ko since elementary, kasama ko sa Maynila nang mag-aral kami ng college. Magkasama pa rin kami sa iisang bubong ngayong pareho na kaming nagtatrabaho.
Kulang kulang 11 years na naming pinagtyatyagaan ang mukha ng isa't isa.
yo_soy_guapo
Dec 6, 2008, 07:27 PM
elem friends no, i doubt kung naaaalala pa nila yung dati, i myself nakalimutan ko na din
HS yung iba lang, yung sobrang mga kaclose ko lang, ayoko na makita yung mukha nung iba eh
caryatid_kitten
Dec 6, 2008, 07:32 PM
I'm still in touch with two of my elementary friends. They're two of my very good friends, in fact :-)
My High School friends - -yup, of course. We constantly keep up with each other. We make it a point to meet up when we can :P
DemonicAngel
Dec 6, 2008, 07:44 PM
Ako hanggang ngayon nagsusulatan pa rin kami ng elementary friend ko, tapos pinagtatawanan pa rin namin 'yung mga dating kaklase namin.
Kayo?
yup, mga inaanak ko nga mga anak nila and sila yung masasabi ko na mga close friends ko. mas nakakausap ko pa nga sila kesa sa mga college friends ko..
vinze07
Dec 6, 2008, 08:38 PM
Highschool Friends- yup. almost every month ata nagkikita kami. haha
Elem friends- yung iba di na nakikita.
connecticut
Dec 6, 2008, 08:59 PM
yung best friend ko nung elementary, di ko na nakakausap. nagkita kami last december, medyo nagkakahiyaan na kami. :P
high school friends -- tuloy-tuloy pa rin ang contact ko sa kanila. pinagtatawanan pa namin yung mga epal sa batch namin.
:lol:
3leggedFreak
Dec 6, 2008, 09:55 PM
Elementary classmates, hindi na pero yung sa mga High School, medyo meron pa din naman...
soul`rebel
Dec 6, 2008, 10:51 PM
yes, nagpaplano na nga kami ng grand reunion. haha
SIOPAO MAN
Dec 7, 2008, 01:58 AM
yung iba. Yung mga kabarkada ko nung high school nag kee-keep in touch pa rin kami kahit watak-watak na kami sa buong mundo. May isang friend ako nung elementary na hanggang ngayon nag kee-keep in touch pa rin kami, in fact pag nasa California nga ako eh sa kaniya ako tumutuloy
orangepink
Dec 7, 2008, 02:26 AM
elem friends = no
high school friends = only 1 and she lives in singapore so we just drop msgs from time to time
as life goes on and as time passes by, it takes a lot of effort to keep in touch with old friends. people change, i guess.
neneodin
Dec 7, 2008, 02:55 AM
sa 2010 ay alumni homecoming namin ng mga kabatch ko nung high school,after 30 years,kitakita ulit.Pero may close contact naman kami sa Internet.
abreah_yam
Dec 7, 2008, 09:39 AM
of course.. together forever kami.. hehe
impulse101
Dec 7, 2008, 12:56 PM
HS = oo naman! *okay*
Elem = meron naman kahit konti lang...may best friend kasi ako nung elem ayun text text na lang...:)
PromdiUS
Dec 7, 2008, 01:44 PM
yup sa friendster at minsan nagcha-chat rin kami ng mga elem. friends ko...doon sa HS friends ko naman walang communication, dedma lang nag-HS kasi ako sa Pinas (1st yr. hs only) at dito na ako sa US nagpatuloy ng pag-aaral.
the best pa rin yung elementary friends ko noh magkakasama kami umpisa Prep hanggang Grade 6.
-=limuel=-
Dec 7, 2008, 02:17 PM
High SChool - yung iba!!, yung iba kasi nasa malayo na, tapos yung iba nag-asawa na, so mga konti na lang!!
College - yung iba lang din kasi busy sa thesis nila ngayon!!, yung iba tamad maglod, kaya sa friendster na lang commuication!!
jpmalpas
Dec 7, 2008, 10:18 PM
High School? OO! :D
7/11
Dec 8, 2008, 01:02 AM
Nag-ki-keep in touch ka pa ba sa HIGH SCHOOL/ELEMENTARY friends mo?
ang simpleng litiratura ng mga "JOLOGZ"
hehehe
hindi pa kasi tagalog/filipino ang gamitin? ang halay basahin nung....nag ki-ke[ep] in a very silent manner di ba?
ts: ilan taon ka na ba?
ryanBlued
Dec 8, 2008, 01:11 AM
^lols! ganyan talaga! haha
OO! at sila ang regular ko na ka-inuman weekly! and since iisa lang elem/HS friends ko dahil di naman ako/kami lumipat ng school nun.. yung ibang mga ka-tropa na lumipat or naKick-out, nakakasama pa naman, pero di na madalas.
7/11
Dec 8, 2008, 01:24 AM
^lols! ganyan talaga! haha
OO! at sila ang regular ko na ka-inuman weekly! and since iisa lang elem/HS friends ko dahil di naman ako/kami lumipat ng school nun.. yung ibang mga ka-tropa na lumipat or naKick-out, nakakasama pa naman, pero di na madalas.
^lolz! 2 the second power! hehehe
Hindi lang talaga magandang basahin... pasensya na po!
Nag-ki-keep in touch ka pa ba sa HIGH SCHOOL/ELEMENTARY friends mo?
kasi pwede naman gawin ganito hindi po ba......?
Mayroon pa ba kayong komunikasyon ng mga kaibigan niyo sa HIGH SCHOOL/ELEMENTARY?
:bop::bop::bop:
immortalscythe
Dec 11, 2008, 03:50 AM
wag nyo na lang siguro pansinin hehe
OO may communication pa din kami, last bday nung hs friend namin, nag inuman kami sa house nila kaso konti lang kami, mini reunion na din after 7 years na di nagkita kita. also college friends. but elementary? wala eh, yung iba na kapitbahay ko na naging classmate ko nung elementary ayun nakikita ko pa sila hehe
LimpBwiZit
Dec 11, 2008, 04:32 AM
Big issue for me.
Sa public school kasi ako nag-elementary and high school, tumaas ang aking pinag-aralan and medyo umasenso kami sa buhay, kaya medyo magkalayo na kami ng agwat economically, socially, professionally, and even physically.
nung time na nasa college ako, sumasama pa ako sa mga gimik nila pag bakasyon and everything was okay. nung nasa law school na ako, and siya namang bumilis ang asenso ng pamilya ko sa buhay, medyo umiba na. tried to reach out pero parang iba na, kasi biglang parang ang taas ng tingin nila sa akin and lagi akong pinupuri and it made me uncomfortable (annoyed as well). and everytime magbakasyon ako, ako na lang lagi ang topic sa inuman - na big time na raw ako, di ma-reach, etc. then hingi ng pang-inom, pang-yosi, arbor ang t-shirt, etc. it really annoyed me.
kaya medyo umiwas na rin ako.
i still hangout with some of them sometimes, pero hindi na gaya ng dati.
King Aslan
Dec 11, 2008, 06:30 AM
Ako hanggang ngayon nagsusulatan pa rin kami ng elementary friend ko, tapos pinagtatawanan pa rin namin 'yung mga dating kaklase namin.
Kayo?
yup i just did kanina.... :glee:
ubermensch14
Dec 11, 2008, 07:14 AM
ang tagal na. sa friendster o facebook na lang. kapag may nagagawi sa US, nagtatawagan na lang kami.
Gospel of Judas
Dec 11, 2008, 07:23 AM
yep. the high school barkada. most of us went to a same school for college anyway :glee:
mac04
Dec 11, 2008, 06:54 PM
Oo.. kaya lang nanakaw phone ko nung saturday.. :bop:
purpleheadd07
Dec 11, 2008, 06:56 PM
yup, in fact may reunion kami this december. :D
mellowscream
Dec 12, 2008, 06:55 PM
yung iba in touch pa din. kaso wala pa rin kaming HS reunion.
bicst8fem
Dec 13, 2008, 06:48 AM
sad to say but No..im the one who's detaching from them..[arte ko kasi eh:depressed:]
amatoy88
Dec 13, 2008, 10:17 PM
hi bic..dito ka rin??
heheh...
yep yep yep..may reunion kasi kami before christmas eh (elementary)..
pero sa high school friends di masyado kasi ma-arte ak sa kanila eh..di ko sila masyadong feel
meteorgirl27
Dec 14, 2008, 12:48 AM
High school yes, actually nagkaroon ng gimik last 2 months ago yung ibang classmates ko, di lang ako nakapunta kasi naospital ako
karona
Dec 16, 2008, 11:16 PM
hindi na masyado minsanan na lang
ryanBlued
Dec 17, 2008, 01:29 AM
hahaha buti nga kayo namimiss niyo sila ako HINDI! pano every week nagkakasama din kami. amf! kakasawa mga mukha nila. haha *peace*
astig lang, talagang solid na yung samahan namin! *okay*
Flyunzipped
Dec 17, 2008, 03:48 AM
aKo yep! Active kame nung high school friends ko, nung nakaraan nanood pa kme ng Chris Brown concert. And yung gradeschool friends yearly may reunion kame, nung Nov 22 swimming kame. Ilang times nga ding nangyari sakin na sa loob ng isang araw, may lakad ko with grade school friends, High school, and college. astig
gymrat23
Dec 17, 2008, 10:48 AM
elem friends = hs friends - yung iba nalang, like yung mga naging tropa ko. which is yung iba may asawa at anak na (ako nalang single samin) and we make it a point to still go out kuwari b day ng isa samin or just plain go out
College - yung iba nalang din. tropa tropa, yung mga nagstick together through thick and thin. we have lunch sa makati everyfriday
It's hard kasi to have friends na madami sa tin e. usually they end up using you for money or brains (siyempre uso ang kakaibiganin ka kasi gusto kang kopyahan nung hs or elem) then in college its usually a popularity contest so wala kang mahanap din masyado na sincere unless you want to go through their waves. i go through the waves pero i don't take them seriously, like i dont ask help from these people or i don't tell them about myself. I just go make an appearance in parties so that they'd won't say anything nalang.
mellowscream
Jan 8, 2009, 09:16 PM
malaki ang tulong ng internet kaya in touch pa din ako sa elem and hs friends ko. =)
timmygirl
Jan 15, 2009, 10:50 AM
yep, i still keep in touch with my grade school and high school friends. thankful kaya sila sa akin dahil ako ang reason kung bakit kami nagkakapagmeet ulit. nagtyaga ako na hanapin sila isa-isa sa friendster tas ayun nagkareunion after nun at halos every month may get together na. o di ba, ang saya kaya!
untouchable
Jan 15, 2009, 11:02 AM
salamat sa friendster at may communication pa rin kami ng mga former clasmates ko nung Elem at HS. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na pumupunta sa bahay ng mga kaibigan at classmatespag nagbabakasyon ako sa probinsiya. kung gusto nila, pumunta sila sabahay namin at ililibre ko sila ng BIG TIME.
jaLenpaRk™
Jan 15, 2009, 11:34 AM
before mga 2003 or 2004 pa ata, hehe, halos every month kami sama-sama ng elementary tropa ko. nagsimula yun after magkameron ng grand alumni homecoming sa school namin. pero lagi din naman kaming nagkikita-kita sa hometown namin. minsan inuman kapag nagkakayayaan. yung HS tropa naman, dec 2004 pa nag reunion batchmates namin pero konti lang, ang daming out of the country na eh.. FS na lang madalas ngayon pareho sa elem at hs tropa..
dmfriscomachine
Jan 15, 2009, 01:18 PM
sa high school meron na pero sa elementary wala pa kasi hindi ko maasikaso, takot akong makantyaw kc ala pa me switheart
vBulletin® v3.6.12, Copyright ©2000-2010, Jelsoft Enterprises Ltd.