PDA

View Full Version : Randy Santiago, masama na ang loob sa ABS


izzzzzlaw
Jul 14, 2008, 02:28 PM
DELAYED SITCOM IN ABS-CBN. Ano na ang nangyari sa comedy show na idinidirek niya for ABS-CBN, ang Pare Koy, na tinatampukan nina John Prats, Zanjoe Marudo, at Jayson Gainza?

"E, mag-aalisan yung mga artista. Hindi magkita-kita ng schduele. Hopefully, ano ba? Sana ilabas within the month or next month."

May balita na shelved na raw ang proyektong ito. Totoo ba ito?

"Ay, hindi naman!" sagot ni Randy. "Hindi puwede kasi nakaka-four weeks na kami. Ang problema run, di ba, umalis ako? Iba ang nagdirek. So, hindi ko alam kung ano ang gagawin nila."

Paano ‘yan at aalis na naman siya?

"Oo nga. E, kasi di ko naman mahintay. Di ba, hindi naman puwedeng maghihintay lang ako? So, ang tagal na yun, di ba? Kasi kapag maghihintay din ako, walang artista, walang makunan, e, di nakaganun lang ako? E, paano ‘pag ako na ang lalabas?"

May balita rin na hindi raw kasi natuwa ang management sa mga nakunan na nila na episode. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ay, hindi ko alam! Kasi iba na, e. Yung dalawang araw na tinape, wala na ako doon. Dalawang taping days lang ako. Dalawang araw rin na umalis na ako. Direktor naman ako, e, hindi artista kaya. Hindi ganun kalaki ang talent fee ko. Ginagawa ko yun dahil sa pagmamahal ko sa craft ng pagiging direktor."

Hindi ba siya kinausap na huwag nang ituloy ang show?

"Hindi puwede," tutol ni Randy. "Kung gagawin nila yun, dapat... Kumbaga, magagamot naman. Wala namang problema. It's a matter of kung sino, ano ba talaga yung tatahaking kuwento. Maraming artista ang involved sa show. Pero as much as possible, isang direktor na lang ang gumagawa." -------
maraming on hold ang abs na shows!! wala ba silang pwedeng maging isang desisyon????

kung ganito nalang sila palage e matatalo sila ng kabila!! wala kaseng isang salita*peace* nakakaawa yung mga artista