View Full Version : TAMA NA ANG PAGALINGAN NG MGA "UNIVERSITIES" DIYAN!!!
Moon Goddess
Jan 13, 2001, 10:53 AM
PURO NA LANG PAYABANGAN! "Kami ang pinakamagaling kase ganyan ganyan ganyan!" "Sa amin ang pinakamahirap na courses blah blah blah!" "Hindi kayo tunay na mga universities! Puro pera lang kayo!"
LECH!!! Wala na ba kayong maisip kundi magpasikatan ng mga Universities lalung lalo na yang mga feeling nasa Spanish Era pa tayo!
BAkit hindi tayo magtulung-tulungan para mas gumanda ang sistema ng pangkalahatang edukasyon sa bansa?! Talunin muna natin ang ibang pamantasan ng ibang bansa tapos saka tayo magpayabangan pero ngayon, MAG TULUNGAN MUNA TAYO NO!!!
ForJake69
Jan 13, 2001, 01:07 PM
ang kataas-taasang Moon Goddess ay nagsalita na. No further comment for the time being. ---jake
ash666
Jan 14, 2001, 02:37 AM
Moon Goddess,agree ako sa yo! Yun talaga ang kailangan, magtulungan! Yung iba kse masyado nilang sinasamba ang kanilang mga Universities. Nakakalimutan nila yung essence ng pagiging estudyante! Ang maging bukas sa lahat ng mga uri nang pananaw at irespeto ang iba!
xyzseaman
Jan 14, 2001, 07:46 AM
yeah.
payaSo
Jan 15, 2001, 01:42 AM
At habang pinagmumunian ninyo ang sinasabi ni Moon Goddess maaari rin ninyong tingnan ang isinulat in Rambus tungkol sa:
Sinong pinakamabaho ang utot - ADMU, DLSU, UP, UST? (http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php3?threadid=21227)
batang.munti
Jan 15, 2001, 02:20 AM
AMEN to that Moon Goddess!!!
All of us were born naked...and all our sh_t smell the same. :D
Moon Goddess
Jan 16, 2001, 04:43 AM
Salamat sa inyo. Pero sana, mabasa pa ito ng mga nagpapataasan ng ere sa ibang forums. Sana magtuloy tuloy ang mga taong bumasa ng thread na ito.
---------
Well, how do we start changing our educational systems?
I suggest we start with the public way of education. Siyempre mahal mag upgrade ng facilities but how can we further develop their type of education. We had an experience when we taught children from public schools and we found out that some can't read properly at the educational level of grade 5.
I honestly think that we can't rely on the government alone. I think that schools capable of lending teacher-students to these public schools will help alot.
Marami nang gumagawa nito pero hindi pa enough. Why don't we pitch in to educate further our young.
----------
Eto pa. We have to correct educational mistakes in our subjects. Lumaki tayo using Zaide books but the fact is, the author is not supported by the Philippine organization of historians (forgot the name of the org) because he tends to exaggerate historical events. The thing is, ginagamit parin ata ang mga libro niya sa kung saang saang paaralan. So what do we expect from our children (as in yung mga bata pa ha)?
kayamcoolit
Jan 16, 2001, 06:08 AM
tama ka nga! its natural na may #1, 2... but what we should do is to take each others hand and walk together. magtulungan tayo, hindi *** puro paninira sa kapwa ang inaatupag natin. parang walis yan, kung bigkis-bigkis, mas marami ang magagawa ......
enteng.00
Jan 16, 2001, 01:23 PM
Originally posted by Moon Goddess
PURO NA LANG PAYABANGAN! "Kami ang pinakamagaling kase ganyan ganyan ganyan!" "Sa amin ang pinakamahirap na courses blah blah blah!" "Hindi kayo tunay na mga universities! Puro pera lang kayo!"
LECH!!! Wala na ba kayong maisip kundi magpasikatan ng mga Universities lalung lalo na yang mga feeling nasa Spanish Era pa tayo!
BAkit hindi tayo magtulung-tulungan para mas gumanda ang sistema ng pangkalahatang edukasyon sa bansa?! Talunin muna natin ang ibang pamantasan ng ibang bansa tapos saka tayo magpayabangan pero ngayon, MAG TULUNGAN MUNA TAYO NO!!!
lam mo, minsan lang akong magpunta dito sa forum nato, at iilan lang talaga ang nakikitaan ko ng kagandahan at kabuluhan. isa na siguro sa pumukaw sa aking atensyon ay ang topic mo, oo, may katotohanan, magandang hangarin, pero hindi ba sa tingin mo eh naging masyado kang madulas sa iyong mga binitiwang salita? ang isang parte na nakapukaw sa akin ng mas lalong atensyon ay ang pagsabi mo ng "...lalung-lalo na yung mga feeling nasa-Spanish Era..." nakakabagabag - ito'y maaring magdulot nang ibang interpretasyon dun sa mga taong kabilang sa mga Unibersidad na tinukoy mo - na sa pagkaka-alam ko eh sila ang mas gusto mong patamaan dito? - at maaring simulan ng isa pang away na "ayaw na ayaw" mo(?)
ang paggamit ng salitang - "lalung-lalo na" - ay may pakahulugang mas mataas na diin o patungo sa isang bagay o tao - na para bang siya/iyun ang dahilan o siya/iyun ang may-kakagawan ng lahat(?) na sa aking deliberasyon ay - hindi pa sila ang mas nanguna dito - ayoko na nga lang magbanggit ng tiyak na pagkakakilanlan ngunit mas yun pa nga - sa aking pagkakaalam...sinasabi ko lang ang mga maari at posibleng mangyaring pagkakaintindi ng mga taong mas binigyan mo nng diin dito. sanay inalis mo ang pagka-bias(?)...o kung ito man ay ginawa mo ng buong deliberasyon at buong linis sa puso at diwa at konsensya - sana nama'y hindi ganito ang kinalabasan. sanay hindi ganito ang iba mo pang lathalain.
kung nababagot ka at naasar sa sitwasyong nangyayari sa paligid mo - pilitin mong maging balanse - gumamit ka ng tamang mga salita (ang pagkaka-alam ko pa naman eh tagapag-sulat ka eskwelahan mo - kaya dapat ay "aware" ka dito). sapat na matuwa ka sa pagpuri ng topic mo ng iilan ngunit kung susuriin mong mabuti, may pagka-panig ka parin at pagka-bias sa iba - o sadyang ginawa para lamang dahil sa dala ng emosyon? sanay naging balanse ka naman sa mga opinyon sa pagkat maaaring iba ang kahulugan nito sa mga taong gustong-gusto mong makabasa nito - o di naman kaya'y ikaw na rin mismo - baka gusto mo siyang uliting basahin?
wag mong isiping kinokontra ko ang mga puntos mo, ngunit gusto ko lang punahin ang mga bagay na kapuna-puna, na baka balang araw ay siya ring yuyrak sa mga sinabi mo. balanse lang iha - nasa-journalism ka pa naman ata?
sana'y wag tayong padala sa mga tamis at bulaklak ng bawat diwang lumalabas sa bibig...mas delikado ito sa nakabibinging katotohanan.
tria haec!
vBulletin® v3.6.12, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.