PDA

View Full Version : the protagonist and antagonist switch in anime


kamotejojo
Dec 10, 2000, 12:48 PM
let's get this thread moving! basically, what i want to hear from you ppol is: which anime character is over- or underrated? which character does not deserve her/his image?

personally, i think nakago of fushigi is! i mean, he did not rape miaka, right? even if he could have? and he obviously cares for soi when she died, right? admit it, the guy has a heart underneath that HORRIFIC armor!!! sino ba namang di matotrauma sa pinagdaanan niya? i hate that emperor of kutou! DOM!!! :grrr:

so what do you think? :)

VioletJersey
Dec 11, 2000, 01:52 AM
:lol: good one :girl: well, if you ask me, 2 people comes into mind regarding this matter...
[list]
OMI TSUKIYONO of Weiss Kreuz - God! for a 17 year old, he's probably the most tragic guy i've ever seen... far more tragic than Hamlet! i mean, he fights (and kills as well ) the bad guys whom in the end happens to be his family... and the only girl he ever loved turns up to his sister (actually his cousin since his real father is Perusia who's Regin Takatori's brother) who eventually dies becoz of him. talagang nakakaawa sya! :~( kaya naman mahal na mahal ko sya! :inluv:
SETA SOUJIROU of Rurouni Kenshin - halos pareho din sila ni omi... the only difference is... he REALLY meant to kill his "family". as in talagang gusto nyang patayin yung pamilya sa sobrang pagmamaltrato sa kanya!!! and the scary thing abt him is... HE'S ALWAYS SMILING EVEN IF HE INTENDS TO KILL YOU! talk abt being :crazy: but... he's still one cool hottie!!! :love:

yun lang :p

unified_theory
Dec 11, 2000, 04:18 PM
Iyun nga yung maganda sa mga kontrabida sa mga bagong kuwento ngayon.

Hindi ko nga maintindihan, mas may sense pa ang pagiging kontrabida ng mga kagaya nina Nakago, Zagato, Ghaleon at kung sino sino pa.

Pero parang mas pinapahalahagahan ng mga yung mga kuwento na ang mga kontrabida ay basta ginawa na lang masama nang hindi alam kung bakit...

examples....

"Itinakas ni Adolfo si Laura sa gubat at doon tinangkang halayin, dumating [yung syota ni Alladin na nalimutan ko na ang pangalan] at pinana si Adolfo." <-- iyan ang makalumang kontrabida, nanganganib na nga ang buhay, nagibabaw pa rin ang libog.

Ang mga makalumang bida naman ay sobrang bait at parating tama. Ang mga makalumang kontrabida, para bang "likas" na sa kanila ang masama at hindi na ito mababago.

Sa Ibong Adarna, iniligtas na nga ni Don Juan yung mga kapatid niya, binugbog pa siya.

Sa Florante at Laura, sinasabing "pinakamabait sa klase" si Adolfo... pero alam na raw ni Florante na pakitang tao lang ang kabaitan ni Adolfo. Ha! Ang galing naman, nagkaroon kaagad siya ng gannoong idea nang walang basehan, at dahil bida siya, siyempre siya ang tama. Ngayon ang kawawang kontrabidang si Adolfo, masama... masama.. basta masama. Hindi binibigyan ng konsiderasyon ng patnugot ang mga dahilan kaya nagiging masama ang mga tao.

Ngayon, ang mga bagong kontrabida sa mga kuwentong hindi pinapansin ng mga Literature classes natin...

Yung mga kalaban ni Batman, karamihan sa kanila mga biktima ng injustice. Si Riddler halimbawa, basta na lang tinanggal sa trabaho matapos niya mapaunlad ang kumpanyang pinaglilingkuran. Sa isang episode naman, nagtatangkang magbagong buhay si Penguin pero may isang babae na nanloko sa kanya.

Si Sephiroth at si Kefka sa Final Fantasy VI at VII, mga taong pinag-experimentuhan ng agham at mahika, kaya nawalan ng katinuan ang pag-iisip.

Si Zagato sa Magic Knight Rayearth, ipinaglalaban niya lang ang kanyang pag-ibig. Ang tanging hangad lang niya ay makapiling habambuhay ang mahal niyang si Emiraude.

etc...

kamotejojo
Dec 12, 2000, 09:18 AM
Originally posted by unified_theory Si Zagato sa Magic Knight Rayearth, ipinaglalaban niya lang ang kanyang pag-ibig. Ang tanging hangad lang niya ay makapiling habambuhay ang mahal niyang si Emiraude.

:D may punto ka dyan. all they want is to be happy, pero sabi ng karamihan hindi puwede. ano tuloy nangyari? laking gulo! di mo masisi si zagato dahil tao lang naman siya at syempre iniisip din niya sarili niya... tama! tama! :cool:

bow! bow! dami mong alam sa florante at laura! ya like to read? if so, what? ;)

ay pahabol! people are probably gonna kill me but i think the major antagonists of samurai x (shishio and shogo amakusa) are hated too much. sobrang paghihirap din ang napagdaanan ni shishio. isipin mo naman sinunog ka ng mga taong pinaglingkuran mo dahil hindi ka na kailangan! (o dahil ba takot sila na magsalita si shishio? can anyone clarify for me? salamat po!) si shogo rin. did you guys see the episode/s na pinatay family niya at halos lahat ng tao sa island nila ay crinucify? grabe :( ugh! alam ninyo, hindi lang naman si kenshin ang nagpapatakbo ng storya at hindi lang naman siya ang admirable character doon.

ang medyo pissed off lang ako kay aoishi! :mad: di kaya ako patayin ni violet nito? :eek: kasi naman hindi si kenshin ang pumatay sa mga kasama niya at alam niya yon, pero sige pa rin siya sa pagganti kay kenshin! to the point na nawala ang prinsipiyo niya at sinaktan niya ang mga taong nagmamahal sa kanya (okina at misao)! he's a walking EGO if ya ask me! :rolleyes: all he cares about is being the most powerful. although, the way he swallowed his pride and tried to change in the end was admirable. di ko ata kaya yon! mas gugustuhin ko pang mangubat na lang! :lol:

VioletJersey
Dec 12, 2000, 11:57 AM
Aoshi!?! a walking EGO!?! :eek: well, i do admit na medyo may topak nga nang konti si Aoshi... at manhid pa!?! di ba nya alam na kulang na lang maghubad si Misao sa harapan nya, mapansin lang sya nito!?! :lol:

may pahabol nga pala ako... si Vash Stampede ng Trigun ay isa ring poor lost soul. as in he has a tormented twin brother ( si Knives na ubod ng gwapo!!! :yum: ) as well as a power na sobrang destructive... it's driving him crazy!?! di naman nya ginusto na magkaganoon yung kapatid nya, much more na magkaganoon ang buhay nya. he may have a bounty of $$60B in his head, pero if only they could see how fragile and sincere a guy he really is... di sana pinagpapapatay sya...

hay naku... the irony of life nga naman... :p

thehitman
Jul 3, 2001, 07:49 PM
Originally posted by kamotejojo


ay pahabol! people are probably gonna kill me but i think the major antagonists of samurai x (shishio and shogo amakusa) are hated too much. sobrang paghihirap din ang napagdaanan ni shishio. isipin mo naman sinunog ka ng mga taong pinaglingkuran mo dahil hindi ka na kailangan! (o dahil ba takot sila na magsalita si shishio? can anyone clarify for me? salamat po!) si shogo rin. did you guys see the episode/s na pinatay family niya at halos lahat ng tao sa island nila ay crinucify? grabe :( ugh! alam ninyo, hindi lang naman si kenshin ang nagpapatakbo ng storya at hindi lang naman siya ang admirable character doon.


Shishio deserved to be hated. Kaya siya sinunog in the first place eh dahil sa naging ambitious siya. Remember na siya ang pumalit na slasher kay battousai. Marami siyang nalaman na secrets, at gusto niyang gamitin yung alam niya para makakuha ng mataas na position sa government.

I agree with your account on Shogo though. He was from a family that was persecuted because they were Christians. It was not his fault that he was a Christian, and it should not have been a sin to practice Christianity during his time. People hate him too much, but in reality, all he wanted was to be left alone and free to worship. Naging twisted na lang yung objectives niya dahil sa hirap ng dinanas niya, kaya imbes na gustuhin na pabayaan na lang siya at yung Christian community niya, ginusto niyang sakupin ang Japan para maitayo ang "God's kingdom".