View Full Version : Mga astig na pencil cases nung elementary
jericholic
Feb 27, 2007, 08:40 PM
Nagkaroon ba kayo ng ganitong pencil case? Yung tipo na ndi lang sya lalagyan ng pencil/ballpens kundi me sharpener tapos me divider pa sya na umaangat at me mga pinipindot pa sa gilid? :D Ako wala. Hehehe kasi ayos lang ako sa simpleng pencil case lang na gawa sa lata pero me mga cartoon designs naman. :D
nheru
Feb 27, 2007, 08:46 PM
ay oo nga nagkaroon din ako nun nung elementary,i think grade 2 at 3. kc iba na lagi nauuso nun..hanggang ngsawa tapos ang gusto ko nalang yung pencil case na lata lang yung pahaba tapos my cartoons yun grade 5 yata ako nun. kakatuwa lang kc pag may pencil case ka na kakaiba sikat ka na,hehehe ang mga bata nga naman oo..
mac04
Feb 28, 2007, 12:29 AM
Yeah.. Parang transformer pencil case mo, paastigan tapos uso pa nun kisses (tama ba ko?) para pabanguhin mga pencil cases..
narutrix
Feb 28, 2007, 01:46 AM
:lol: grabe, reading this thread, parang bumalik ako sa kinder :glee:
nice memories *okay*
meron din pala akong ganyang pencil case :glee:
happosai
Feb 28, 2007, 01:41 PM
May ganyan din ako nung elementary ako. Baligtaran pa nga yung openning nung pencil case. Tapos may built-in pencil sharpener pa. Siguro kung mauuso ulit ngayon yan. Baka may built-in MP3 player na yon at thumb drive. At pwede ka na rin siguro maglagay ng mga pictures at MP4 movies doon. Wow... astig yon!!! hehehehe..
true_steppers
Feb 28, 2007, 05:01 PM
primitive yung pencil case ko noon, ang feature niya lang e kapag binuksan mo, merong 2nd floor :lol:
gerald_pirea
Feb 28, 2007, 05:37 PM
Lahat yata naging pencil case ko. Pero meron ako nung pencil case na parang pin ball? tapos may score? alam niyo ba yun?
[G]erald™
Feb 28, 2007, 06:30 PM
Meron ako, pero hindi ko nagamit. Until now, buhay pa rin.
simang760
Mar 1, 2007, 12:44 PM
Medyo can't afford kami noon, so i just admired the pencil case of my seatmate. (as in naka-nganga ako! hehehe). So eto, kahit na di bagay, me pencil case ako sa desk ko....wala lang....
anahaw
Mar 1, 2007, 01:03 PM
Natatandaan nyo pa ba yung pencil case na may piano? nagkaroon din ako nito dati...yung may maliliit na pindutan tapos may mga numero..Yung pencil case na parang robot, maraming features yun akala mo ordinaryong pencil case lang pero wag ka! pag pinindot mo may lalabas na magnifying lens, ruler, pencil holder sa loob, tapos yung parang ruler na may mga shapes...sarap bumalik sa pagka-bata..:beam:
clawed_out
Mar 1, 2007, 01:05 PM
Mine was multi casing with piano and middle compartment.
ayun, nasira agad. :glee:
what this reminded me of is the scent of erasers. ang bango.
el_pogito
Mar 1, 2007, 01:09 PM
hehehe, i still have mine with me. 3 compartments sya bale, nabubuksan sa gitna then with special provision for eraser. cover is a F-18 Hornet.
adoboness
Mar 1, 2007, 01:32 PM
Meron akong pencil case na ganito! Sanrio pa, Hello Kitty I think. There was buttons and little compartments would pop out, like a pencil sharpener, eraser holder, at kung anu-ano pa. And when you flip it over and open the back, meron book holder to prop up a book. Astig, di ba? :D
lvt3tia
Mar 1, 2007, 02:07 PM
haha! okay tong theread na to ah! reminiscing childhood ba? ako dati yung may piano nagkaroon ako noon ( mga grade 2 yata) tsaka the one with plenty of compartments tsaka gadgets uso nga yon noon. do you guys remember *** "benshia pencils" sikat ka pag meron ka non tapos yung maiingay na relo yung tipong may melodies pag binuksan mo. hehehe.
lilsue
Mar 1, 2007, 04:07 PM
Naalala ko rin na medyo astig yung tin pencil cases tapos yung tipong meron 2 to 3 pencil cases with matching paramihan ng pencils and erasers with different scents and shapes...:lol:grabe! pag naaalala ko natatawa nalang ako...pero nung high school isang simpleng black parker pen nalang ako...P400-P500 lang ata refill.
Jonga
Mar 1, 2007, 08:24 PM
wala akong pencil case e, iniipit ko lang sa kwaderno ko
sama nyo yung polly pocket na pencil case pati na din ang lisa frank:) hehe
cool yun para sa aming girls:) hehe b iruin mo makakapaglaro ka ng polly pocket while in class? hehe pero di ako nagkaganun mahal eh:) *** mga malalaking pencil case lang na baligtaran may built in sharpener at saka may mga secret compartments hehe sa laki nga nun halos kasing laki na ng libro *** pencil case wahaha:)
:bluefish:
2424
Mar 2, 2007, 02:43 AM
Natatandaan nyo pa ba yung pencil case na may piano? nagkaroon din ako nito dati...yung may maliliit na pindutan tapos may mga numero..beam:
:lol: oo yung piano naalala ko yan meron ako niyan dati. Tapos sikat din yung mga pencil case na gawa sa lata. Yung mga kaklase ko pa nga e may alagang "kisses" sa loob ng pencil case, ito ay nakalagay sa bulak. Ang sabi pa nga nila e, "nanganganak daw iyon" kapag inilagay sa bulak :lol: paniwala naman ako, hindi kasi ako mahilig doon sa mga maliliit na bato na iyon e.
true_steppers
Mar 2, 2007, 09:38 AM
Natatandaan nyo pa ba yung pencil case na may piano? nagkaroon din ako nito dati...yung may maliliit na pindutan tapos may mga numero..Yung pencil case na parang robot, maraming features yun akala mo ordinaryong pencil case lang pero wag ka! pag pinindot mo may lalabas na magnifying lens, ruler, pencil holder sa loob, tapos yung parang ruler na may mga shapes...sarap bumalik sa pagka-bata..:beam:
natatandaan ko yung pencil case na may piano, lintek yan, ayaw ako bilhan ng mom ko nun, hindi ko alam kung bakit :mecry:
looka
Mar 2, 2007, 11:26 AM
naalala ko yun! astig nga yun, may pinto na sa harap, may pinto pa sa likod, may double deck at maraming pindutan! panginoon na sa klase namin ang may ganoong pencil case! kung gusto mo manghiram, pipila ka muna!:lol:
yung may piano nagkaroon ako, dun ko natutunang tugtugin ang 'happy birthday' at 'twinkle, twinkle'.
juicypeanut
Mar 2, 2007, 12:28 PM
meron akong ganitong pencil case, yung mataba na may divider at pantasa sa gilid. package nga yun e, may laman na sa loob :)
jookeulae
Mar 2, 2007, 01:45 PM
mas sosyal sa akin, pencil case na may polly pocket.
simpLy_charming
Mar 2, 2007, 03:12 PM
hahaha! :lol:
katuwa namang magreminisce ng elementary years,pagandahan ng pencil case..*** sakin is *** may piano...:D
den nagkaron din ako nung may dividers pa na umaangat... hehehe!
cmars2
Mar 2, 2007, 03:26 PM
nagkaroon din ako ng pencil case na ganyan. may nilalagay pa akong maliliit na bilog na pampabango in different colors pa. :glee:
akosilester
Mar 2, 2007, 08:11 PM
noon, meron akong pencil case na may piano :note:
natanggap kong Christmas gift galing sa tita ko nung 1992 :lol:
doon ako natutong tugtugin yung do-re-mi & happy birthday song...:D
incognito_nova
Mar 2, 2007, 08:24 PM
:lol: oo yung piano naalala ko yan meron ako niyan dati. Tapos sikat din yung mga pencil case na gawa sa lata. Yung mga kaklase ko pa nga e may alagang "kisses" sa loob ng pencil case, ito ay nakalagay sa bulak. Ang sabi pa nga nila e, "nanganganak daw iyon" kapag inilagay sa bulak :lol: paniwala naman ako, hindi kasi ako mahilig doon sa mga maliliit na bato na iyon e.
Nakakatawa naman toh :D :D
Ganyang-ganyan din sabi sakin nung mga kaklase ko tungkol sa KISSES :lol:
Fatsieee
Mar 3, 2007, 02:59 PM
^nag alaga din ako ng kisses noon! sikat na sikat yan! hehe.
wala ako nung pencil case na multifunction, yung katabi ko nung grade 1 meron, mayaman kasi eh. pink yun tapos angdaming functions. tulo nga laway ko pa inilalabas niya. nung grade1 kasi ako ang pencil case ko eh yung plastic na may zipper lang, parang purse. tapos me design.
mejo nag improve naman nung grade 3 na ko onwards. lata na sya tapos may "second floor"...if i remember correctly meron akong mickey mouse na pencil case..i loved that kasi mahal ko si mickey mouse hehe...tapos maraming laman na pencils saka yung eraser na mabango..amoy orange o kaya cherry
hay..sarap magreminisce
Fatsieee
Mar 3, 2007, 03:01 PM
meron pa pala...remember nyo yung case na may multiplication table? astig un! gamit na gamit ko yun!!!
vBulletin® v3.6.12, Copyright ©2000-2010, Jelsoft Enterprises Ltd.