PDA

View Full Version : Magandang Gabi Bayan at Brigada 7: Halloween Special....excited na ba kayo???


Barok
Oct 15, 2000, 12:15 AM
ako, excited na...e kayo, excited na rin ba kayo??? /*if there is one (or two na rin) show(s) that I wouldnt dare to miss, this is it*/

gusto ko na uling makakita ng mga :devil: ...tamang-tama yan dahil nasa probinsiya kami sa araw na ito at sama-sama kaming manonood ng mga pinsan ko....at sigurado na namang hindi kami makaka-:zzz: dahil sa :crazy: *takot*

tRiStAn
Oct 15, 2000, 12:29 AM
Taas kamay, pati paa.

Ako po. Di ko mini-miss ang programang yan. :D

imogen
Oct 15, 2000, 12:41 AM
AKO!!!!!!! INAANTAY ANTAY KO YAN KAHIT NA TINATAKOT KO LANG SARILI KO!!!!!! :eek:

pero medyo di na masyado scary ngayon ano? parang puro nasasapian eh....

Jacob
Oct 15, 2000, 10:06 AM
Dati hindi ako mapakali sa kakahintay non. Pero lately, nagsawa din ako. Hindi nila dinedebunk ang mga claims. I believe na dapat medyo skeptical ang stance ng mga programs na ito. Kasama ito dapat sa mission nilang to bring truth to the people -ek.

DasKiD
Oct 15, 2000, 10:12 AM
Of course! intercourse!

grade school palang pinapanood ko na yung mga holloween special nila hanggang ngayon 2nd yr college nako hehehehehe! lalo na yung sa MGB. yung mga kapre, white lady, saka yung mga napoposses!!! corny nga lang nung ibang re-enactment. nde ka matatakot, matatawa ka. hehehehehe

Barok
Oct 15, 2000, 11:11 AM
imogen: oo nga naman, lagi nalang may nasasapian ng demonyo o kung anong engkanto..lumang style na to diba? mala-Judiel ba? ..nakakasawa....sana i-revisit na lang uli nila yung Manila Film Center...gustung-gusto ko yun...siguradong may ghost :eek: ...hehehe!:lol:

daskid: ayoko na rin ng re-enactment..hindi kasi kapani-paniwala....sana actual footage na lang ang gamitin nila tapos i-highlight na lang nila yung part nung film na may ghost para mas exciting at may halong spook :eek:..

tristan: nyek! :silly: ...talaga naman palang isa ka sama nga masusugid (tama ba) na tagasubaybay...:lol:

jacob:korny na ba?... so hinde ka na manonood? :D

oo nga pala, isama nyo narin pala dito ang mga pinakanakakatakot na episode(s) na napanood niyo sa MGB at B7...mag-eesep pa ko..

homeBuddy
Oct 15, 2000, 11:42 AM
i love the MGB halloween special (Brigada...not so...although i saw the ghost they captured in cherry hills...at least hindi re-enactment)! dati it used to be so scary pero now...parang it became pare-pareho na and sometimes unbelievable...like the sister manananggals last year...parang hindi ako naniniwala! last year (or last two years?), they interviewed a "real aswang" and i was bored by it...hindi naman masyadong nakakatakot eh! ang haba pa ng interview nila! also i think it was also last year when they showed all these girls being raped by the engkantos...it was more gross than scary...pero when u see the face of the engkanto in the re-enactment...u get kinda scared...esp. if u imagine it in ur room late at night when ur trying to sleep!!!

CaRaMBa
Oct 15, 2000, 01:42 PM
I'm a scaredy cat so I don't watch those things. Pero aliw talaga na naging "tradition" na yung Halloween special ng MGB. Every year na lang, inaabangan ng mga tao. :)

imogen
Oct 15, 2000, 02:36 PM
Originally posted by Barok
imogen: oo nga naman, lagi nalang may nasasapian ng demonyo o kung anong engkanto..lumang style na to diba? mala-Judiel ba? ..nakakasawa....sana i-revisit na lang uli nila yung Manila Film Center...gustung-gusto ko yun...siguradong may ghost :eek: ...hehehe!:lol:

daskid: ayoko na rin ng re-enactment..hindi kasi kapani-paniwala....sana actual footage na lang ang gamitin nila tapos i-highlight na lang nila yung part nung film na may ghost para mas exciting at may halong spook :eek:..





OO NGA!!!!!! nagsasawa na talaga ako dun sa mga:

ermitanyo: sino ka?! layuan mo ang katawan ng batang ito!!

girl: (in a husky voice) bwahahahahaha!!! akin na siya!!! bwahahahaha!!!! (girl then screams, tapos mangingisay)

ermitanyo: ETONG SA YO!!! (lagays rosary over the batang babae's body)

girl: (husky voice pa din) ARRRRRGH!!!!! WAAAAAAARRRGGGHHHH!!!! GRRRRRR!!!!!! (and makes kisay to death)

sus nakakasawa na talaga, EVER.

oo nga, bisitahin nila uli yun, grabe kinilabutan talaga ako dun, lalo na yung may imelda mural! :eek: mainit init pa daw pag nilapitan mo. tama ba naman yan?! tsaka gusto ko yung mga may pictures o kaya my footage talaga na may moomoo. naalala niyo yun nakunan nila na babaeng nagwawalis sa tabi ng daan?! GRABE!!!! (tumataas na po balahibo ko ngayon mga kaibigan)

and please... yung mga re-enactment naman, gandahan naman. eh susmaryosep NAGIGING COMEDY NA EH!!! imbis na matakot ako natatawa lang ako sa mga itsura ng moomoo tsaka yung mga "actors" nila. funny talaga. :lol:

pero promise, pag ginamit nila uli yung babaeng matanda na payat... check yun. scary siya. :eek:

broom
Oct 15, 2000, 02:44 PM
im looking forward to those halloween specials...pero d na sha ganong ka-exciting tulad before! d na mashado scary minsan kakatawa pa yung iba...

LiLJj
Oct 15, 2000, 02:52 PM
sinabi nyo pa! feeling ko habang tumatagal, mas ndi nakakatakot yung mga halloween specials nila. mas ok pa nga siguro kung stick na *** sila sa mga multong nagpaparamdam. classic.

Limerick
Oct 15, 2000, 05:30 PM
nawala na yung flare nung mgb sa akin siguro dahil tumatanda na :rolleyes: pero may naalala ako last year pinalabas nila yung bloopers nila sa end yung lamang-lupa na nagpapakita sa batis nadulas mula sa batong inaapakan niya :lol:

RöttenMind
Oct 15, 2000, 08:22 PM
yey! excited ako!!!!

tatakutin ko na naman ang sarili ko.. nakuh la na kong makakasamang manood. la na mga kafatid ko dito.. mag-isa na lang ako.. takot ako!

:lol:

lacquer_head
Oct 15, 2000, 10:21 PM
for the past few years nga, medyo nagiging baduy na.
pero wala ka namang magawa kung halloween, so no more options.

tapos okey lang naman at least nakakatuwa ang mga reenactment.

sino kaya naglagay ng topic na ito?

overdrive
Oct 16, 2000, 05:22 AM
kawawa ka naman BAROK ilang taon ka na ba? at pati mga ghost stories sa T.V e apektado ka o baka duwakong ka lang sa MUMU nakakaawa ka para kang bata!!!!

culturedgold
Oct 16, 2000, 12:23 PM
Originally posted by overdrive
kawawa ka naman BAROK ilang taon ka na ba? at pati mga ghost stories sa T.V e apektado ka o baka duwakong ka lang sa MUMU nakakaawa ka para kang bata!!!!

:crazy: :crazy: :crazy:
susko! nu ba nangyayari sakin sinasapian na yata ako! tumawag na kayo ng ermitanyo........

DARNA!!!!!!

Barok
Oct 16, 2000, 09:06 PM
culturedgold: darna ka dyan!..etong dapat sayo :bop:....:lol:

overdrive: nde naman...gusto ko lang talagang makapanood ng halloween special....tsaka, wala na namang ibang magandang palabas e (tama si lacquerhead) :D....so ano pa ang gagawin/papanoorin ko?...

lacquerhead: pasimple ka pa dyan :bop::bop:... siyanga pala...si kambal, ba't di pa nag-rereply???

rottenmind: gudluck sa panonood...pero sa tingin ko naman di ka na matatakot kasi unti-unti ng nagiging korny yung palabas e...pero anong malay natin,since year 2000 na, baka compilation ng past MGB halloween specials ang gawin nila...sana nga

imogen: hanep sa re-enacment a...imbes na matakot ako, e kinabag nako sa kakatawa :lol:

caramba: why don't you watch it with a friend....para may kadamay ka kapag pareho kayong natakot :lol:

homebuddy: oo nga, nakakatakot nga yung sa cherry hills...wala na bang trahedyang magaganap bago mag-halloween para mag bago-bago naman...(biro lang mga tol)....wag naman sana....

Pero sana talaga i-revisit nila yung Manila Film Center...pero distaym, dapat kasama si Madame Imelda (kung kailangang igapos at kaladkarin, ok lang) para makita natin maglabasan lahat ng ghosts doon na may hinanakit sa kanya:lol: (sure ako 100%, hinde lang pagpaparamdam ang gagawin nila, mag fa-fashion show pa sila sa harap ng camera)...samahan na rin nila ng heat sensors para astig...

punta rin sila sa Capiz, akyat sila sa Bundok...magpa-umaga na sila don...mag-hanap sila ng aswang (parang blair witch type of footage ang gusto ko)....kasama pa yung patakobo-takbo at pagsigaw ng saklolo :lol:

Sana rin magpunta sila sa Corregidor, tapos magpa-umaga na rin sila don...para marinig / makita nila kung sino yung nagsisindi nung mga kanyon...

imogen
Oct 16, 2000, 09:34 PM
ay oo good idea nga yang compilation! as in yung mga tipong luma na... mas scary yung mga luma eh.

chikitita
Oct 17, 2000, 04:07 AM
ay nako, trueng true yan! dati scary pa, ngayon bumabaduy na. gusto ko din yung mga lumang segments sa film center, yung mga haunted houses sa new manila, yung mga dancing paper dolls sa antique, k pa yun. believable. pati yung sa brigada..yikes, mumu talaga yung nakunan nila sa cherry hill e, iba yung kilos, hindi makamundo!

pero ngayon, nakakainis e, minsan nanggagago na lang sila. ie.

MGB: pano mo nalamang ginahasa ng engkanto ang anak mo?
babae: nung nilaban ko kasi yung panty niya, madilaw dilaw. para talagang nakipagtalik. (camera zooms in on panty)

:lol:

winner pa din yung re-enactments, comedy talaga. you have to give them credit for trying :lol: besides, halloween tradition na para sa atin ang manood ng MGB specials. :D

Barok
Oct 20, 2000, 01:18 AM
chikitita: ma-eL naman ata yung engkantong yun...baka nung past life niya e na deprive siya sa sex...:lol:...pero nakakatakot nga talaga yung dancing paper dolls..as in parang may nagpapagalaw ng walang humahawak *no strings attached*....:eek: ...katakot talaga....

hmmp! wala na bang iabng magre-reply? :|

imogen
Oct 20, 2000, 01:40 AM
YAAAAAAAAAK!!!!!!! :lol:

naalala ko nga yang panty scenes na yan!!!!


:lol:


bwahahahahaha!!!!!!!!! please lang. di sya nakakatakot. nakaka diri sya. :lol:

YoBaKs
Oct 20, 2000, 10:14 PM
nope! coz every year nagiging corny na ang mga episodes...some are not that credible na? parang scripted...pero yung mga late 80s and early 90s the best...

i remember pa nga na hnde ako tumingin sa salamin ng matagal kse naalala ko yung black lady sa CR! :devil:

My favorite episode was that when they visited the house of Julie Vega and try to contact her! :D spooky yung smoke in a form of a woman sa stairs nila!

peacelove

Ian_langpo
Oct 21, 2000, 11:13 AM
Lalu na yung lola na halos siya na lang ang laging gumaganap na mukhang engkanta,,,lalu na kapag nagsasalita si Noli De Castro at merong White Lady sa likod nito...:eek::eek:

Basta, maganda kung manonood tayong lahat no?>??

.....:eek::eek::eek:

xhesrylle
Oct 21, 2000, 04:26 PM
ako? di na. nadisappoint ako last year both sa brigada at magandang gabi. di na sila nakakatakot gaya ng dati. i'd rather go out na lang kesa manood ng halloween special na hindi nakakatakot.

Lorskie
Oct 22, 2000, 12:46 AM
Of Course!

Parang tradition na yata sa bahay namin na kapag MGB Halloween Special na e tutok na sa Channel 2. Sobra naaalala ko yung mga dati nilang fineature dun, like the silhouette of this young boy passing by while shooting the waving flag of the Philippines... kakatakooot! :eek: Basta yung mga ghost stories nila... grabe... nakakapanindig balahibo...

Yun nga lang, naiisip ko, I get scared to death kapag nakakapanood ako ng ganun pero nood pa rin ako ng nood :crazy:...

chikitita
Oct 22, 2000, 03:33 AM
baka naman kaya mas scary yung 80s and 90s specials, e kasi nauuto pa tayo nun :lol:

pero di nga, scary yung paper dolls na sumasayaw na no strings attached naman! saka yung mga mumu sa notorious haunted houses...saka yung mumu ng mama sa cherry hills! grabe yun. i also remember this one house MGB featured, while the camera was panning, it caught sight of the shadow of a woman on the wall!

enough with the engkantos and re-enactments..napanood niyo ba yung episode ng bangkay na nabuhay na hinabol yung mga taong naglalamay? nakaka-insulto naman sa intelligence ng audience..do they really expect us to believe those :lol:

shyemeni naman, excited sana ako sa halloween specials kaso wala ako sa pinas. tradition na kasi sa 'ten. US is to trick-or-treating as Pinas is to MGB/Brigada 7 specials :lol: balitaan niyo na lang kami!

Barok
Oct 22, 2000, 01:23 PM
oyst!...isang linggo na lang pala.....yehey!!...excited na ako....sana hindi korny....pero kahit na medyo korny, manonood pa rin ako kasi year 2000 na at baka maglabas sila ng millenium special...

lorskie: oo nga, naging tradisyon na talaga yan....

chikitita: nandyan ka pala sa tate...may snow na ba dyan?...sige, ikukwento ko na lang pag napanood ko na

daeva
Oct 22, 2000, 02:05 PM
Grabe. Watching the MGB Halloween Special is the only annual family tradition we have. Talagang lahat kaming magkakapatid nasa isang kwarto with all the lights off. Tapos sobrang matatakot kami (or matatawa) tapos matutulog kami sa isang kwarto rin. Tapos papagalitan kami ng mommy namin kasi bakit daw kami nagpapatakot. hehehe. Every year yan!

Anyway, sobrang naalala kong episode yung nakuhaan na nagwawalis sa tabi ng daan! Tsaka yung habang iniinterview yung isang babae .. may biglang dumaan sa harap ng camera.

Yung mga reenactments nakakatawa pero may isang reenactment na sobrang natakot kaming lahat. Parang nasa basement yata yung maid tapos may gumagalaw ng pinto doon sa likod nya tapos pagtalikod nya, may sobrang nakakatakot na black lady na nakatawa pa yata na nangaasar! Grabe! Nakakatakot!

homeBuddy
Oct 22, 2000, 04:25 PM
the scariest episode i've seen were the one with the black lady sa banyo...the one where they showed the ghost in abs-cbn studio 10 ata, the one where they were taking a shot of the flag tapos may shadow na dumaan, then when the guy looked at the door, may girl sa patay na nakahiga sa floor...scary pa yung mga re-enactments noon!

chikitita
Oct 24, 2000, 12:51 AM
homeBuddy, daeva..refresh my memory please! ano tong scene with the RP flag shadow and the sweeping woman?

may isa pa kong re-enactment na naalala..scary din. yung white haunted house ata sa bagiuo, yung may headless person na dumaan ba yun..saka yung may isang babaeng natutulog in one of the rooms, tapos pagdilat niya may black lady sa may bintana, tapos nagtago sa kumot yung babae tapos pagsilip ulit nasa tabi na niya yung black lady. ********* mumu yun a, persistent! :lol: ewan ko lang kung urban legends na inadapt sa philippine setting ang mga kwentong yun.

imogen..classic yung panty scene...yung nasa planggana pa siya tapos may drama effect na nagtataka yung nanay kung bakit madilaw dilaw :lol:

Barok..sa bandang dec/jan pa ang snow dito :D kwento niyo yung MGB specials ah! come to think of it...pa-tape ko na nga lang :D

Barok
Oct 24, 2000, 09:54 AM
may tanong ako...nakikita niyo rin ba yung mga engkantong nahuhuli tapos nilalagay sa garapon/bote na may tubig?....dehins ko kasi sila makita e...tapos ginuguhitan pa sa tv pa ra lang makita yung itsura nung mumu....ano kaya ang mangyayari kung nakahanap ako ng ganun dito sa Manila tapos binasag ko?

daeva
Oct 24, 2000, 10:56 AM
Originally posted by chikitita
homeBuddy, daeva..refresh my memory please! ano tong scene with the RP flag shadow and the sweeping woman?


What I remember of the sweeping woman was that MGB was doing this story of the famous white lady of this certain highway. They were interviewing people sa place na yun tapos sinasabi nila na lagi raw nakikita tong white lady na ito sweeping sa may side ng highway. She was really old daw with long white hair. Tapos the MGB crew passed by this highway late at night tapos tamang-tama may nagwawalis na old lady na naka white sa kabilang side ng highway (from where they were) so umikot sila agad (the camera was still rolling) tapos pagikot nila .. wala na yung babae!

angst
Oct 24, 2000, 12:08 PM
They are not as scary as what they advertise to be. Kung minsan pa nga, trying hard to be scary.

chikitita
Oct 24, 2000, 03:44 PM
Barok, yeah, i remember that one! kahit anong tingin ko, wala naman akong makitang shape sa loob ng garapon e! panay pa ang pagguhit nga nila, la naman talaga.

daeva, scary nga yun! parang naalala ko na..

Cronides
Oct 24, 2000, 05:01 PM
I really don't know if I should have a reason to anticipate the holloween episodes of MGB and GMA, I mean they're all the same anyways. I do believe the episodes back then were a lot scarier than nowadays but then, no fresh material for me to appreciate. Sana man lang, they injected something really scary in the episode...say, the face of ERAP Estrada without any mustache and beard, that would scare the hell out of me! Wait, this is a better one, Gloria Arroyo side by side with ERAP and Dr. Loy Estrada in their night gowns, ohhhh scarrry!!!

Peace!

patch
Oct 24, 2000, 08:47 PM
ang sa akin lang, hindi naman ako natatakot eh ...
siguro may scary feeling at kaunting makatindig balahibo, pero hindi ako yung matatakutin na type ...

but, i am looking forward seeing these shows halloween feature ...

:D

uptowngirl
Oct 24, 2000, 11:26 PM
I can't wait! Sana di sira ang TV namin sa probinsiya at nasa probinsiya na naman ako niyan! :p

Barok
Oct 26, 2000, 09:21 AM
Cronides: that's a good one...medyo kinky nga lang...

Patch: hindi ka natatakot pero may scary feeling...nyek!...anong tawag don, partially scared?

kitty
Oct 26, 2000, 09:28 AM
i used to be really creeped out every year, pero habang tumatagal parang bumabaduy. especially mgb, they have those reenactments which get stupider each year :cyclops: ... guess they want to make it "realistic" or something. nawawala tuloy yung thrill :lol: ... dati, nagkukuwento lang yung mga tao, kaya nakakakilabot talaga... scawee... :eek:

Barok
Oct 27, 2000, 11:40 PM
kay bilis nga naman ng panahon...di ko talaga inakalang Sabado na pala bukas...NYAH!! na-engkanto na ata ako....bukas na po ipapalabas ang halloween specials ng MGB at Brig 7...sana manood kayo...at pagkatapos niyong manood ay mag-post na rin kayo dito ng inyong opinyon tungkol sa palabas...OK!

hi uptowngirl!...maganda talagang manood ng MGB Halloween special sa probinsiya (lalo na pag kasama ang mga pinsan) dahil nakakadagdag ito ng takot dahil karaniwang nangyayari ang mga kababalaghan sa probinsiya...

sugar_overdose
Oct 28, 2000, 11:57 PM
:(
ang bad! nagbrownout dito sa min ... so wala kami napanood.. nakinig na lang kami ng radio which I think is much more scary coz you're using your imagination, tapos tamang mei bagyo at walang kuryente ! hehehe..

imogen
Oct 29, 2000, 12:36 AM
i wasnt able to watch kasi nagbadminton kami ng prendships. pero sabi ng sis ko, maganda daw. di na sila nag concentrate sa mga nasasapian.

.UY TEACHER KO SA COMM RES 101 SI MAAM ALELI QUIRANTE!!!!!
..
ang saya ng class namin dun, puro supernatural ang pinag uusapan namin, minsan nagpapakwento na lang kami ng mga na experience na nyang scary. siya nagsabi sa kin na half open ang third eye ko. :eek:

southdude
Oct 29, 2000, 12:58 AM
waaaaaaaaaaaa! brownout samin kaya di ko napanood parehas!!!!!!!!! nandoon pa naman ang geo prof ko!......sheeeeeezzzzz sa radio ko na lang narinig.......

southdude
Oct 29, 2000, 01:01 AM
si maam de leon ang prof ko sa geology..... may third eye pala siya...

Barok
Oct 29, 2000, 08:01 AM
napanood ko yung parehong shows pero one hour lang....nag-blackout din kasi e...anywayz, medyo nakakatakatot yung re-enactment nila dun sa mga engkanto sa Brgy. Calaguiman...astig yung make-up artist na gumawa don sa "green guy" (sort of an evil elf) if you've seen it....tsaka yung manananggal...nanlilisik

chikitita
Oct 29, 2000, 08:20 AM
nyak, ang malas naman, after weeks of anticipation brown-out lang pala ang abot :lol: pano na yan, no transcripts for us living abroad? huhuhu...

tr|n|ty
Oct 29, 2000, 09:02 AM
aba miss ko na yan...naalala ko pa nung bata ako...minsan kasi ako lang tao sa bahay pag saturday night..eh nasa second floor kwarto ko..lahat ng maids nasa baba....grabe, binubuksan ko lahat ng pinto at ilaw habang nanunuod nyan...takot na takot ako..hindi ko talaga makalimutan yung bumisita sila sa bahay ni julie vega ba yon? basta...sabi ni ka noli "kung hindi kayo naniniwala, may makikita kayong batang babaeng naka puti sa may hagdanan"..anak ng weteng..nakita ko kaya..shempre nag sisigaw ako sa yaya ko noh :lol: mula non, pag manunuod daw ako ng MGB na halloween special, sama ko na daw yaya ko sabi ng mommy ko hehehehe

daeva
Oct 29, 2000, 11:25 AM
Hindi masyadong nakakatakot yung MGB!

Pero sobrang kinilabutan ako doon sa story na yung mommy hinahanap nya yung anak nya ... tapos naka side car sya ... tapos pagtingin nya may nakasakay na sa side car na bata tapos nakatingin sa kanya .. grabe .. kakakilabot!!

Nakakatawa yung hitsura ng mga multo! eheheh

homeBuddy
Oct 29, 2000, 03:32 PM
dein ko napanood!!! i was so looking forward to it! mukhang scary kasi yung trailer eh!!! kakapikon!!! now i can't watch it na! did anyone tape it?! my only hope is through the ABS-CBN News Network pero wala sa Destiny eh!!! ****!


*Edited thread title*

[Edited by Ada on 10-31-2000 at 06:36 PM]

RöttenMind
Oct 29, 2000, 07:54 PM
di na sya nakakatakot.. kakatawa na nga yung mga multo eh! buti pa yung mga features nila dati, as in natatakot ako.. or maybe, malaki na ko and di na ko ganung affected..

neth_row
Oct 30, 2000, 12:06 PM
thank you Meralco! thank you Sky cable!! i hope you burn in hell!

imogen
Oct 30, 2000, 12:40 PM
Originally posted by neth_row
thank you Meralco! thank you Sky cable!! i hope you burn in hell!


:lol: :lol: :lol:


sige papahiram ko sa yo yung tape, pinatape ko sa friend ko kasi di din ako nakanuod at nag badminton ako. :D

name
Oct 30, 2000, 02:28 PM
Kami rin nawalan ng SkyCable so we settled for the channel 2 (not Channel 6). Kahit medyo grainy ... ok lang. Pagtyagaan

Barok
Oct 30, 2000, 10:10 PM
imogen: half-open???...paano yun?....medyo lang...baka naman inaantok pa yang third eye mo.. :lol: ...

chikitita: oo nga e, KJ talaga ang Meralco (at Sky Cable)...buti na lang ipinalabas ulit nung linggo (SNN Ch.21, 13:30)...anyway as promised magkukwento pa rin ako...

trinity: swerte ka pa nga at walang pugot na ulong bumulaga sa'yo habang binubuksan mo lahat ng pinto't ilaw niyo...

daeva: yep, actually it was really funny, kasi parang nagpapa-cute pa yung batang ghost na nakiki-sakay, but I can only imagine that if I was in the shoes (slippers pala) of the mother, malamang naging motorsiklo na yung bisikleta... :lol:

rottenmind: /*from the J&J commercial, ata*/ the lady (baby) is now a woman(lady)! :lol:

question lang po sa kung sinomang makakasagot...sinabi ng isang master shaman ek-ek don na lahat daw ng tao ay may third eye (kala ko kasi dati e selected group of individuals lang ang meron non)... so ang tanong ko po (if you've read my post abt the topic:"nakakita na ba kayo ng multo?" or anything similar to that)...posible po bang magsara ang third eye base sa preference ng isang tao? o samadaling sabi, nakikita ko lang ang mga bagay na pinaniniwalaan ko at mga bagay na gusto kong makita....kasi before, as a kid, I've experienced this a lot of times na before when I was 8-10 years old pa lang (around 3 - 5 different, but significant, experiences with the supernatural /*I'm not kidding guys, and I'm not talking abt that "oh, it's just the shadow of a tree, honey!" kind of experience*/) although this may not seem to be that much, especially for those people whose ghostly experiences occur more often than the number of times they eat in a day, nonetheless, I think this is enough proof to say that I have (well, at least had in the past) a so called third eye ... but since that floating shadow incident,I willed (or maybe wished, I dunno) myself only to see what I want/preferred to see and it worked...somehow maybe the change of address also contributed to this or maybe the spirits in my new home are just to good to us (esp. me) that they wouldn't allow themselves to be seen or maybe the so called "energy" in our house is so low that my extraordinary senses just couldn't detect it...either way, my question is still up for grabs...

anyway, I'm not planning to close my doors on it forever, it's just that I'm not yet ready for this kind of gift (kung gift nga ba) if you agree with what I'm saying...maybe in the near future kung wala na akong iniintinde...I'm also thankful to God that since our change of address, nothing significantly weird has happened, yet...

although, there are still times na "naninikip" ang dibdib ko or hindi ako makahinga everytime we visit our old house (nililinis namin paminsan-minsan) or I get invited to a friend's place (some selected houses only) but as long as wala akong nakikita/naririnig na kakaiba, e OK parin ako (samakatuwid, insignificant pa yun sa akin)...OK lang yung magparamdam to the sense lang that I know that "someone" (wag lang "something" kase mase nakakatakot yon) is present in the room where I'm at but it helps if I don't know where (no see) they are...basta yun na yun..

imogen
Oct 31, 2000, 12:00 AM
Barok: :lol: oo sleepy pa siya. actually kirat. :lol: ewan ko, sabi niya ganun daw eh. alam mo yun, parang hindi pa siya fully open kaya nakakaramdam pa din ako, pero di sing lakas ng FULLY OPENED third eye na talagang nakikita nila ang mga moomoo. tsaka sabi ni felix fojas malakas daw pyschic energy ko. :D

Pandaemonaeon
Oct 31, 2000, 03:54 PM
I don't really pay much attention to it because 97% of the things they show there are all fabricated with a hint of souped up special effects.

But I gotta' admit that it was scary way back in 1991, but then it slowly started to suck because of the same old Engkanto topics.

Barok
Nov 2, 2000, 08:27 PM
imogen: malakas ang psychic energy mo...yun ba yung counterpart ng malakas na (sex) appeal sa mga moomoo... e pano na yan....edi mga dwende't kapre ang mga manliligaw sa'yo??? :lol:

imogen
Nov 3, 2000, 12:50 AM
Originally posted by Barok
imogen: malakas ang psychic energy mo...yun ba yung counterpart ng malakas na (sex) appeal sa mga moomoo... e pano na yan....edi mga dwende't kapre ang mga manliligaw sa'yo??? :lol:

ano ba! wag naman sana extremes!!! pwede bang pagka gwapo gwapong prinsipe ng mga mga engkanto? :lol:

Barok
Nov 4, 2000, 09:27 PM
siyanga pala napanood niyo ba yung replay ng last part (abt peeps w/ third eye like imogen) ng MGB Halloween Special (due to popular demand daw) kanina, Nov 4....actually isa ako sa mga nag-email sa ABS...hindi ko lang inakalang marami rin pala ang may gustong manood nito...enywayz may bago silang segment kanina, tungkol sa isang taong umaming siya raw ay isang aswang...sinabi niya kung paano siya naging aswang...una daw, nagmemorya siya ng mga salitang Latin...tapos panay daw ang salita niya nito sa ilalim ng punong mangga (gabi yon op kors)....tapos naramdaman nalang daw niya na nanginginig siya, tapos nagkakabuhok ang katawan niya tapos humahaba ang baba niya..so and so....sinabi pa nga niya na pula (ala Predator ang dating) raw ang kanyang paligid kahit na madilim...tapos hindi pa daw niya alam kung nakapatay o nakakain na siya ng tao dahil kung minsan daw ay wala siya sa kanyang sarili...ngunit ang nakakatakot dito ay yung part na gusto na niyang maging normal na tao...one time daw nung umattend siya sa isang charismatic meeting (parang CFC) sa probinsiya, habang nagpe-pray over daw sila ay bigla siyang bumagsak at naghingalo...tapos lalong natakot yung mga tao doon dahil bigla daw siyang lumutang at nag-iba ang hitsura niya (humaba ang baba't dila, nagkapangil,...basta nagmukhang aswang daw).....hinawakan daw nila sa tiyan habang nag-pepray over sila un sa lalaki...tapos nalaman nila na bakla pa la yung malignong satanas na pumasok sa loob ng katawan ng lalaki...:lol: natawa ako kasi dun ko lang nalaman na may homo rin palang engkanto :lol:

imogen
Nov 4, 2000, 09:50 PM
MAY REPLAY!?!?!?!?!?!! at baket walang nagsabi sa kin?!

*yamot mode on*

homeBuddy
Nov 4, 2000, 10:41 PM
i saw the MATA NG KABABALAGHAN part and some of the aswang parts...nakakatawa nga yung mga re-enactment nila! haha! hindi masyadong scary pero it was the usual! the usual make-up, usual itsura...nakakatakot yung lola!!! baka dein ako makatulog mamaya!!!! ay nako...mas nakakatakot pa yung MGB kaysa sa Exorcist! haha!

Barok
Nov 4, 2000, 11:58 PM
homebuddy: the lola's kinda freaky indeed...

imogen: yan kasi!!! (hindi mo ginamit yang third eye mo, sayang ipinagmalaki mo pa namang half open to):lol:...baka naman nag-bandminton ka na naman...actually hinde ko rin alam na ire-replay, parang instinct na lang ang nagsabi sakin na manood ako ng MGB dahil may tsansang i-replay (YES!!! nagamit ko rin ang third eye ko)...tsaka nung nag-email ako sa ABS...hindi naman sila nag-reply e...o di kaya, di lang umabot saken yung reply mail nila na magpapalabas nga sila ng replay...sowee na lang at di ko rin naikalat ang balita

Barok
Oct 27, 2001, 05:45 AM
*bump*

buhayin ko lang tong topic nato para may mapag usapan naman...newey malapit na naman ang november....baka nga bukas na ipalabas *** halloween special (wag naman sana kc may community service kami e, gabi nako makakauwi)...I wonder what they have in store for us...I hope it's something new and not boring...sana wag din magblack-out or biglang mawala ang skycable...and speaking of skycable...hanggang December nalang ang contract namin sa inyo and all I can say is...GOODBYE!!!...Hello DESTINY, here I come!

Barok
Nov 4, 2001, 12:33 AM
*bump*

NotYourGurL
Nov 4, 2001, 12:41 AM
:) okay lang...buti nga nakita ko tong posting na to eh..kung di mawawala lang sa isip ko yung MGB. Di na kaya masyado maganda...kasi puro effects na lang...dati di ko talaga makalimutan yung white lady na nagpakita sa girl's cr ng isang school... sigh...kami pa lang naman ng kapatid ko sa bahay!!! hahahahahahahah...

floreno
Nov 4, 2001, 04:26 AM
Enjoy ba kayo kanina...na medyo KORNY ang Dating.....

Here are some of those clips:

Multong walang Ulo
http://www.geocities.com/floreno/mgb10.jpg

Multong Nanay
http://www.geocities.com/floreno/mgb11.jpg

Multong Nanay(Kalong si Bunso)
http://www.geocities.com/floreno/mgb12.jpg

Isa pang Multong Nanay
http://www.geocities.com/floreno/mgb13.jpg

Multong Nanay (sinangga ang suntok sa anak)
http://www.geocities.com/floreno/mgb14.jpg

Multong si INDAY
http://www.geocities.com/floreno/mgb15.jpg

Another MANANANGGAL...
http://www.geocities.com/floreno/mgb16.jpg

Floating KABAONG
http://www.geocities.com/floreno/mgb17.jpg

Reynang Maganda sa Puno
http://www.geocities.com/floreno/mgb18.jpg


Appologies to the BAD Quality Images

Layla
Nov 4, 2001, 04:41 AM
im really looking forward to MGB's holloween special... since bata pa lang ako talagang i always make sure to watch this together with my family... personally... talagang matatakutin ako sa ghosts,elementals pero talagang kahit ganoon gustong gusto ko manood ng ganitong shows... kahit na ***** mahihirapan ako makatulog ng ilang araw dahil sa takot... curiosity *****=)

*keyah*
Nov 4, 2001, 06:06 AM
These past couple of years, parang di na ako masyado natatakot eh. Maybe because I'm getting older. And then again, I'm still human so I still get that feeling of paranoia na someone's following me or watching me. :evil_lol:

*okay*

k3rwin
Nov 6, 2001, 01:08 AM
di ko napaanood... pababa ako ng manila eh. tsk tsk tsk...

sadirmata
Nov 6, 2001, 03:29 AM
korni at mga cliche ang palabas nila...

mas nagustuhan ko yung palabas sa abc 5 tungkol sa trabaho ng mga embalsamador at morticians, nyehehehehe! pinakita pa doon (although screened naman) yung pag-embalm mismo sa bangkay, yung pag-makeup at pagdamit sa bangkay, etc. o, di ba mas creepy ito? anong ibubuga ng mgb at brigada 7 diyan?

floreno
Nov 1, 2002, 09:21 AM
Binuhay ko lang yung thread.

Dont know about sa Brigada syete but def. sa MGB meron
silang Halloween Special dis saturday NOV 2.

Manuoid ba kayo?

blatfink
Nov 1, 2002, 02:52 PM
floreno nyek! wala na po brigada siyete.. :lol: :lol:
i will watch mgb.. just to get the creeps.. hehe..:D
sana maganda yung episode tomorrow..

mintymalone
Nov 1, 2002, 02:59 PM
I never watch MGB's Holloween Special. It scares the hell out of me.

helenez
Nov 1, 2002, 03:29 PM
ive been watching mgb's halloween special ever since i was a little kid. hanggang ngayon, pinapanood ko paren. la lang, i just like getting spooked once in awhile kahit korni, okay lang, cos then at least i know that i'm maturing a bit. :D

frenchkisser
Nov 1, 2002, 05:43 PM
shempre excited din. sana lang tama na yung pagpapalabas nila about sa mga napopossess, mga kapre, ek-ek! di na minsan kasi nakakatakot kapag pinoportray pa nila un. sana puro moomoo na lang hehehe.

btw, saw exposed sa channel 23. super nakakatakot! actual experiences ang pinakita! :)

maxwell_korn
Nov 2, 2002, 12:43 PM
nyehhehhee.... inaabangan k yan.... matatakot ko na naman ang mga pamangkin at mga pinsan ko..

*** mga director ng mga episode na pang halloween s mgb mahuhusay ah... nakaktakot *** mga kuha nila sa mga mukha ng mga maligno at kung ano man sila..... heheh

tutuo naman kaya *** mga storya na 2

souljah_boy
Nov 2, 2002, 01:51 PM
since '93, i've never missed a Halloween special episode of MGB ang cool kase eh, though i usually get chills down my spine...masarap kase pagusapan eh...we always do that when the 2nd sem starts

CutieCube
Nov 2, 2002, 04:14 PM
Wow excited na ako mapa nuod mgb haloween special...

i lang minuto na lang takutan na!

Ernestina
Nov 2, 2002, 04:53 PM
1 hour na lang!!! takutan na!!!

di ko to pinapalampas every year!!! :ghost: ewan ko ba pero minsan imbes na matakot ako dun mga reenactments, eh natatawa ako! :glee:

Magandangg Hating Gabi Bayan!

CutieCube
Nov 2, 2002, 08:21 PM
ay.... di naKaka takut...


pero ok lang... ok n rin... keysa sa kabilang channel....:D

rains_delight
Nov 3, 2002, 03:53 AM
Mas maganda ang presentation ng Imbestigador, they presented facts.

Yung magandang gabi bayan, nakakasawa na.... yun at iyon na ang pinapakita every halloween nila. Kaya ang nanyari, nakakatawa na.

floreno
Nov 3, 2002, 08:57 AM
Originally posted by blatfink
floreno nyek! wala na po brigada siyete.. :lol: :lol:
i will watch mgb.. just to get the creeps.. hehe..:D
sana maganda yung episode tomorrow..

Sori po...Pahiya tuloy ako... :hiya:
Bihiya napo kasi ako makanood sa mga local channels natin eh...or should I say...Bihirang makanood ng TV (PEX ako kasi all the time eh)

:)

Ernestina
Nov 3, 2002, 11:54 AM
nakakatakot yung na-video nilang "itim" na multo na naglalakad! :wow:

blatfink
Nov 3, 2002, 12:49 PM
floreno hehe.. ok lang po.. :) akala ko ur from the US kaya di mo alam na wala na brigada siyete..

i do find those campus horror stories cool.. nakaka relate kaming mga students.. dami talagang mga scary stories sa school e.. now im afraid to go back to school.. hehehe! :lol:

cHarL!e's AngEL
Nov 3, 2002, 03:56 PM
sobrang natakot pa din ako..especially the lola in the bridge & the kid that they passed through on the road then biglang nasa loob na ng car! :hairstand:

junben_c
Nov 3, 2002, 07:17 PM
i remember nung bata pa kami after watching magandang gabi bayan halloween special sa sobrang takot namin ng kuya ko eh nakitulog pa kami sa room ng parents ko hehe. sa sahig pa take note ah kasi di kami kasya sa bed. ngayon halos di na me natatakot :) i guess nagmature na rin

Johnston
Sep 20, 2003, 10:32 PM
ako oo! katatakutan na naman sa MGB.. malapit na! *okay*

whyte
Sep 21, 2003, 12:42 AM
oo nga malapit na pala yun.

baybee
Sep 21, 2003, 02:52 AM
bata pa lang ako yan na inaabangan namin!!!!!! grabe ansarap makanuod ng kwento ng mga tao about sa mga multo. kahit nakakatakot okay lang... minsan nga parang comedy e. hehe basta papanoorin ko un!

Pandaemonaeon
Sep 21, 2003, 09:22 AM
MGB HALLOWEEN SPECIAL PREDICTION:
Engkanto
Babaeng sinapian ng tikbalang na may gusto sa kanya
Pareng pugot ang ulo
Duwende (nagalit dahil winasak ang punso nila)
White/Black lady

http://www.musicfanclubs.org/slipknot/sheep.jpg

Johnston
Sep 21, 2003, 04:49 PM
im too excited! :D

mamonnnnn
Sep 21, 2003, 04:54 PM
aaawwwooooooooooooo... hoooooooooo...

girl09
Sep 26, 2003, 01:12 PM
honestly..pag dating dyan...kahit saan panonoorin ko..i love those shows na nag fi-feature ng ganyan..

advance happy halloween to all!!!!

avonlea
Oct 14, 2003, 02:33 PM
ano kaya palabas nila old feature sa house nina Julie Vega?... tagal na nun ah... 1989 pa ata...

i_love_blue
Oct 14, 2003, 03:18 PM
For me, la tlgang kupas yung MGB..grabe..*** commercials lang nun..di na ako nakakatulog.. manuod pa kaya..shooxxx...nung nakasilip kame..nagstuck **** sa mind ko yung white lady sa may kitchen..tas yung gurl wala na tlgang madaanan kndi yung mismong harapan ng white lady.. (ktbi kc ng white lady pintuan, only way yun *** makalabas)..scarrrryyy!!! hehe..

baybee
Oct 14, 2003, 03:21 PM
malapit na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :eek:

hyunah
Oct 14, 2003, 09:50 PM
MGB's Haloween Presentation... gosh yan ang mami miss ko sa pinas... mahilig kc ako sa makatotohanang horror stories lalo na sa pinas pa nangyari.......pls kung may alam kayong site tungkol sa horror stories pls tell me para mawala naman ang boredom ko dito... and pls kwento rin kayo after nyong makapanood non.. Thanks.....Mwa....gosh scary to death talaga ang palabas ng MGB... 15

joyce2
Oct 15, 2003, 06:32 AM
siyempre!

Johnston
Oct 25, 2003, 09:04 PM
medyo kakapangilabot *** kuwento nung girl kanina.. *** may 3rd eye sa MGB...

next week, abangan!

girl09
Oct 26, 2003, 10:40 PM
i am gonna watch them both!!

kase i love horror specials!!

orlino
Oct 28, 2003, 03:16 PM
di ba wala na *** BRIGADA SIYETE nila... matagal na yang namahinga...:laugh:

markpaul
Oct 30, 2003, 10:45 AM
guys, nakita niyo ba yung MGB last Saturday about THIRD EYE. Yung multo dun sa dramatization nila is kamukha ni Mike Enriquez yung multo, tawang tawa kami ni Mama nung nakita namin yun!!!

whyte
Nov 2, 2003, 10:15 AM
parang ganun ganun din yung MGB palagi. walang pagkakaiba. pero nakakatakot pa rin yung feature.

sa imbestigador naman. facts pa rin pero related sa patay.
ang laki ng tiyan ng babae! :wow:
tapos i cant seem to understand why a couple believes na babalik pa yung anak nila eh, na embalsama na yun :confused:

blatfink
Nov 2, 2003, 11:17 AM
ok lang yung MGB halloween, pero mas gusto ko *** dati nila about campus horror stories, mas nakakarelate kc student ako.. *** episode khapon majority tungkol sa mga engkanto, aswang,etc. sa mga province, di ako mashado naka relate.. hehe..
pero ok *** pinakita sa knowledge power about sa episode ng MGB dati, nung 1992, may umuungol talaga na white lady at may usok talaga.. nakakakilabot!!! :wow:
*** sa imbestigador din ok lang, di rin nakakatakot, pero ok *** sa baby.. nakakaawa *** baby kc di na nila pinatahimik *** kaluluwa.. feeling ko tama *** embalsamador na mas marami lang *** nalagay na formalin kaya di pa naagnas *** baby..

lytblu
Nov 2, 2003, 02:08 PM
wtch kayo ng mel and jay mamaya. minulto sila while taping for that episode. pinalabas na sa frontpage and kinilabutan **** ako.

Johnston
Oct 24, 2005, 08:27 PM
Hey guys, have you seen the teaser for the Halloween Special of Magandang Gabi Bayan on October 29, 2005? Grabe, kinilabutan ako dun. Akala ko for Nginiiig!!:wow2:


:ghost: