PDA

View Full Version : we authored this story 3 years ago... enjoy


Feb 24, 2000, 12:08 AM

reg
Feb 24, 2000, 12:08 AM

schadow1
Feb 24, 2000, 12:08 AM
Dahas ng Nakaraan
Ni Malicdem, Mercado, Paras, Tiu, Uaje

Ayan na naman siya. Bad trip talaga ako sa taong ito. Masyadong mayabang. Naka-designer na damit, puno pa ng alahas ang katawan. Daig pa ang mga baklang prosti sa Recto. Ang masakit pa doon, nakalingkis sa kanya ngayon ang dati kong gf na si Pamela. Maganda at seksi si Pamela. At hindi lamang 'yon, anak siya ng Ambassador ng Pilipinas sa Spain. Mayaman din ang lalaking dimonyo... Nakatira 'ata sa Dasma Village at naka-Mitsubishi Eclipse pa ang ****. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ako hiniwalayan ni Pam. Ang gara kasi ng kotse ng hinayupak, samantalang akin, Lancer EL lang, pawis steering pa. Ang sakit ng paghihiwalay namin. I never even got to know the reason kung bakit kami nag-break. Ang resulta tuloy, laging nasisira ang araw ko kapag nakikita ko ang dalawang 'to.
Maghintay-hintay ka lang, Richmond Monteverde, may araw ka ring anak ka ng.....
"Huh?" May narinig 'ata ako...
"Hoy, Vincent Ladrido, tinatawag kita!"
Tinanaw ko ang pinanggalingan ng boses at una kong nakita ang kinulayang buhok at mukha ng isang kilalang babae. Si Tiffany 'yon, kabarkada ko. Mukhang patungo na naman sa aking kinaroroonan ang

maarteng ****. Malakas ang lagutok ng makapal na takong ni Tiffany habang ang kanyang katawan ay kumekembot-kembot na parang isang kalapating mababa ang lipad na kadalasang makita sa mga lansangan ng Ermita. Lumingon na lamang ako sa ibang dako at nagkunwaring hindi ko siya nakikita. Bad trip ako sa babaeng ito...

"O, Vince, baby, mukhang malalim na naman ang iniisip mo ah?
Mapagbalatkayong ngiti ang ipinakita ko. Anong ba'ng pakialam niya?
" Si Pamela na naman ba? Hay, naku! Wala ka nang mapapala sa
babaeng iyon", pangungulit pa niya.
Mistulang batong walang reaksyon ipinakita ang mukha ko. At ang
nakakainis pa doon, patuloy pa ring dumada ang pa-sosyal na babaeng ito....
"Time and time again, sinabi ko na sa iyo …", Tumigil ng bahagya ang
kanyang bibig, " Ako na lang ang ligawan mo at sasagutin kita kaagad", mabilis
na hirit nito.
Walang ni isang kurap akong pinakawalan. Parang istatwa ang
kanyang kausap. Pero hindi pa rin niya ako tinigilan.
" May libre pang instant honeymoon, cutie!", sabay kurot sa pisngi ko.
"Shut up, Tiff!" naaasar kong sumbat. " Wala ako sa mood
makipaglokohan sa iyo ngayon", sabay tila bastos na tumalikod.
. Mabuti pang sa frat na lang ako tumambay at makaka-good-time pa ako.
"So class, the distinct pattern left by serial killers is that they always use the same kind of weapon and kill in the same manner leading to a conclusion
that these killings were pre-planned", ang tila pampatulog na pagkakasabi ng aming guro habang nagtuturo sa klase namin sa Human Behaviour.
Napasimangot ako't napaisip sa unang pagkakataon nitong araw na ito , Isa pa itong psychology teacher ko. Nakakaantok na ang boses, eh di pa maintindihan ang kanyang mga sinasabi. Ang dapat palang trabaho niya ay ang
magpatulog ng mga may insomya. Putsa, Sir, kung ako man ang maging serial killer, ikaw ang unang-una kong gigilitan ng leeg. Dahan-dahan habang nakikita ko ang dugo na lumalabas sa leeg mo at tuluyan ka nang malalagutan ng...
"Huh?", at napabalikwas ako nang makarinig ako ng isang kakaibang tunog.
"Ummmph", iyon ang tunog ng malagkit na ungol ni Pamela matapos halikan ng buwisit niyang kasintahan.
"Richmond, I always know how you feel but sometimes you embarrass
me", bulong ni Pamela.
"I dont care. Wala akong pakialam sa kanila basta ako, I wanna show the
world that I love you", ang korning sagot ng hayup.
Mga anak ng malalantod na hinayupak talaga, sa dinami-dami ng lugar
kung saan sila puwedeng maglandian, dito pa sa harap ko, na siyang ex-boyfriend ng ****. ****, kailangan ko nang umalis dito baka di ko pa mapigil ang
sarili ko at...
"Mr. Ladrido, where the hell are you going?", tanong ni Propesor antok
habang hawak-hawak ko na ang siradura ng pinto.
"Sir, ahmmm.. medyo maalingasaw na ang hangin dito, amoy pinaghalong panis na laway. Kailangan ko ng fresh air at baka magkaamag pa ang baga ko rito", sabay bukas ko ng pinto.
At yun na, nakapag cut pa ako ng klase dahil sa asar. Grrrrrrrrr... mga
anak talaga kayo ng…
Ang haba naman ng pila dito sa canteen! Pang-asar naman o, baka maubusan pa ako ng paborito kong ulam.
"Oy, Vince, dito ka na maupo pagkatapos mong umorder!", sigaw ni Bien, kasamahan ko sa frat. Kasama rin niya ang iba pa naming ka-bro.
"Pare, umurong naman kayo ng kaunti, gutom na gutom na ako at gusto ko nang kumain", sabay upo ko sa bakanteng silya na naiwan.
"Tol, alam mo ba kung bakit diyan ka namin pinaupo? May sorpresa kami
sa iyo... 12 o' clock ahead of you, ang ganda ng view." Si Pons iyon, at sinabayan pa ito ng matinding halakhakan ng mga kasamahan ko.
Napatingin ako at nakita ko sina Richmond at Pamela, about 3 tables away. Magkalapat ang kanilang mga labi, naghahalikan with passion at walang pakialam sa mga nakatingin sa kanila. Nagtaka ako. Bakit ganoon? Noong kami pa ni Pam, nagtatago pa kami para makipaghalikan at hindi ganoon ka-passionate. Ngayon, halos lunukin na niya ang dila ng lalaki sa kaka-french kiss...
"Bwisit talaga kayo!" Bad trip kong pagkasabi at napahigpit ang hawak ko
sa kusara at tinidor.
"So, what, pare, okey ba ang sorpresa namin?", hirit pa ni Osky.
"Mga brad, akala ko ba eh, magkatropa tayo. Bakit nyo naman ako
palaging inaalaska sa break-up namin ni Pam. Nawalan na tuloy akong ganang
kumain, mga **** kasi kayo.... ", puno ng hinanakit na sumbat ko sa kanila. Oo
nga naman, mali sila. Dapat magdamayan, hindi mag-asara.....
"Hindi, tol, inihahanda ka lang namin sa drinking spree natin mamaya sa bahay nina Carlo." sagot ni Bien sa bay tapik sa balikat ko. " Tutal, Friday naman, ibuhos mo na lang iyan lahat sa isang case ng Blue Ice! Ha! Ha! Ha!"
Napangiti ako. Tama siya. Humanda ka ngayong beer ka. Ubos ka sa
akin.
KLIK! KLIK! KLIK! Ito ang tanging mga tunog na maririnig sa bahay ni Carlo: mga bote ng beer na nagsasalpukan sa pagto-toast. Isa - isa naming ininom ang mga bote ng beer na may sisig na pampagana. Habang kami ay naglalaklakan, di naiwasang naisama sa diskusyon ang tungkol sa dalawang
taksil sa aking buhay at tungkol sa aking bad trip na kalagayan.
"Bakit kasi hindi mo muna lubusang inalam at kilalanin ang iyong liligawan"?, tanong ni Bien.
"Dapat inalam mo muna kung may ibang lalaki siya..." payo ng lider ng frat namin na si Maxx . "...dapat inalam mo muna ang buong katotohanan ng buhay ni Pamela", pagdadagdag pa nito habang isinubo ang isang kutsarang sisig.
"Siyete ka pare kung makapagbigay ng advice, eh inuubos mo na yata ang sisig, ah!", pabiro kong iwas sa sabi niya.
Sinundan ito ng mahabang tawanan at umulan ng mga pira-pirasong sisig
galing sa bibig ng mga hinayupak. Pero inisip ko, kailangan ding magseryoso paminsan-minsan.
"Inalam ko naman ang lahat ah... sa katunayan nga eh, nag-tanung tanong pa ako sa mga ka kilala niya kung bakit daw siya nakipag-break sa akin. Nagtanong rin ako sa mga kaibigan at kamag-anak niya kung may iba bang nanliligaw sa kanya.. Maganda naman ang nakuhakong sagot, wala pa naman siyang manliligaw, at may kaya siya sa buhay. Sa nakuha kong mga sagot ay natuwa ako kaya niligawan ko siya kaagad!", sabay tungga ko ang isang bote ng beer na tila nagmamakaawa na sa akin..
Sa pagbaba ng boteng iyon ay napansin ko na naka-siyam na bote na ako at kumuha ulit ako ng isa pa, subalit na init na init na ako dahil sa alak na iniinom ko. Ang mga kasama ko naman ay naka-sampu na dahil nagdrama pa ako at hindi nakainom. Napansin ko nga na may tama na sila.
Hanggang may mga humirit. Mga hirit na hindi ko makakalimutan. Tila isang sibat na tumama ang mga ito sa aking pagkatao.
"Baka naman bakla ka, pre! Hindi mo kayang bawiin si Pamela mula sa
supot na iyon. Huwag mo sabihing

PuNkChick
Feb 24, 2000, 04:45 PM
*whew* ang luhpet sa haba ng story schadow1 :D true story ba to?

bLaCk
Feb 24, 2000, 09:11 PM
to tell you frankly.. i read this sa Kabayan.net... uh... kayo rin ba nagpost non?

Trinjy
Feb 24, 2000, 11:02 PM
Haba! At ang drama! Pwedeng gamiting pang-drama show! ;) Pero okay siya. Tanong ko rin, true story ba to?! ;)

schadow1
Feb 25, 2000, 04:37 AM
black

I'm not the one who posted it. Probably one of my friends (the authors). ***** si Uaje :)

Trinjy & Punkchick

Thanks sa mga positive comments :) Well, it's based from a true story of one of our friends. Some of the events are added to give zest and the names are all fictitious. :)

Hope you enjoy it as much as we did making it :)

bLaCk
Feb 25, 2000, 05:56 PM
wow.. grabeh true stories? ano yung true part?

RöttenMind
Feb 25, 2000, 10:45 PM
naiyak ako ha... :(

deutsch
Feb 26, 2000, 11:31 AM
Great story! I don't want to seem rude, but I don't think this is a true story. There is no crime of "manslaughter" in the Philippines. ;) Murder or homicide lang. But it is a good piece of writing nevertheless.

Trinjy
Feb 26, 2000, 07:32 PM
Galing ah! True story pala siya! I enjoyed it a lot! As in! Hope we could read more of your masterpieces! ;)

Trinjy
Feb 27, 2000, 12:44 AM
schadow1: sige ba! we'd love to read your poems. :)

schadow1
Feb 27, 2000, 02:05 AM
deutsch

hello? it's based on a true story and SOME of the events are added to give zest.

smile! :)


Trinjy

Unfortunately, it's the only story we were able to make. Wala nang sumunod. Actually, i was a project given to us by our Filipino prof. wayback when we were still in freshman. Though i have some poems. If you're interested, reply lang :)

deutsch
Feb 27, 2000, 02:33 AM
Sori, my fault. Replied immediately kasi after reading the story.

pinhead
Feb 27, 2000, 07:08 AM
di ba si Lunatic author nito?

PuNkChick
Feb 27, 2000, 09:02 AM
ahihihi sinong lunatic? hmmm :D

schadow1 gleng gleng...sample naman ng poems oh :)

RöttenMind
Feb 27, 2000, 09:39 AM
schadow1: ala na.. sikat ka na...

wAgKaNgMaKuLiT
Feb 27, 2000, 02:10 PM
wow! ok yun story ah... haba lang nga... :)
how 'bout some of ur poems... we'd love to read some of it.


:D :D :D

bLaCk
Feb 27, 2000, 09:07 PM
oo nga! sample ng poems!!!

schadow1
Feb 27, 2000, 10:09 PM
para sa inyo... why not? i'll put a new thread. enjoy ulit kayow!!!

:)

pinhead
Feb 28, 2000, 10:30 AM
i've read this before (almost 2 years na yata yun) and ang masasabi ko lang si Lunatic ang original author nito...

schadow1
Feb 28, 2000, 09:22 PM
yes pinhead?

Lunatic from Iconn??? You kept our stories pala? Yeah, one of us was Lunatic b4, if u asked. His e-mail was lunatic@yahoo.com right? Enjoy!