PDA

View Full Version : Abante/Abante Tonite - Sister Company ng GMA7?


leorainj
Aug 10, 2005, 08:49 AM
Obvious ba?

Most of the entertainment writers that work for this TABLOID are always bias to the HEART Network! Kaya kung mahahalata nyo (actually matagal na talaga 'to) puro na lang paninira ang halos lahat na showbiz articles na sinusulat nila patungkol sa ABS-CBN.

Ewan ko ba. Ang laki siguro ng sweldo nyan kay GOZON. Buti pa sila, kuntento sa paninira ng ibang tao, habang ang iba ay nagtatrabaho lang naman ng maganda at maayos. Di ba Toni Gonzaga?

har har har :rotflmao:

leorainj
Aug 10, 2005, 08:52 AM
You're more welcome to post articles (as examples) to the above statement!!

***
c/o Jun Darna of Abante

Nag-email sa amin ang isang reader sa Amerika upang iparating ang hinaing niya sa promotions ng The Filipino Channel doon. Komo mahaba, hindi na namin ipi-print ang kabuuan ng message ng reader kundi ang buod na lang nito.

Ayon sa subscriber, may promo ang TFC na every week ay mamimigay sila ng $25,000 sa suwerteng subscriber. Bilang patunay, magbibigay sila ng card sa mga regular subscriber ng direct TV bilang bahagi ng promo.

Pero sabi ng reader namin, matatapos at matatapos na ‘yung promo, hindi pa nila natatanggap ‘yung card nila? Katuwiran daw ng TFC, hindi nila inaasahang ganoon karami ang magsu-subscribe sa kanila!

Komo wala nang magawa, ang isang pang hinaing ng reader, may dagdag na bayad ang pinaiiral ngayon ng TFC bukod doon sa regular subscription! Kaya aabot na raw sa mahigit sa $30 kada buwan ang babayaran ng bawat isa.

Dahil sa pangyayaring ito, natutuwa siya sa pagkakaroon ng GMA Pinoy Cable TV sa Amerika. At least, may choice na siya pati na ang mga Pinoy roon kung Channel 2 o Channel 7 shows ang panonoorin nila.

***

kz_ella
Aug 10, 2005, 08:58 AM
Obvious ba?


matagal ko na pansin yan, lagi kasi ako nagbabasa ng shobiz news sa abante, kaya lang nabawasan na kasi super panlalait at puro nega naman binabalita ng abante para sa abs, pero pag talents ng gma puro papuri, kung hindi man, abay napakaganda ng kanilang paliwanag.

kaya minsan, hindi na lang ako nagbabasa, nakakasira lang ng araw.

payo ko lang sa abante lalo na dun sa mga nagsusulat, wag naman kayo masyado pahalata minsan na super kampi kayo sa station nyong GMA.

globalhegemon
Aug 10, 2005, 09:12 AM
What can y'all expect? Of kors ang Abante at Abante-Tonite ay nasa GMA ang bias for the following reasons:

1. The owner of Abante and Abante-Tonite, a scion of the Macasaet journalism family, is a converted Born-Again Christian. (A friend of his who happens to a Gozon influenced him to do that -- Atty. Gozon is a Born-Again Christian himself)

2. GMA is known to be owned by Born-Again Christians (except for the Duavit family, being Catholics, but Jimmy Duavit only operates at the financial side, thus it is the Born-Again clique of GMA led by Gozon, former S23 boss Quiogue who also converted to Born-Again Christianity during his GMA stint, and even Galvante and Racquel who are the "silent operators" of that station)

See the similarity?

"Birds of the same feather flock together"

What else could we expect?

inis
Aug 10, 2005, 09:28 AM
^^^ yet they all claim to be "Born-Again Christian"? Where is christianity in what they are doing? Hesusmaryosef naman, nabubuhay sa paninira ang Christian Network na yan eh, and yet they are "born-again christian"? tsk! tsk! tsk!

honey4evr
Aug 10, 2005, 09:57 AM
di naman siguro sila sister companies. kataon lang siguro na puro biased against ABS ang sinusulat ng mga writers nila dun. lets give them the benefit of the doubt maski pa nga obvious na kampi sila sa GMA at paninira lang ang ginagawa nila sa ABS.

kayo kasi, nagbabasa pa kayo ng tabloid na yun eh sumasama lang naman ang loob nyo. kung yun ba e wag nyo nang tangkilikin ang dyaryo na yan from now on para mas maaliwalas ang mga araw nyo.

di naman sila magpapatuloy sa paninira nila kung nakikita nilang bumabagsak na ang kanilang readership di ba? :)