View Full Version : GULONG ng PALAD...TJ TRINIDAD & TIN HERMOSA
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:23 AM
Nag start na ako. Support nyo ang soap nila. Ok! :)
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:24 AM
Kristine, bida sa remake ng “Gulong ng Palad”
Walang katotohanan ang bali-balitang sumadlak na ang career nitong si Kristine Hermosa kaya naman naging insecure ito ng husto. As a matter of fact, balik soap opera na ulit si Tintin after her a bit long break from tv. Gagawa ng remake ang Dos ng classic na soap opera noong araw, ang Gulong ng Palad.
Papapel si Tintin bilang Luisa sa pinaghahandaang soap na ito ng Dos. Excited na excited na nga raw ang aktres para sa project na ito dahil ito na ang parang magiging outlet ng broken heart niya ngayon. Matatandaang nang magsalita ang aktres para linawin ang isyu sa kanila ng asawa pala niyang si Diether Ocampo, sinabi niyang maganda pa rin ang takbo ng career niya at may meetings na siya with the management regarding a new project. At ang bagong project pala ay ang Gulong ng Palad.
Nagsimula sa radyo at isinatelebisyon ang Gulong ng Palad noong 70’s. Ngayon ay bubuhayin ito ng ABS-CBN sa paniniwalang naghahanap pa rin ang mga Pinoy ngayon ng de kalidad na drama sa telebisyon na kukurot sa puso nila gabi-gabi. Magreeunite si Tintin at Hazel Ann Mendoza, ang kapatid niya noon sa Pangako sa ‘Yo.
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:27 AM
MB I created for TJ & TIN please support.
http://www.network54.com/Forum/424077
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:28 AM
BASTA
Nitz Miralles
People's Tonight
Kristine bida sa 'Gulong ng Palad'
Nag-story conference na kahapon ang remake ng Gulong ng Palad at malapit nang simulan ang taping nito. Si Kristine Hermosa ang bidang gaganap sa role ni Luisa, na ginampanan ni Marianne dela Riva noong una itong ipalabas sa telebisyon.
Kumpirmado na ring si TJ Trinidad ang makakapareha ni Kristine at siya ang gaganap sa role ni Carding, na ginampanan naman noon ni Ronald Corveau.
Malaki ang paniniwala ng ABS-CBN na magki-klik sa viewers ang kanilang tambalan. Hindi raw love team ang habol ng istasyon kaya hindi si Diether Ocampo ang kinuhang leading man ni Kristine.
Hindi na rin itinuloy ng Dos ang search para sa batang gaganap na Peping dahil ibinigay na nila ang nasabing role kay Nash Aguas, winner ng Star Circle Kid Quest.
Masuwerte si TJ at magagandang project ang ginagawa't mga sikat na actress ang nakakasama. Siya rin ang isa sa mga kapareha ni Judy Ann Santos sa Krystala. Kasama rin sa cast sina Cherie Gil, Joel Torre, Andrea del Rosario, Joross Gamboa at Joel Torre.
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:30 AM
TEMPO
MARVIN Agustin auditioned for "Gulong ng Palad" wherein he was supposed to be the husband of Kristine Hermosa. Unfortunately, he did not make it. Okey lang sa kanya na hindi nakapasa sa audition. Pero nag-react ang ilang taong malalapit kay Marvin.
Noon daw baguhan pa lang si Kristine ay isinama ito sa "Sa Sandaling Kailangan Mo Ako." That time, mas may name si Marvin at feeling ng kanyang mga supporter, nagamit lang ang aktor para mapaangat ang pangalan ni Kristine sa naturang soap opera. Bakit daw sa bagong teleserye ng aktres ay hindi tinanggap si Marvin?
Huling nagkasama sina Marvin at Kristine sa "Sana'y Wala Nang Wakas" with Jericho Rosales and Diether Ocampo. Pero si Kaye Abad ang love interest ni Marvin. Anyway, sa remake ng "Gulong ng Palad," si TJ Trinidad ang napiling gaganap bilang asawa ni Kristine. Ex-couple Ronald Corveau (now based in the US) and Marianne dela Riva originally portrayed the respective roles na gagampanan nina TJ at Kristine. Ang Star Circle Kid Questor na si Nash Aguas ang gaganap bilang Peping, originally portrayed by Romnick Sarmenta.
By the way, ang "MRS" hosted by Marvin along with Amy Perez, Roderick Paulate and Toni Gonzaga ay hanggang July 15 na lang. Poor ratings ang dahilan kaya tsutsugihin na ito, ayon sa isang source.
Meanwhile, excited na si Marvin sa kanyang twins na malapit na niyang makita. Due to give birth si Tetet Dy in September at may nakahanda nang pangalan si Marvin para sa kanyang kambal na anak - Salvador at Sebastian. (Rowena Agilada)
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:32 AM
pls visit TJ's old mb too.
http://www.network54.com/Forum/283719
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:34 AM
Up for TJ & TIN :) *okay*
Correct!
Jul 14, 2005, 08:40 AM
Meron ng thread dito. ;)
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:48 AM
hindi ko po makita. nasa Celebrity po ang nakita ko. kailangan po ng GNP thread sa TV program.
kristinar
Jul 14, 2005, 08:48 AM
meron na yatang thread na ganito tjtiner.
Go TJ Tin!
koaladude
Jul 14, 2005, 08:49 AM
thanks TJTINER *okay*
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:50 AM
tiningnan ko na po, nasa 15 page na po ako ng TV program, wala pa rin akong makita. kung meron na po. sorry po.
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:52 AM
kung sino man po makakita pakitaas na lang po. para promote natin si TJ at TIN.
tjtiner
Jul 14, 2005, 08:53 AM
Excited na akong makita ulit si TJ tapos kasama pa nya si TIN. *okay*
BOYJOPET
Jun 7, 2006, 02:55 AM
miss ko na ang GNP.
vBulletin® v3.6.12, Copyright ©2000-2010, Jelsoft Enterprises Ltd.