View Full Version : Sinong pinakamabaho ang utot - ADMU, DLSU, UP, UST?
Rambus
Sep 10, 2000, 04:20 PM
Naakit ba kayo sa pamagat ng topic ko? Anong naisipan ninyong gawin? Na-udyok ba kayong manlait ng mga nag-aral at nagtapos sa mga de-kampanilyang mga pamantasang nabanggit ko?
Bahala kayo. Nguni't bago kayo lumipat sa ibang mga diskusyon, sana'y pakinggan muna ninyo ang aking munting pakiusap.
Hindi ako taga-UP. Hindi rin taga-Ateneo, La Salle, o UST. Sa totoo lang, hindi ako nagtapos ng aking pag-aaral. Mahirap kasi ang buhay noong araw at maliit lang ang kinikita ng aking mga magulang. Nang matapos ako ng high school, pinakiusapan ako na huwag nang magpatuloy ng pag-aaral at hindi na nila kayang bayaran ang matrikula.
Ngayon, pagkatapos ng halos dalawampung taon ng paghahanapbuhay, nakabili din ako ng aking kompyuter, at meron na rin akong internet (prepaid nga lang). Nakakabangon din kahit papaano.
Noong una, ang laking inggit ko sa mga nakakapasok sa kolehiyo. Parang ang gu-guwapo at ang gaganda nila. Ang husay nilang magsalita ng ingles, tagalog, kastila, at sari-saring wika. At tunay silang kahanga-hanga kapag nagtapos na sila. Mga manggagamot, abogado, negosyante, at inhenyero. Malimit silang napapatungo sa ibang bansa. Yung iba naman, nagiging mga opisyal sa pamahalaan. May mga matataas na katungkulan. May mga kakayahan at pagkakataong makatulong sa bayan, at sa kababayan.
Sayang naman, sinasabi ko sa sarili ko, at hanggang high school lang ang natapos ko. Ang mga trabaho ko puro casual. Janitor, messenger, driver. Kung anong puwedeng pasukan puwede na. Basta may suweldo. Hanggang ngayon nga naninirahan lang ako sa mga kamag-anak. Hindi ko man lang maipagmalaki na may sarili akong tahanan.
Ilang buwan na rin ako dito sa Pinoy Exchange. Marami akong nakita na nakakalungkot. Kayong mga nag-aaral sa mga mahuhusay na paaralan, tila wala na yatang magawa kundi mag-away at manlait ng mga taga-ibang paaralan. Parang sinasabi na sa sarili na "mahusay ako, pinakamagaling kami, talo kayo, buti nga sa inyo." Ganoon nga ba ang naiisip ninyo? Ganito na ba ang nagiging resulta ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo, ng mga gamit na "haytek"?
Mga kapatid, maraming problema ang bayan at mamamayan natin. Kayong mga matatalino at pinagpala ang may katangi-tanging kalagayan para makatulong sa paglutas ng mga ito. Gagawin naming mga "malas" ang aming mga makakaya para iangat ang aming mga katayuan, ngunit inaamin namin sa inyo, hindi naman namin kaya lahat. Napapagod din kami at hindi kami mabilis at malalim mag-isip.
Kailangan namin kayo, mga Atenista, Lasalista, Tomasino, at UP (ano ba ang tawag sa inyo?). Kailangan din namin ang Mapua, San Beda, Letran, NU, UE, FEU, at Adamson. Lahat kayo may utak, at mas may alam kayo kaysa sa amin. Huwag naman sanang sayangin yung galing ninyo sa mga paninira at pang-aasar na, sa totoo lang, hindi ko maunawaan kung makabuluhan.
Salamat sa inyong pakikinig.
CaRaMBa
Sep 11, 2000, 09:00 PM
Rambus, okay ka.
Jacob
Sep 11, 2000, 09:07 PM
Then again, what's PEx without the ubiquitous school-bashing?
Rambus: OK yung topic headline mo! *LOL*
sj the great
Sep 11, 2000, 09:43 PM
:D
fReAk
Sep 12, 2000, 07:38 AM
nice one rambus...
akala ko naman ito ay isa na naman sa mga thread na ginawa *** makapanlait ang mga "nakakataas".
http://www.pinoyexchange.com/reddevil.gif
fReAk
Sep 12, 2000, 07:42 AM
Originally posted by Rambus:
Ilang buwan na rin ako dito sa Pinoy Exchange. Marami akong nakita na nakakalungkot. Kayong mga nag-aaral sa mga mahuhusay na paaralan, tila wala na yatang magawa kundi mag-away at manlait ng mga taga-ibang paaralan. Parang sinasabi na sa sarili na "mahusay ako, pinakamagaling kami, talo kayo, buti nga sa inyo." Ganoon nga ba ang naiisip ninyo? Ganito na ba ang nagiging resulta ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo, ng mga gamit na "haytek"?
maraming ganyan dito kaibigang rambus!
http://www.pinoyexchange.com/reddevil.gif
allie
Sep 12, 2000, 09:25 AM
Hanep!!! :)
pwede kang manalo best essay :) jk lol
Axel
Sep 12, 2000, 09:52 PM
ok ka RAMBUS. ganda ng kuwento mo :)
CaRaMBa
Sep 14, 2000, 01:00 PM
This should be read by everyone. I wonder why not a lot of people are replying?
MC LAMBS
Sep 14, 2000, 11:53 PM
Originally posted by CaRaMBa:
This should be read by everyone. I wonder why not a lot of people are replying?
No one is replying coz the people get turned off. Upon reading the topic, the people are very well armed to diss other schools tapos sermon ang madadatnan nila. Mawawala na ang gana nila. Ako rin nawalan ng gana dahil ready na ako sa sasabihin ko but I know that a lot of people will learn and mature sa award winning essay na nabasa nating lahat.
sbanal
Sep 15, 2000, 09:27 AM
pare, ok ka... nice essay. salamat sa pagbibigay ng magandang mensahe sa lahat.
dapat madaming mag-post dito..... asan na yung iba....
:)
WICKEDQUEEN
Sep 15, 2000, 10:50 AM
unang pag-aakala: ano ba namang klaseng tanong 'to? pero tingnang natin kung anong mensahe meron.
ngayong nabasa ko na: isa ka rin pala sa mga naiinis na sa mga walang kwentang panlalait ng mga skwelahan. pinupuri kita sa iyong walang takot na paglalahad. pinupuri kita sapagkat bihira ang katulad mo na marunong magpakababa ng loob. karamihan sa amin dito ay nakapagtapos na o kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo ngunit, karamihan ay masyadong mapagmataas. marahil ay kabilang na ako doon. :D ikaw palang ang nakikilala kong hindi nakatungtong ng kolehiyo, meron na ring naabot, ngunit nakatungtong pa rin ang mga paa sa lupa. labis akong natutuwa sa iyong pinamalas. nais ko ring magpasalamat sa iyong ginawang paggising sa amin.
[This message has been edited by WICKEDQUEEN (edited 09-15-2000).]
patch
Sep 15, 2000, 11:00 AM
rambus ... napeke mo ako sa title ng thread mo ... napaka-catchy kasi, at the furst place, nung nakita ko ang thread na ito, NR lang ako ... akala ko kasi, "one of the threads" na naman ito about school bashing ...
galing ng "essay" mo ... yer the man!
ganda ng eye-opener message mo ...
RAMBUS FOR PRESIDENT ...
:D :D :D
Cronides
Sep 15, 2000, 11:30 AM
*lol*
Ang lalim ng mga Tagalog ninyo. Kaka-aliw basahin. Rambus, it doesn't seem like hindi ka nakatapos ng college sa lagay na 'yan looking at the way you articulate yourself. Siguro, you've gained these insights from your experiences. Siguro rin, you maybe just some person na nagtri-tripping lang, pretending to be the person who you said you were. Nonetheless, you do have a point asking kung worthwhile nga yung mga bashing na nangyayari dito sa PeX. Pero I have to agree with Jacob, mas masaya kung may mga bashing na kasama. Kaya lang dapat may moderation...diba kaibigang Patch :)
This is reality, in your face. Maraming mga taong walang masabing matino kaya nagla-lambast na lang ng ibang tao. Pero, for the hell of it...why not join in the bandwagon? :)
Peace!
moonshyne5
Sep 15, 2000, 05:20 PM
Talaga. Amen!
(Sigurado ka't hanggang HS lang ang inabot mo? Sa galing kasi ng pananalita mo eh para kang taga-UP...)
yax-ytterp
Sep 15, 2000, 10:42 PM
grabe, galing nito. i think this should be posted in the UAAP Forum too eh. siguro binasa ko to dahil nainis ako na kung anu-anong panlalait na naman. :D
i admire your intelligence rambus. kahit hindi ka nakatapos ng college, ginagamit mo yang utak mo sa mga bagay na may katuturan. unlike some people here who belong to the top universities pero wala naman ginagawa but put other people down at manlait. i am medyo guilty of that nga eh. and upon reading your post, napahiya ako sa sarili ko. sana yung ibang natatamaan jan... ganun din ang mangyari! :D
*thug!*
clawed_out
Sep 16, 2000, 10:54 AM
*pussssh pusssssh ffushing this thing up!*
pyket
Sep 16, 2000, 11:21 AM
g'leng. sobrang totoo yung sinabi mo rambus. wherever you look sa on campus, puro laitan, lambasting and all that. nakakadiri nga eh. there's this one topic na nagpapareply kung ano ang response ng mga tao sa ateneo no. 72, DLSU no. 71. tapos shempre nagpapataasan ng ihi ang DLSU dahil finally sila na raw yung best private university sa pilipinas. Ateneo naman, tsamba lang raw yon, hindi daw reliable ang Asiaweek survey. nakakadiri talaga. hindi nila naisip na KADIRI talaga na number 71/72 pa rin sila sa asia. parang ang gagaling nila, pero in reality number 71/72 LANG talaga. instead on focusing on the educational system and how its "failing" (even if they don't admit it... WHO WILL BA?) the students of ateneo and la salle (as well as millions of other public and private schools), they focus on smelling sweeter and looking better. kadiri talaga. a lot of people do that here. ewan ko ba. kaya talaga hindi aasenso ang pilipinas dahil ang mga "edukado," hindi nagpapakatao (kumusta ang philo ninyo mga atenista/taga-up/la sallista/taga-uste? na-a-apply ninyo ba?).
there's one thread here that i really bow to hands down. yung "sino ang pinakamagaling na university chorale ng pilipinas?" shempre up madrigals, ust singers, dlsu choral, at ateneo college glee club yung contenders. shempre nung una nag-papatalbugan yung mga schools, pero eventually nawala yung pataasan ng ihi at nagsama-sama sila under one passion: music. ganda sana kung ganoon lahat ng tao, ano?
yun lang... ang daldal ko. sorry, taga-ateneo ako eh :)
Rambus
Sep 16, 2000, 01:26 PM
Maraming salamat uli sa inyong lahat. Sa mga nagtataka kung saan ko napulot ang aking "galing" sa pagsusulat o sa pananalita, ito ang sagot. Nagtapos ako ng high school.
Mantakin ninyo: sa ibang bansa, maging sa Amerika o sa Europa, hindi naman lahat ng tao ang nagtatapos ng college. Nguni't sapat na ang kanilang karunungan para umunawa at magsalaysay.
Kung mayroon kayong nais pagtugunan ng panahon at pag-iisip, marahil maaari kayong magsimula dito: bakit tila kulang ang kakayahan ng ating mga high school graduates? Paano kaya nating mapagbubuti ang ating mga matataas na paaralan?
Yun lang. Medyo tunog kandidato na ako, wala naman akong balak tumakbo.
manghuhula
Sep 16, 2000, 06:54 PM
for me guys,why are you believing rambus so easily,think,it might be a trick or whatever.he probably writes well you know,so it so interesting!!!peace rambus!!i just hope you are saying the truth!!!
anyway,touching note there!!!good point!!!
AltarBoy^_^
Sep 17, 2000, 07:39 AM
Great job in pointing out the negative sides to people who have no intention of writing intelligent posts here. Crab mentality talaga hindi nawawala sa mga Pinoy. Kahit mahirap o mayaman pa, likas na sa Pilipino ang mainggit sa kapwa! Mabuhay ka Rambus! Itukoy mo pa ang mga nararapat nang baguhin dito!!! Peace! http://www.pinoyexchange.com/smokin.gif
ANIMO BENILDE!!!
QuiKMeLT
Sep 17, 2000, 01:49 PM
ok ka RAMBUS!! 2 thumbs up 4u
galing mo!bow kami sayo...
KuyaDanny
Sep 17, 2000, 04:52 PM
Rambus has been hanging around Business and Careers for quite a while now, and has been responsible for many well-thought posts over there. I, too, would have assumed he had a college degree like many of us, at least until he disclosed his age and educational attainment in this thread.
If I am figuring correctly, Rambus should be in his late thirties and graduated from high school sometime between the late 70s to the early 80s.
Allow me to digress a bit, but around that time, there were about 38 million Filipinos, or half what we have today. High schools (public and private, Manila and elsewhere) back then turned out some mighty fine graduates. I come across many people his age who have, as he has, stopped schooling after high school, and many of his contemporaries truly are wise and wonderful people (who many times make me remember my own failings when I compare myself with them). They can speak and think clearly, some in English and some in a Filipino language. The schooling they got was enough to give them the tools to move around and grow in the world outside school.
Perhaps it is a statement on the condition of our educational system that we have to immediately assume that one needs to have attended college to be able to write as well as Rambus does. But somehow, I don't think this is really the point he wishes to make.
I think that, in his very wise (and indirect) way, Rambus is urging us to remember that once upon a time, our schools could, and did, produce some outstanding people. And if these schools could do it then, why can't they do it again, especially now when these people are needed the most?
[This message has been edited by KuyaDanny (edited 09-17-2000).]
xyzseaman
Jan 15, 2001, 03:07 AM
Kaibigang Rambus, nung una kong nakita itong pamagat na ito, ako ay naudyok na ipamahagi sa iyo ang aking opinyon dahil akala ko'y ito'y isa nanamang walang kuwentang pamamahagi na ang tanging layunin ay magkaroon nanaman ng walang katapusang debate mula sa estudyanteng galing iba't-ibang paaralan. Pero, ako'y nagkamali ng nabasa ko ang iyung ninanais na iparating sa mga mamamayan ng Pinoy Exchange...
Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng panibagong lakas at inspirasyon....inimulat mo ang aking mga mata sa katotohanan....
kahumbu
Jan 15, 2001, 09:59 AM
Ganda ng sinabi ni Rambus, agree ako 100%.
Paging hard_guy00, a.k.a. cretinous00: ano say mo todits, pare? Curious ako, e...:D
ash666
Jan 16, 2001, 03:42 AM
ok ka tol!
Moon Goddess
Jan 16, 2001, 05:13 AM
I agree. YOU people miss the point pointed out by Rambus.
He doesn't only encourage solidarity among universities, but also, he wants to see pure ACTION from these universities.
Hindi lang plastikang pakikipag isahan, kamayan, at lokohan ang hinihingi ni Rambus. Ang kailangan natin, dalisay, purong puro, at bukal sa pusong PAG-KILOS para sa ikagaganda ng ating bayan.
Kaso may problema, sa tingin ko, kailangan nating hikayatin ang mga namamahala ng ating mga pamantasan para sa mga proyektong maaaring ilunsad kasama ng iba pang mga pamantasan o/at kolehiyo at iba pang edukasyonal na institusyon.
Paano?
-----------
Salamat sa iyo Ginoong Rambus. Magaling karing mag market ng thread mo alam mo.
-----------
Kung hindi rin ako nagkakamali, ang nauna kong thread tungkol sa payabangan ng mga "universities" ay pwede pang makita o buksan. Pwede niyo rin iyong buksan para sa medyo ibang usapan tungkol sa pataasan ng mga pamantasan.
LASINGERO
Jan 16, 2001, 05:49 AM
Rambus: idol gusto mong pera padala mo sa maalala mo kaya tong pinost mo dito sigurado akong magugustuhan nila to! :P
anyway nice points u have there! :)
Rambus
Jan 16, 2001, 05:52 AM
Moon Goddess, payag ako diyan. Sa totoo lang, ilang buwan nang natutulog itong topic ko bago napuna ni payaSo, na siyang nakabasa ng topic mo.
Para sa ibang mga kasapi ng PEx, nawa'y mabasa rin ninyo ang talakayan na sinimulan ni mareng Moon Goddess:
TAMA NA ANG PAGALINGAN NG MGA "UNIVERSITIES" DIYAN!!! (http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php3?threadid=33632)
hard_guy00
Jan 16, 2001, 06:40 AM
kahumbu,
no dr. kildare, i'm not cretinous00. but this guy rambus is offering a refreshing argument. he's quite literate.
Angeli
Jan 16, 2001, 08:45 AM
ok ka... buti na lang me mga taong tulad mo... :angel:
11# UST_guard'98
Mar 23, 2001, 12:59 AM
Amen
Ako High school graduate dito sa New Jersey tulad mo mahirap din ang parents kaya nag-work nalang ako. Pero dapat mag-na-navy ako pero ayaw ng Papa ko. Dahil mataas ang marka ko sa high school at marami akong alam tungkol sa comp, Awa ng Diyos nakahanap ako ng trabaho.
Pag-nakangat na ako ...mag-aaral ulit ako. :D
Lionheart_207
Mar 23, 2001, 10:57 PM
:lol:... rambus galing mo.........
YoBaKs
Mar 24, 2001, 03:35 AM
tagal ko ng nakikita tong topic na to, hinde ako nagrereply...GALING PRE'
Mirage
Mar 25, 2001, 06:45 AM
just hoping people get to read this one!
cmars2
Mar 27, 2001, 04:13 AM
Galing galing ah!!!
:bop::bop::bop:
Ms.U
Mar 27, 2001, 05:34 PM
sang-ayon ako sa mga puntos na ***** mo RAMBUS.
Ako sa ngayon eh OSY dahil na rin sa #1 factor para makapag-aral lalo na sa magandang University,-pera.
So trabaho muna, pero dream ko pa rin talagang makatapos.
Kaya sa mga mapapalad dyan na nakakapag-aral sa ngayon, hwag nyong sayangin ang oras nyo sa mga walang kakwenta-kwentang pataasan, sana magkaron ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay.Walang kasingsarap kundi ang buhay estudyante lalo na kung may sapat kang pang-aral, kaya sana
gawin nyong makabuluhan ang mga ipinapasok nyo sa eskwelahan at sana'y mas maging kapaki-pakinabang kayong indibidwal pagdating ng araw.
frankie
Mar 28, 2001, 10:32 PM
FEU. :)
NIc0^
Mar 29, 2001, 12:59 AM
FIVE THUMBS UP RAMBUS!!!!!
cheerdancer
Mar 29, 2001, 01:45 AM
good one rambus. bilib ako sa mga taong tulad mo -- may prinsipyo sa buhay.
PaNDa BolpeN
Apr 17, 2001, 12:35 AM
Rambus sa tingin ko dapat mag-ipon ka ng pera at magkolehiyo ka. Sayang, baka doble o triple ang maibibigay mo sa bansa kapag ikumpara sa mga ibang nagmamartsa na wala namang natutunan at wala namang balak na magbigay tulong sa ating mga buhay. Maniwala ka sa akin, kapag gusto mo talagang magtapos ng kolehiya at makatulong, magagawa mo iyan. Hindi pera ang hinahanap ng mga paaralan. Kahit mukhang nabubulag na ng pera ang mga paaralan at unibersidad, kaya pa rin nilang makita ang mga taong may galing na na sa loob mo. Maraming nagsulat ng mga sagot rito na na sa ingles. Hindi ko alam kung komportable ka sa ingles o hindi kaya't pinilit kong sulatin ito sa tagalog kahit na ito ang pinakamahinang lenguahe ko. Ibang klase kang tao, at sa tingin ko, ikaw ang pinakasuwerte sa ating lahat dahil nakikita mo ang mga katotohanang ito. Kami ay bulag-bulagang nag-iikot sa mundong ito, hidni nalalaman kung katotohanan nga ba ang mga nakikita namin, o mga anino lang sa yungib. Salamat, dahilan sa iyong sinulat, maraming mga kaluluwa ang nabuksan ang mata. Salamat muli.
11# UST_guard'98
May 13, 2001, 11:10 AM
bump
renaissancegirl
May 13, 2001, 02:22 PM
steady!
Bukoy
May 13, 2001, 06:54 PM
Salamat kaibigang Rambus sa napakagandang thread na ito, nawa'y mabasa pa ito ng maraming tao para matapos na ang mga kalokohan at napakagahamang pagiingitan at pagsisiraan. :beam:
cyrus
May 17, 2001, 02:27 PM
Syempre hindi Ateneans!!!!...Puro steak kinakain ng mga yan!!!!! :evilgrin:
Rambus
May 18, 2001, 10:34 PM
Originally posted by PaNDa BolpeN
Rambus sa tingin ko dapat mag-ipon ka ng pera at magkolehiyo ka.
Salamat sa iyong payo, kapatid na PaNDa BolpeN. Nguni't sa palagay ko, mahirap nang magkatotoo iyan. May mga anak na akong pinag-aaral at sa palagay ko mas mainam na sila na muna ang magkaroon ng pagkakataong magtapos. Tila nakalipas na ang panahon ko.
WICKEDQUEEN
May 19, 2001, 05:34 AM
you have a point, rambus.
dun sa mga nabubwisit ka rambus....ambababait ninyo sobra...sana kunin na kayo ni lord. :D
11# UST_guard'98
Jun 2, 2001, 02:07 PM
*bump**
se7en_of_nine
Jun 2, 2001, 07:09 PM
What Rambus said. I've seen the future and quite frankly, the karaniwang tao will save your country from the hole that you dug yourselves in.
We are :borg: Individuality is overrated
Melpomene
Jun 2, 2001, 11:24 PM
Pinakamabaho ang utot ng tumatahimik na lang bigla. :lol: :rotfl:
11# UST_guard'98
Jul 2, 2001, 03:21 PM
push
EcKo_01
Jul 3, 2001, 11:39 PM
Galing mo boy!:bungi:
Kaya yung mga hunyango na nagtatago diyan...
ala eh ito ang sa inyo... :chainsaw: :revomit:
AngryBird
Jul 5, 2001, 12:33 AM
Hmm... Gusto ko lang sana itulak ito pataas pero, cge, sulat na rin ako ng kaunti.
Without question, tama si Rambus. Kung tutuusin, tungkulin ng mga nakapagtapos - ng mga sinwerte ng kaunti sa buhay - na tulungan ang kapwa niya.
Sa kabilang banda, mahirap tanggalin yung rivalry sa pagitan ng mga schools. Fact is, tao lang tayong lahat. Dahil dito, lahat tayo may tendency na gustuhing maging angat sa lahat. Normal yun e. "Survival of the fittest 'ika nga" - lahat tayo nagko-kopetisyon.
Ang akin lang, sana yung competition na iyon ang mag udyok sa atin na makatulong, imbes na magsiraan.
Matagal na akong hindi nagpost dito sa PEx dahil sa kababawan ng topics dito noon. Buti na lang, pabahuan na ng utot ang pinag-uusapan :D
At para sagutin ang katanungan ni Rambus:
Ang pinakamabahong utot e yung walang tunog.
Hehehehe
tres diamantes
Jul 5, 2001, 09:37 PM
napakaganda nang iyong salaysayin nang masilayan ko ang ibinubuod ng panimula mo sa sinulid na ito...totoong tao ka rambus, tunay na kahangahanga...
sa ibang sinulid ay makikita mo talaga ang panlalait at panghahamak sa mga nais na magpahayag nang kanilang sariling kuro-kuro partikular na sa mga nakakaangat na paaralan laban sa mabababa...dili kaya'y mabababa laban sa matataas...
nagpahayag ako ng aking damdamin sa isang sinulid na temang paninira sa paaralang aking pinagmulan...biglang may sumibol na manlalait at pinagmumura pa ako sa bandang huli...at nang siya'y hamunin ko nang harap-harapan ay patuloy pa rin ang pag-aalipusta sa akin...pilit tinatago ang kanyang anyo sa aninong madilim pa sa uling...tila pinagyabangan pa ako na kaya niyang kitlan ang aking paghinga...nang siya'y hinamon ko muli para kami'y magkaharap at magkasukatan....nagtago pa rin siya nang pilit sa kasinungalingan at karuwagan...bakit kaya may mga taong malakas manlait pero di naman kayang manindigan sa harap-harapan?...hayun at pilit namang sumisiksik at nagtatago sa kanyang puwit...
masasabi ko sa iyo ginoong rambus...ang nilalang na ito ang may pinakamabahong utot sa balat ng PEx...
hugs
Jul 28, 2001, 07:34 AM
kakabilib naman... :cheers: if only more people would think like you, Rambus, siguro ang saya saya na dito sa Pinas...:sunnysmile:
gpov
Jul 30, 2001, 02:33 AM
This should be mandatory reading for all new Pexer's.
Oks ka Rambus!!!
Rgds gpov
uptowngirl
Jul 30, 2001, 04:39 AM
I agree gpov. I hope all PExers read this first before posting something.
:turncat:
chubbycheeks
Aug 1, 2001, 07:17 AM
saludo ako sa iyo Rambus!
isa kang huwarang PExer.
sana ay tularan ka ng mga tao ** lalu na *** mga nasa UAAP at Campus chat!
gud lak nalng sa iyo! pakasaya ka! :bungi:
Romancon
Aug 1, 2001, 05:17 PM
Fabulous!
"Love and Peace"
SUX2BU
Aug 1, 2001, 05:21 PM
UP grads have the stinkiest fart. :)
mufdiver_69_III
Aug 2, 2001, 10:20 PM
Baket, naamoy mo na ba?
gwaps
Aug 3, 2001, 12:41 AM
rambus tsong, galing mo !!! ... :)
----------------------------------------
anyways, got this somewhere .... just like to share it with you:
Pag amerikano ang umutot: excuse me!
Pag british: pardon me!
Pag pinoy: ****! Di ako yun! Mamatay na ang umutot!!!! :D
yakult
Aug 10, 2001, 02:01 PM
You're a good man, Rambus.*okay*
sana this thread could be linked to the PEx User Agreement so that newbies would learn to think before hating in their posts.:D
again, I commend your ideas and principles Rambus.:beam:
Apo_Inso
Aug 11, 2001, 04:41 PM
Eto, PANGHIMAGAS.
HIndi ako taga USTE na pag-aari ng Simbahan
Hindi rin po ako taga ERA dahil hindi ako Iglesia
Hindi rin ako taga-UP dahil hindi ako aktibo at matalino
Hindi rin ako taga-DLSU o ATENEO dahil hindi ako mayaman
Nakakalaglag ang sinabi ni RAMBUS dahil ako rin ay naantig.
Ang aking opinyon ay ....
TAX THE CHURCH!!!!!!!!
Ang buwis ko na kinakaltas para sa pag-papaaral sa mga taga-UP gusto ko pong malaman kong paano kayo makakatulong sa mga hindi naman nakapagtapos.
Originally posted by CaRaMBa
This should be read by everyone. I wonder why not a lot of people are replying?
Altwegg
Aug 11, 2001, 05:29 PM
Originally posted by gwaps
rambus tsong, galing mo !!! ... :)
----------------------------------------
anyways, got this somewhere .... just like to share it with you:
Pag amerikano ang umutot: excuse me!
Pag british: pardon me!
Pag pinoy: ****! Di ako yun! Mamatay na ang umutot!!!! :D
Di ako yun! Mamatay na ang umutot!!! Di ako yun!! Promise ndi talaga ako yun! Oo! Ndi ako! Di nga ako marunong umutot e
hehehe
Alt+Ctrl+Del
Aug 11, 2001, 07:40 PM
Mabuhay ka Rambus.
Anyway, I think it's a matter of what kind of food these people consume. 'Pag mahilig ka kumain ng itlog, kamote, sibuyas, uminom ng softdrinks... qualified ka (let's call them collectively as U).
Next, we must compare the number of qualified students in each university. The institution with the most number of Us wins.
Unfortunately, Rambus, it would take great effort--if not impossible--to collect subjects and convince people to tell us that they qualify as a U. Alam mo naman 'yang mga 'yan, 'di aamin na mabaho utot nila.
So, in conclusion, Rambus inquiry may never get enlightenment.
Apo_Inso
Aug 13, 2001, 07:20 AM
original by corinthian....
edited by apo...
*shrugs*
This is a pointless discussion...
No matter how good the fart is.... It all boils down to the individual...
Yes... I've seen trolls from the top three schools- and gems from the underrated ones...
only insecure ppl will bank on their school's reputation- rather than their individual self worth in this argument.
munik
Aug 25, 2001, 11:06 PM
Ngayon ko lang nabasa to ah. Kudos to Rambus. Great thread.
Light&Easy
Aug 28, 2001, 07:21 PM
nice one rambus!...
tagal na ako dito sa pex...ngayon lang ako nakabasa ng ganito!.so honest,sincere and full of humility!... may the Good Lord bless and keep you!...
:)
Light&Easy
Aug 28, 2001, 07:24 PM
Originally posted by Rambus
Naakit ba kayo sa pamagat ng topic ko? Anong naisipan ninyong gawin? Na-udyok ba kayong manlait ng mga nag-aral at nagtapos sa mga de-kampanilyang mga pamantasang nabanggit ko?
Bahala kayo. Nguni't bago kayo lumipat sa ibang mga diskusyon, sana'y pakinggan muna ninyo ang aking munting pakiusap.
Hindi ako taga-UP. Hindi rin taga-Ateneo, La Salle, o UST. Sa totoo lang, hindi ako nagtapos ng aking pag-aaral. Mahirap kasi ang buhay noong araw at maliit lang ang kinikita ng aking mga magulang. Nang matapos ako ng high school, pinakiusapan ako na huwag nang magpatuloy ng pag-aaral at hindi na nila kayang bayaran ang matrikula.
Ngayon, pagkatapos ng halos dalawampung taon ng paghahanapbuhay, nakabili din ako ng aking kompyuter, at meron na rin akong internet (prepaid nga lang). Nakakabangon din kahit papaano.
Noong una, ang laking inggit ko sa mga nakakapasok sa kolehiyo. Parang ang gu-guwapo at ang gaganda nila. Ang husay nilang magsalita ng ingles, tagalog, kastila, at sari-saring wika. At tunay silang kahanga-hanga kapag nagtapos na sila. Mga manggagamot, abogado, negosyante, at inhenyero. Malimit silang napapatungo sa ibang bansa. Yung iba naman, nagiging mga opisyal sa pamahalaan. May mga matataas na katungkulan. May mga kakayahan at pagkakataong makatulong sa bayan, at sa kababayan.
Sayang naman, sinasabi ko sa sarili ko, at hanggang high school lang ang natapos ko. Ang mga trabaho ko puro casual. Janitor, messenger, driver. Kung anong puwedeng pasukan puwede na. Basta may suweldo. Hanggang ngayon nga naninirahan lang ako sa mga kamag-anak. Hindi ko man lang maipagmalaki na may sarili akong tahanan.
Ilang buwan na rin ako dito sa Pinoy Exchange. Marami akong nakita na nakakalungkot. Kayong mga nag-aaral sa mga mahuhusay na paaralan, tila wala na yatang magawa kundi mag-away at manlait ng mga taga-ibang paaralan. Parang sinasabi na sa sarili na "mahusay ako, pinakamagaling kami, talo kayo, buti nga sa inyo." Ganoon nga ba ang naiisip ninyo? Ganito na ba ang nagiging resulta ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo, ng mga gamit na "haytek"?
Mga kapatid, maraming problema ang bayan at mamamayan natin. Kayong mga matatalino at pinagpala ang may katangi-tanging kalagayan para makatulong sa paglutas ng mga ito. Gagawin naming mga "malas" ang aming mga makakaya para iangat ang aming mga katayuan, ngunit inaamin namin sa inyo, hindi naman namin kaya lahat. Napapagod din kami at hindi kami mabilis at malalim mag-isip.
Kailangan namin kayo, mga Atenista, Lasalista, Tomasino, at UP (ano ba ang tawag sa inyo?). Kailangan din namin ang Mapua, San Beda, Letran, NU, UE, FEU, at Adamson. Lahat kayo may utak, at mas may alam kayo kaysa sa amin. Huwag naman sanang sayangin yung galing ninyo sa mga paninira at pang-aasar na, sa totoo lang, hindi ko maunawaan kung makabuluhan.
Salamat sa inyong pakikinig.
JaCziE
Sep 10, 2001, 05:47 AM
Galing! *okay*
Actually, mga nagpopost naman sa ibang thread objective ang pag-reply eh.. sa UAAP Forum lang talaga halos lahat ng bashing. :rolleyes:
The69thbeast
Sep 11, 2001, 04:05 PM
:macho: You're the man Rambus!! :macho:
naunawaan mo ba ang aking binanggit??;)
slaphappy
Nov 8, 2001, 09:16 PM
sana si Rambus nalang ang pinag-aral ng mga magulang ng mga studyanteng nagloloko... tsk, tsk.
*okay*
yooki_dooki
Nov 12, 2001, 07:49 AM
meron bang utot na di mabaho???? :blah2:
zyxthyn
Nov 12, 2001, 11:56 PM
hayyyyyyy........ang daming posts... catchy nga ng title...so answer the question (literally) na!? :toofunny:
Sinong pinakamabaho ang utot - ADMU, DLSU, UP, UST?
yooki_dooki
Nov 14, 2001, 04:43 AM
actually sa DLSU :D may kaibigan ako, itago ko na lang sa pangalang U2Ten.... taga DLSU un... well, yung utot nun ay nakakagising kapag ikaw ay nasa mahimbing na tulog. actually di lang ako yung nagising eh... :D actually di lang naman yun mabaktol (mabaho), para din yun alarm clock (based on the description of a friend).... whatcha think???? :D
U2Ten: yan, lang samaan ng loob. di ka naman kilala sa pangalang ito. HAHAHAHA peace :D
UST_BOY
Dec 5, 2001, 09:12 PM
Grabe kakaibang thread to ha? NO COMMENT!
drageur
Dec 7, 2001, 12:37 AM
:verycool::verycool::verycool::verycool:
yebaks
Dec 7, 2001, 06:43 AM
nais kong magpasalamat sa iyo, aking kaibigang rambus, sapagkat ako'y iyong iminulat sa hubad na kamunduhan at tila ba nagbago ang aking pananaw sa iyong mga makabuluhang pahayag.
aking mataimtim na pinapanalangin na sana ay maiwaksi mo ang iyong mga pangarap sa buhay. maligayang pasko sa iyo at manigong bagong taon!
kLaZoManiaC
Dec 7, 2001, 07:57 AM
katotong rambus,
kahanga-hanga ang iyong paskil na naglalaman ng iyong mga tunay lamang na saloobin sa nagaganap na pakikipagpataasan ng ihi at pang-aapi ng iba nating kasama rito sa PEx. sa totoo lang, wala naman talagang mabuting naidudulot ang panlalait ng isa sa kanyang kapwa. sa halip, ito'y nagsisilbi lamang mitsa ng di-pagkakaunawaan, pagkakantiyawan at pagkakagalit-galit ng mga tao rito sa PEx.
kaisa mo ako sa pag-asa na balang-araw ay matitigil na ang kabalbalang ito. kapayapaan para sa lahat ng mga taga-PEx!
:noevil:
kLaZoManiaC
Dec 7, 2001, 08:06 AM

badbreath
Dec 8, 2001, 07:48 AM
Originally posted by Altwegg
Di ako yun! Mamatay na ang umutot!!! Di ako yun!! Promise ndi talaga ako yun! Oo! Ndi ako! Di nga ako marunong umutot e
hehehe
:laugh:
Altwegg
Dec 8, 2001, 08:00 AM
Originally posted by badbreath
:laugh:
:lol:
nais ko lang magpatawa sa napaka-seryosong mga pahayag dito.
11# UST_guard'98
Feb 20, 2002, 07:17 PM
*bump*
---
Semper Fi!
straightshooter
Mar 8, 2002, 01:03 AM
Daming na-stir ni Rambus dito ah. Basahin niyo yung post niya tungkol sa John Gokongwei School of Management ng Ateneo and then tell me what you think.
Anyway, siguro nagsinungaling lang si Rambus about his true educational background to dramatize his point. Well, it worked. Pag nabasa mo nga naman yung post niya dito siguradong mapapahiya ka sa sarili mo. Sasabihin mo: buti pa 'tong high school graduate na 'to very circumspect. He makes a lot more sense than the posters from the so called "big" schools. OK na rin kahit na may decpetion involved.
coRinthian
Mar 8, 2002, 03:39 AM
Originally posted by SUX2BU
UP grads have the stinkiest fart. :)
A good example of a mindless post from a UST "luminary" :rolleyes: ppl like you give your alma mater a bad name
basahin mo kasi muna yung first post- alam naming insecure ka, di mo na kailangan pang iladlad ang insecurity mo :lol:
coRinthian
Mar 8, 2002, 03:42 AM
nice one Rambus.*okay*
sana ay may karugtong pa ito :D
SUX2BU
Mar 8, 2002, 08:09 AM
Originally posted by coRinthian
A good example of a mindless post from a UST "luminary" :rolleyes: ppl like you give your alma mater a bad name
basahin mo kasi muna yung first post- alam naming insecure ka, di mo na kailangan pang iladlad ang insecurity mo :lol:
Wow, the Criminally Insane guy is talkin' again! :lol:
lizziebare
Mar 9, 2002, 02:37 AM
Originally posted by cyrus
Syempre hindi Ateneans!!!!...Puro steak kinakain ng mga yan!!!!! :evilgrin:
di mo ba alam na mas mabaho ang utot na mga mahilig kumain ng karne kesa mga vegetarians! it's a scientific fact:chew::chew::chew:
Shakes
Mar 9, 2002, 05:17 AM
Sana may karugtong... :D
UST_BOY
Mar 9, 2002, 11:08 PM
Originally posted by lizziebare
di mo ba alam na mas mabaho ang utot na mga mahilig kumain ng karne kesa mga vegetarians! it's a scientific fact:chew::chew::chew:
:lol:
coRinthian
Mar 10, 2002, 12:29 AM
http://www.data-techniques.net/cwm/contrib/edoom/heads_or_tails.gif One day- the intelligent Pexer community got fed up with SUX2BU's stupidity... and plotted his demise...
http://www.data-techniques.net/cwm/contrib/edoom/microwave.gif Various methods were deliberated upon....
http://www.freakygamers.com/smilies/s2/ups/chaos99/greenchainsaw.gif creativity and gore were considered... to get rid of this pest...
http://www.freakygamers.com/smilies/s2/ups/unknown/lsvader.gif People form UP, ATeneo, DLSU , and even UST fought long and hard... to whom the honor of snuffing SUX2BU will belong to...
but SUX2BU was a coward... and continued to hide, he was as irritating as Kris Aquino on ecstacy...
http://www.planetdreamcast.com/orochinagi/avatars/smile/Flush.gif not to mention as slippery as a sewer rat and as elusive as a cockroach...
http://www.freakygamers.com/smilies/s2/otn/violent/gore.gif but no mater- we are not known for our speed- we are known for our persistence... one day... SUX2BU was caught- and his reign of stupidity... was over...
and everyone lived happily ever after in PEx :)
Gimera
Mar 10, 2002, 01:34 PM
Natawa ako doon sa thread title ah. Akala ko kung ano na namang trip ito, na ang laman ay puros nakakatuwang pahayag (kung hindi man nakakadiri). Iyon pala ay hindi. Magaling ang ginawa mong talumpati (hello binabasa mo pa ba ito rambus o high class memory module).
guess_who
Mar 11, 2002, 10:26 PM
If everyone were to have the very consciousness that Rambus'
words made, mas magaling na tayo sa US!
Bazooka_Joe
Nov 4, 2004, 04:39 AM
Originally posted by Rambus
Naakit ba kayo sa pamagat ng topic ko? Anong naisipan ninyong gawin? Na-udyok ba kayong manlait ng mga nag-aral at nagtapos sa mga de-kampanilyang mga pamantasang nabanggit ko?
Bahala kayo. Nguni't bago kayo lumipat sa ibang mga diskusyon, sana'y pakinggan muna ninyo ang aking munting pakiusap.
Hindi ako taga-UP. Hindi rin taga-Ateneo, La Salle, o UST. Sa totoo lang, hindi ako nagtapos ng aking pag-aaral. Mahirap kasi ang buhay noong araw at maliit lang ang kinikita ng aking mga magulang. Nang matapos ako ng high school, pinakiusapan ako na huwag nang magpatuloy ng pag-aaral at hindi na nila kayang bayaran ang matrikula.
Ngayon, pagkatapos ng halos dalawampung taon ng paghahanapbuhay, nakabili din ako ng aking kompyuter, at meron na rin akong internet (prepaid nga lang). Nakakabangon din kahit papaano.
Noong una, ang laking inggit ko sa mga nakakapasok sa kolehiyo. Parang ang gu-guwapo at ang gaganda nila. Ang husay nilang magsalita ng ingles, tagalog, kastila, at sari-saring wika. At tunay silang kahanga-hanga kapag nagtapos na sila. Mga manggagamot, abogado, negosyante, at inhenyero. Malimit silang napapatungo sa ibang bansa. Yung iba naman, nagiging mga opisyal sa pamahalaan. May mga matataas na katungkulan. May mga kakayahan at pagkakataong makatulong sa bayan, at sa kababayan.
Sayang naman, sinasabi ko sa sarili ko, at hanggang high school lang ang natapos ko. Ang mga trabaho ko puro casual. Janitor, messenger, driver. Kung anong puwedeng pasukan puwede na. Basta may suweldo. Hanggang ngayon nga naninirahan lang ako sa mga kamag-anak. Hindi ko man lang maipagmalaki na may sarili akong tahanan.
Ilang buwan na rin ako dito sa Pinoy Exchange. Marami akong nakita na nakakalungkot. Kayong mga nag-aaral sa mga mahuhusay na paaralan, tila wala na yatang magawa kundi mag-away at manlait ng mga taga-ibang paaralan. Parang sinasabi na sa sarili na "mahusay ako, pinakamagaling kami, talo kayo, buti nga sa inyo." Ganoon nga ba ang naiisip ninyo? Ganito na ba ang nagiging resulta ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo, ng mga gamit na "haytek"?
Mga kapatid, maraming problema ang bayan at mamamayan natin. Kayong mga matatalino at pinagpala ang may katangi-tanging kalagayan para makatulong sa paglutas ng mga ito. Gagawin naming mga "malas" ang aming mga makakaya para iangat ang aming mga katayuan, ngunit inaamin namin sa inyo, hindi naman namin kaya lahat. Napapagod din kami at hindi kami mabilis at malalim mag-isip.
Kailangan namin kayo, mga Atenista, Lasalista, Tomasino, at UP (ano ba ang tawag sa inyo?). Kailangan din namin ang Mapua, San Beda, Letran, NU, UE, FEU, at Adamson. Lahat kayo may utak, at mas may alam kayo kaysa sa amin. Huwag naman sanang sayangin yung galing ninyo sa mga paninira at pang-aasar na, sa totoo lang, hindi ko maunawaan kung makabuluhan.
Salamat sa inyong pakikinig.
nice. :blowsmoke:
clawed_out
Nov 4, 2004, 08:14 AM
must you bump old threads?
you can say "nice" to yourself. can't you?
tonder_bolt
Nov 4, 2004, 10:07 AM
the thread starter is from ust.
can anybody guess how?
twerpy_craphead
Nov 4, 2004, 10:52 AM
kung lahat ng tao sa pinas, mag-iisip ng katulad nung starter ng thread na ito...aasenso tayo!
purply_hazy
Nov 4, 2004, 11:16 AM
very well said!
not another one of those "payabangan" threads!
UranusUses
Nov 4, 2004, 02:53 PM
hmmm... that leads me to this question.
anong mas nagpapabaho sa espana, usok ng jeeps or utot ng thomasians? equally deadly
voltaire_mad
Nov 4, 2004, 10:20 PM
Tama si Rambus. Kaya nga may mga "banned by the administration" dito dahil minsan tulad nila yung nilalaman ng nilathala ni Rambus.
s1xt3en
Nov 5, 2004, 04:58 AM
TITO RAMBUS! (feeling close ba?)
mabuhay ka :)
hayskul gradyuweyt ako galing sa isang paaralan sa ibayong dagat. babalik sa pilipinas sa susunod na taon para magkolehiyo.
kahit saan mang kolehiyo ako mangaling, hinding HINDI ako manlalait ng ibang paaralan.
sa totoo lang HINDI ko ma-gets kung bat sa araw-araw na lang na ginawa ng dyos nag-aaway lahat ng tao dito sa PEX eh parepareho namang MAGALING ang mga paaralan na kanilang kinalalagyan eh, bat pa sila nag-aaway? in the real world, will it really matter that your college was good at this and was good at that? tanong ko lang. nalalabuan ako eh.
Mayayabang talaga ang mga tao dito. Kung hindi pinagmamalaki ang iskwela, nilalait naman ng iba.
Nakakapagtaka, dahil lahat sila ay wala namang basis para mag compare, dahil iisa lang naman ang school na pinag aralan nila...
Paano mo sasabihing panget ang UST, kung buong college life mo naman ay nasa Ateneo ka?
Paano mo masasabing the best ang educational system ng UST, kung dun ka pa lang nakapag aral?
So bakit may mga mayayabang dito?
Lahat sila, bitter. Hindi kasi nakapasok sa UP...
Yung tomasino, laging pinagsisigawan ang achievments ng UST para masabing "you see? UST isn't that bad after all..."
Yung atenista, nilalait yung UST para ma-stress na "at least we made lamang to *eeew* somebody"...
Rambus
Nov 22, 2004, 07:03 PM
Isang pangaral mula kay Mitch Albom (http://www.freep.com/sports/pistons/mitch22e_20041122.htm) (pinag-uusapan ang rumble ng mga manlalaro ng Indiana Pacers at Detroit Pistons, nguni't angkop rin sa mga sagupaan dito sa Academe):
"Real respect has traces of kindness. Real respect is deferential, like a young apprentice and his patient mentor. Real respect knows, at its core, humility.
"...[not] the bastardized "respect" in today's sports world -- where the word means nobody does anything to you that you don't like, want, accept or appreciate.
Or you let them have it."
Rambus
Nov 22, 2004, 07:12 PM
Eto pa pala:
"Only fools who are deluded about "respect." That word is not something you lose when someone does something you don't like, and it is not something you gain with a fist. Respect comes by behaving respectfully."
Lawin_123000
Nov 7, 2005, 12:32 AM
hmmm... that leads me to this question.
anong mas nagpapabaho sa espana, usok ng jeeps or utot ng thomasians? equally deadly
utot ng mga Thomasians. :)
tigerman
Nov 7, 2005, 03:01 PM
Patay nababoy na tong thread na toh, oh well courtesy of some pexers here...
Nice one Rambus... Sana nga ganyan lahat mag-isip ng mga tao dito...
USTE LO MEJOR!
VIVA SANTO TOMAS!
br0m0thymoLbLuE
Nov 8, 2005, 07:34 AM
i can say that it's utot ng mga atenista. why?
bird flu = ebola virus = anthrax = meninggococcemia = atenean fart
zacharaiolsen
Nov 8, 2005, 03:55 PM
mas mabaho utot pag may kasamang tae.
mga thomasians pag nagtatae sanay gumamit kahit anung cr, tska maraming cr sa uste, kaya pag umutot mabango na, di kagaya sa ibang schools aatras tae mo hehe.. . e yung mga elites, maaarte namimili ng toliet, kaya pag nasa labas, pipigilan na lang nila jebs nila. at pag umutot na, wappphhaaakkk !!!!
.+ moks_mart +.
Nov 11, 2005, 05:19 AM
wow!
nice one Rambus! *okay*
yup, award-winning essay nga! :D
kaLa ko tanong **** un dito sa thread.. hehe! :glee: pero ang galing ng essay mo hah!
pero dun sa tanong mo: aba! maLay ko, i haven't smeLL any fart from the students of the BIG 4 schooLs.. hehe!
kuLet nung tanong! hehe.. :rotflmao:
vBulletin® v3.6.10, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.