PDA

View Full Version : Ang Gulo Ng Mga Sagot..............


§ínned™
Feb 19, 2000, 04:55 AM
ako'y nagugulumihanan.......

nagbabasa ako sa isang forum, tungkol sa kung sino ang gustong tumangkad. payo ng ilan ay hayaan na lang at 'yan ang bigay ng diyos at dapat ay magpasalamat na lang ek ek (kasangkapanin ba ang panginoon?). ngayon tungkol naman sa pogi at beauty points ay matingkad ang sagot tungkol sa tangkad bilang isang mahalagang bagay na dapat angkin ng isang tao upang maging ganap na kaakit-akit sa paningin. tapos 'yung nag-post nung mga 'yun iisang tao.

alam n'yo mababaliw sa mga sagot n'yo yung mga unano. buti na lang at biyernes ngayon at may pa-salsa mamaya sa kanto. ;)

§inned™

Lo Lo
Feb 19, 2000, 08:12 AM
Huwag mo nang guluhin ang isip mo, amang. Sa tingin ko naman ay nagkakatuwaan iyong mga bata sa sagot nila. Kung mabababaw sa wari mo dito, baka naman mas magugustuhan mo sa Talk Pinoy. Sa tingin ko ay malalim doon... malalim sa gulo.

At yung sinasabi mo na kinasangkapan pa ang Panginoon, eh wala naman masama doon. Ang pagkilala o pagtawag sa Diyos ay hindi lang naman sa simbahan dapat gawin...kahit saan tayo naroroon (kahit sa internet) ay dapat tayong manalig at magpasalamat sa Diyos at ikalat sa sambayanan ang kanyang kabutihan.

Ira
Feb 19, 2000, 10:35 AM
Naku, sa forum ko yata nabasa yung isang thread, ah. ;) Sa akin lang, kesyo matangkad ka o hindi, di importante iyan. Kung mahalaga sa iba ang tangkad ng isang tao sa pakikipagrelasyon, eh ang babaw naman nila.
Pero pansinin mo...iyun ang "ideal" sa kanila. Di ibig sabihin na iyon ang pinakamahalaga, di lang iyon ang primary consideration, at hindi rin naman ibig sabihin na kung ang isang tao ay okay naman ngunit sintangkad ng Ita, di na siya papasa.

RöttenMind
Feb 19, 2000, 03:25 PM
§inned™, mukhang ako ang pinapatamaan mo ah... :o anywayz, ang totoo nyan, i admit, gusto ko syempre matangkad coz matangkad ako eh.. pero actly, yung ex ko eh maliit pa saken.. ;) gusto ko lang patunayan na nde lang naman talaga sa tangkad yun eh.. and important is that you love the person.... :) pero kung mas matangkad sya eh di plus pogi points yun.. ;) pero kahit hindi, ok lang... :) kita mo na nga na-inlove ako sa maliit saken... :)

bLaCk
Feb 19, 2000, 06:01 PM
o ayan, sinned gets mo na?

§ínned™
Feb 20, 2000, 06:34 AM
isa lamang naman ang usapang tangkad na nakakagulo sa aking isipan. may mga bagay-bagay sa PEx ang nakakagulo ng isipan kung ang iyong bibigyang pansin ay ang mga sagot ng mga tao. minsan ay hindi nag-uukma ang isang prinsipyo ng isang tao sa nais n'yang ipamahagi - ang sasabihin n'ya sa kapwa n'ya ay mukhang taliwas sa paniniwala n'ya.

§inned™

wAgKaNgMaKuLiT
Feb 20, 2000, 10:30 AM
i think this is what RöttenMind mean... :)

"Funny how we set qualifications when at the back of our minds, we know that the one we love will always be an exemption to the rule."

RöttenMind
Feb 20, 2000, 06:47 PM
sinned, nde naman sa ganun.. yung mga sinasabi namin dito eh yung pinapaniwalaan namin and yung iba eh mga preferences namin... nde namin gustong i-mislead yung mga tao dito sa PEx or something... we post what we believe, opinions, and preferences.. ganun... :)

about sa isyu ng tangkad, i believe there's nothing more we can do but just to accept it.. but to be honest i prefer tall guys.. :)

why ka naman kse masyadong affected sa height eh? hhhmmm... siguro maliit ka noh? crush mo ko? ;) uy, joke lang... peace tayo.. :)

kulit, yah.. totoo yan!

§ínned™
Feb 22, 2000, 12:34 AM
binibining RöttenMind, tulad nga ng aking nabanggit ay hindi naman tungkol lang sa usapang "tangkad" ang nais kong iparating. maraming bagay-bagay sa PEx na sinasagot nang tipong walang bahid ng sinseridad.

ako po ay walang suliranin pagdating sa "tangkad" at hindi yaon ang nakakagambala sa akin. at kung ikaw naman ay may angking kagandahan ay masasabi kong "maari ka bang mahalin?". :D

wAgKaNgMaKuLiT:
salamat sa iyong ibinahagi at aking naiintindihan ang mga katagang yan. nguni't may mga bagay-bagay sa mundo na tayo mismo ay taliwas kung tungkol sa pagsasalita, pagsambit ng mga kuru-kuro at pamamahagi ng ating mga karanasan ang pag-uusapan.

§inned™

Reflection
Feb 22, 2000, 01:15 AM
Sinned, I think I understand what is troubling you about some answers of PEx members. Ano po ang inyong maipapayo na kalutasan sa inaakala ninyong suliranin?
Maghihintay po ako sa inyong kasagutan.

green grin
Feb 22, 2000, 01:19 AM
sinned, saya naman dyan - may salsa!

§ínned™
Feb 22, 2000, 02:02 AM
Reflection:
mahirap maisambulat ang kasagutang ang mismong sumasagot ang mas nakakaalam. makikita mo naman ang mga kasagutan ng mga tao rito. ang hirap mag-replek (reflect po sa wikang ingles) minsan kung ang isang tao ay sumasagot na mukhang taliwas sa tunay n'yang paniniwala.

isang halimbawa ay yung mga usapan sa pelikula at telebisyon na kung ganunin na lamang nila ang mga artistang lokal sa filipinas at kung susuriin mo ang mga sagot nila sa kulturang pinoy ay tipong: "wala sa hitsura 'yan, bigay ng panginoon 'yan dapat tanggapin, ek ek". hindi ba mas magandang pakinggan kung pangit talaga eh di pangit! o kung pandak talaga eh huwag nang bigyan pa ng pag-asa sa pagsambit ng diyos. para kasing hindi makatuturan. kung ako ang tatanungin kung ang edad ba ay dapat maging batayan sa relasyon ang sasabihin ko ay "hindi" na walang pagbawi sa huli na madalas gawain ng ilan rito na ang tumbok rin pala ay "oo".

green grin:
sinabi mo! hanggang ngayon ay hindi pa rin ako marunong.

§inned™

RöttenMind
Feb 22, 2000, 04:01 AM
sinned, away mo na naman ako... :( sumbong na kita sa tatay ko... lagot ka! :p

§ínned™
Feb 22, 2000, 04:09 AM
hindi naman kita inaaway binibining RöttenMind. sa akin lamang ay isang pagpapalagay sa aking nababasa sa PEx. isa pang halimbawa ay sa isyu ng bayan na kung susuriin mo ay bale-balentong ang mga sagot ng ilan doon at mismong mga kuru-kuro nila ay sila mismo ang kumakalaban.

§inned™

Lo Lo
Feb 22, 2000, 07:54 AM
Huwag mo namang ikagagalit ito, Sinned. Ako tuloy ngayon ang nagugulumihanan sa iyo. Ano ba talaga ang ipinaghihimutok ng iyong butse sa mga kuro kuro ng ibang miyembro. 'Di nga ba dito sa PEx dapat ipahayag ng bawat isa kung ano ang sinasaisip at kung ano lang ang gustong ibahagi?

Bakit kailangan pang pintasan mo ang mga sagot o kuro kuro namin? Sino ka ba upang maghusga o magpasya kung ano ang dapat naming isulat? Wala namang pumipilit sa yo. Kung naguguluhan ka eh di huwag mo na lang basahin.

Ayaw ko sanang makapagsalita ng ganito pero panay ang angal mo sa wala namang kabubuluhang bagay.

§ínned™
Feb 22, 2000, 08:15 AM
ah, ipagpaumanhin n'yo po Lo Lo. hindi ko naman pinipintasan ang mga kasagutan ng kapwa nating mga PExer. at hindi mo mai-aalis sa akin ang mabasa ang mga sumulat. maaaring pagkatapos ko na lang basahin masasabi kung nakagugulo nga ng isipan ang naisulat o hindi, at 'yun ay huli na kung sasabihn mong huwag ko na lang basahin.

ang sa akin lang naman ay sana'y isapuso minsan ang mga sagot, at ika nga sa wikang ingles ay 'yung consistency na minsan ay hindi ko makita sa ibang sumasagot. 'yun naman ay ang aking kuru-kuro at nararamdaman.

§inned™

Lo Lo
Feb 22, 2000, 08:29 AM
Salamat sa sagot mo, amang. Maaaring nagkamali ako ng pagunawa sa tinutukoy mo kasi parang hindi maliwanag noong una ang dating ng reklamo mo.

Eto na lang ang masasabi ko, iho. Marami sa amin dito na hindi marunong sumagot o kaya sumulat ng mayroong consistency. Kaya ipagpaumanhin mo na lang kami sapagkat ang isinasagot namin ay kung ano ang sumasaaming diwa sa sandali ng aming pagsulat.

O siya, magsaya ka na sa pakikihalubilo dito.

Ira
Feb 22, 2000, 10:13 AM
Ganoon iyan, Sinned....(teka I've been trying to translate the following to straight Filipino but it sounded awkward, so English na lang, okay? :) )

In my case, cute na cute ako kay Aga Muhlach and Robin da Roza (na kaibigan ni Kaboom! :) ). Looks-wise, they rate a 9.5 for me. If you ask me what the ideal guy for me in terms of looks is, I would say na sila na nga iyon. HOWEVER, that doesn't mean that my mind is closed with regards to guys who don't look as great as they do. While they may be my ideal type, I am perfectly willing to settle for someone less. Kumbaga, I could appreciate art when I see it, but that doesn't mean I want it badly enough that I'm not willing to set my sights on what's available. Iba ang ideal, iba ang minimum requirement.

Gets mo?

§ínned™
Feb 23, 2000, 12:13 AM
kuha ko 'yun Ira (alam mo ba na ang "ira" ay isang salitang espanyol na ang ibig sabihin sa wikang ingles ay "wrath"? te hehe!).

naiintindihan ko yun. malinaw sa akin 'yun. ang pakay ko lang naman sa usaping ito ay bakit minsan ramdam mo na para ngang kapos sa sinseridad ang ibang sagot at tipong pampalubag-loob lamang. isang halimbawa muli, nagbabasa ako tungkol sa kung ano ang pipiliin mo sa pagitan ng: ang pangit na mukha na maganda ang katawan o pangit na katawan pero maganda ang mukha. isa sa sumagot ay "wala raw sa anyong pisikal ng isang tao 'yun kung hindi iyun ay nasa kalooban." ang tunog nito ay pampalubag-loob sa mga pangit at pawang walang katotohanan sa usaping ikaw ay pinapipili. sino ba ang may gusto sa pangit, di ba? kahit na sabihin mong isa siyang santo, pero hindi mo agad makikita yun!

§inned™

§ínned™
Feb 23, 2000, 02:38 AM
isa pang nakakainis ay ang pag-tago sa mga salitang lutang naman ang ibig pakahulugan. halimbawa, bakit ka pa gagamit ng ganito: "f*uck up" kung ang lahat ng tao ay alam na ibig mong sabihin ay f u c k up???

marahil ay ***** tayo na maaaring ang ibig sigurong pakahulugan ng sumulat ay fick up? o kaya naman ay feck up? fock up kaya? o fack up kaya? eh di kung alam mong masama yun eh bakit mo gagamitin, hindi ba?

§inned™

RöttenMind
Feb 23, 2000, 03:35 AM
sinned,

ibang klase ka namang mag-obserba... napapaghalataang adik ka sa PEx... :)

bueno, sige, ipagpatuloy ang iyong magandang nasimulan at inisin pa ang maraming mga PExers! (ahihihih!)

o ano gusto mo ng tulong? ;)

uy, guys, joke lang yun ah! pagbigyan na lang natin si sinned... :)

peace tayo ha! :o

Feb 23, 2000, 06:45 AM
Sinned,

Nakow, bata ke-lalem ng ingles na yaan ah.
medyo paki babawan lang po di po namin madig!


§ínned™
Mar 1, 2000, 03:25 AM
ako'y nakikialam (ayokong sabihing hindi naman sa nakikialam ako ek ek - isang pangungusap kasi ito ng pasintabi kunwari pero sa katotohanan ay nakikialam naman talaga) at ako'y nagugulumihanan sa sagot sa tanong na ito:

katanungan: "how old are you?"
kasagutan: "i am 16 turning 17"

bakit may 16 ba na nagiging 32? o kaya 8? o kaya 2 buwan?

§inned™

adamkulit
Mar 1, 2000, 08:54 AM
Ang gugulo niyo basta ako 5'11" ang height ko beh ;)

RöttenMind
Mar 1, 2000, 09:10 PM
sinned humirit ka na naman ha! pagbigyan mo na.. =)

§ínned™
Mar 3, 2000, 01:51 AM
pinagtatanggol ko si Braveheart (ayokong gamitin 'yung: "hindi naman sa pinagtatanggol ko si braveheart ek ek ek...." - kasinungalingan kasi ito dahil ang pakay naman eh pagtatanggol pa rin, hindi ba?)

naisara ang kanyang thread dahil sa pinalilista niya kung sino sa inyong palagay ang pina-kapangit na tao. o ano ang masama sa tanong na iyon? ang kapangitan, hindi ba, ay hindi lamang sa panlabas na anyo kung hindi ay may tao ring pangit ang kalooban? at 'yan ang pinagsasabi ng mga tao rito, o kaya naman ay ang kagandahan ay hindi lamang sa labas kung hindi sa loob din?

habang pinupuntirya ninyo sina champagne morales, at nagsusulat kayo ng inis ninyo sa ibang tao kesyo pangit sila (ako inis din ako kay dolly anne carvajal, na sa palagay ko ay isang pangit na tao dahil sa kanyang kaplastikan.) ay eto kayo at tipong nag-lelektyur na mukhang hindi angkop ang pakay na yaon ni ginoong Braveheart.

kahit anong sabihin ninyo ay may nakakasalubong kayong mga tao na sasabihan ninyong pangit! kaya nga may maganda ay dahil may pangit!

Magpakatotoo nga kayo!

§inned™

AstroCooL
Aug 14, 2002, 04:59 PM
:rotflmao:

nakupo
Aug 14, 2002, 05:11 PM
:glee: