PDA

View Full Version : Please help me.. Minamaltrato ng employer.. :-(


froshie1
Mar 22, 2004, 04:18 AM
Hello all. Sana matulungan ninyo ako, kailangan ko ng mga insights ninyo. I'm a confused burn-out employee. I'm 24 years old and I can say that I have a good salary and I love what I'm doing. Problem is my employer treats me like dirt. He shouts at me, nagsasalita sya ng bad words (kulang na lang lagyan mo ng "mo" para tama talaga sa akin), sinisigawan nya ako sa harapan ng mga subordinates ko and hindi pa sya professional sa pagkilos nya sa office, minsan sinabi pa nya sa akin na wag ko daw hintayin na wala na daw akong mabigay na sagot sa kanya kung hindi mapipilitan daw syang palitan na ako, hindi lang minsan nangyari iyon sa meeting namin dati may tinatanong sya kung ano presyo ng ganito eh sabi ko " i will look for it" tapos sabi nya baket di mo alam yan??? mag-resign na kayo pag di nyo alam agad sagot!!!!!!! grabe ganun sya ka-unreasonable, unang una hindi naman ako sales para malaman presyo nun, technical person ako. isa pa pinapaburan nya iyong barkada nyang makitid ang utak. May barkada kasi sya sa amin, manager din. Etong barkada nya, ito iyong tipong lalake na bad talaga, mahilig mang-babae, uminom at mabisyo. Iyong barkada nya minsan pinilit ako lumabas (mangbabae), eh hindi ako ganun na tao, sinabihan ko na lang sya in a very nice way na hindi kasi ako nag-eenjoy sa mga ganun na lugar at nag make pa ako ng excuses na pinagsawaan ko na iyan etc.. etc.. Pagkatapos nun mapilit pa talaga, ang ginawa nitong hunghang na ito, sinabi ba naman sa boss ko na hindi ako sumasama sa kanila na wala akong pakisama. Napagsabihan tuloy ako na makisama. Nagkaron pa tuloy ng impression na wala akong pakisama or hindi ako nakikisama, to cut it short nagmemake sya ng stories. Isa pang nakakainis dito itong barkada ng boss ko eh nagmamagaling in short laway ang puhunan nya, sya si Mr. Know it all! At pag mga meetings namin may mga oras na iniipit ako nitong si barkada at most of the time eh kampi namna itong si boss dun sa barkada nya. Marami na ngang nagsasabi abnoy silang dalawa. Isa pang pinagtitiisan ko eh iyong mga kunwari sasabihin nya (boss ko na ito) na "oh dapat pagaralan mo ito kasi ito ang latest technology ngayon" blah blah blah, pero ang sa totoo nun, para sa kanya lang iyon. Iyong sinasabi nyang pagaralan mo eh para sa bahay nya or sa bahay ng magulang nya at doon mo dapat isetup iyong pinapa-aral nya sa iyo. Bad trip noh? Pero nasasakyan ko pa iyon, ang panget lang iyong bad words at iyong occassional na sasabihin nyang ifafire ka nya.

Last month na confine ako sa hospital dahil sa tensyon sa office and ngayon naghahanap ng panibagong malilipatan. Noong naconfine nga ako, sinasabi pa nga nyang concern sya sa akin, nagalala (haaay nako!). Tanong ko lang sa inyo, alam ko naman na kapag sa interview eh hindi dapat i-bad mouth ang pinagsisilbihan mong opisina, pero kung ganito naman kasama (lalo na iyong inistate ko sa itaas) hindi pa rin ba dapat na sabihin ito habang interview? Paano kung ang interview na kaharap mo ay iyong magiging immediate superior mo na? Hindi mo pa rin ba dapat sasabihin?

Sobrang desperado na akong makalipat. Maski nga taasan na nga lang nila ako ng 500 to 1k sa net ko ok na ako or maski pantayan nila, ok na ako, ganun na ako inis dyan sa pinapasukan ko. Tulong naman mga peeps. Naitanong ko kasi ito dahil sa iyong nilalagay ko kasing reason kung baket gusto ko ng lumipat sa company na pinagaaplayan ko eh "career advancement". Parang hindi ko ma-justify iyong "career advancement" dahil sa ang present job ko ay nasa managerial level na ako, eh iyong lilipatan ko maski supervisory ok na sa akin, tapos iyong expected salary ko pa eh hindi naman ganun kataas para sabihing "career advancement". Diba kapag "career advancement" mga at least "40 to 100 percent" ang itinaas ang expected mong sweldo or hindi naman ganun iyon.

Haay nako. Ako'y gulong gulo na. Maaring sa iba itong nararanasan ko eh sisiw lang. Kailangan ko lang ng tulong ninyo mga peeps at ako'y gulong gulo na... Ayaw ko naman mag-quit agad ng wala pang nalilipatan dahil ang hirap ng buhay sa ngayon. Pero last week napapag isipan ko na mag resign na lang kahit wala pa kasi kakasuka talaga ka-work iyon. Isa pa hindi ka naman pwede makapag-reklamo kasi isa sya sa mga owners. :-(

froshie1
Mar 22, 2004, 04:25 AM
baka malito kayo, iyong ibig kong sabihin sa bandang unahan na "I love what I'm doing" ay gusto ko ang aking job, mahal ko ang aking ginagawa pero hindi ko gusto ang minamaltrato ako yong pinaparamdam sa iyo na binili ka na ng boss mo.

mrpathetic
Mar 22, 2004, 09:08 AM
hmmm...sounds very familiar...ano company yan? curious ako...anyway, i myself experienced this sa past job ko...3 years din ako dun...the problem was the boss, who was part-owner of the company...anyway, psychological torture talaga doon...may topak yung babaeng yun...pabago-bago ng isip, egotistical, never accepts criticism, commnets, suggestions...and she divides her attention among the favorites and the commoners...pag favorite ka, lahat sa yo, pag hindi, kung may tira, yun sa yo...abusada masyado, kaya our department has the highest turnover in the whole company and never aaminin or inamin ng gaga na siya ang problema...it's always the employee, na kesyo can't take the pressure or i don't like him or etc...psycho talaga...

anyway, take it from me: leave quietly...biglain mo...take on a big responsibility, tapos bitinin mo by leaving...hehehe! loko lang...serioulsy, leave ka na...after 3 years, wala na yung emotional baggage ko...pag exit interview mo, depends who's gonna interview you, spill the beans...

Jeffreyw
Mar 22, 2004, 09:27 AM
froshie1
Is your boss the owner too? If not, you can file a complaint to your superiors.

floreno
Mar 22, 2004, 10:25 AM
Eh ano naman ang ginagawa ng subordinates mo....Im sure aware sila sa mga nangyayari....

While reading the first three sentences ng iyng kwento...naiirita na ko...

Beter LEAVE ASAP!!!

Since nasa Managerial Level ka na....Try mo kaya maghanap ng oppurtunities ABROAD....doon sigurado malaki ang advancemant ng career mo and financial benefits...Dito kasi sa atin....halos Close to impossible na makahanap ng 'descent work' with all these 'lay-offs' na nangyayari sa paligid....

Good Luck nalang!! :D

froshie1
Mar 22, 2004, 11:00 PM
Mga kasama! Salamat sa inyong mga reply. Actually nag-leave muna ako to start and think things over. I'll just stick muna dito, pero pag talagang sobra na aalis na ako maski hindi muna ako makakuha ng work.

Tama ka Floreno, nakakairita talaga. And Jeffreyw, yes sadly he's one of the owners....

Ano masasabi nyo dun sa pag naginterview (hindi ito exit interview) job interview eto. Should I say na minamaltrato ako ng boss ko? Kagaya ng sinabi ko, alam kong hindi dapat i-bad mouth and pinasukan mo pero sa case kung eto ok lang ba na sabihin? Kasi doon sa expected salary ko hindi naman ganun kataas ang hinihingi ko, ganun na ako ka desperado makalipat. Tapos ang nilagay ko sa reason for leaving sa application form - Career advancement, eh baka hindi maniwala sa akin kasi konti lang ang hinihingi kong taas sa sweldo.

Mga pare at mare kakaiba talaga itong nararanasan ko. Salamt sa mga nagreply!

PrinceKassad
Mar 23, 2004, 07:19 PM
Originally posted by froshie1
Ano masasabi nyo dun sa pag naginterview (hindi ito exit interview) job interview eto. Should I say na minamaltrato ako ng boss ko? Kagaya ng sinabi ko, alam kong hindi dapat i-bad mouth and pinasukan mo pero sa case kung eto ok lang ba na sabihin? Kasi doon sa expected salary ko hindi naman ganun kataas ang hinihingi ko, ganun na ako ka desperado makalipat. Tapos ang nilagay ko sa reason for leaving sa application form - Career advancement, eh baka hindi maniwala sa akin kasi konti lang ang hinihingi kong taas sa sweldo.

No matter what... never bad mouth the former employer. Una, di naman concern ng company na inaaplayan mo kung ano ang naranasan mo dun, ang concern lang nila eh yung skills na nakuha mo sa pagta-trabaho dun. Ikalawa, ang magiging impression nila sayo eh iba-bad-mouth mo din sila in case maghanap ka uli ng malilipatan.

Problema ba yun? Then ask for a higher salary. :)

LinuxMandrake
Mar 25, 2004, 03:36 AM
leave while early... or face the rap, pero hingi ka ng increase na 5k net... or 8k gross. wahehehe... sakto un. not even the owner of the company can treat you like that, check the labor code. pag may nakasulat dun, then sampal mo sa mukha ng boss mo, then leave. wahehehe...

dac
Mar 29, 2004, 03:42 PM
resign before they fire you in the end. Based on their personality, its bound to happen. its gonna come out when something goes wrong with a project and they need a scapegoat.

rather than explain later on why they fired you its better you quit while youre ahead.
your resume and record would look better when you apply for the next job.

the money may be good but its not worth the stress, verbal abuse, lack of respect and trust in the working environment. eventually the stress will manifest itself in your private life as well. whatever youre earning, the medical bills will take away.

cause basically... you dont have peace of mind.
thats something no money can buy.